MANILA, PHILIPPINES Nakabalik na silang mag-asawa sa Maynila. Kasama ang team at si Rocco. Naging masaya rin naman ang biyahe nila at wala na ang pagkailang ng mga empleyado kay Roxanne. Marahil ay natanggap na ng mga ito na mag-asawa talaga sila ni Giuseppe. Bandang hapon na sila nakauwi sa bahay at naramdaman niya na sumisinghot ang asawa. Si Rocco ay tumuloy muna sa home the aged para bisitahin ang kanilang ama. "Oh, ano'ng nangyari sayo? Masama ba ang pakiramdam mo?" takang tanong niya kay GIuseppe nang bumahing ito ng pagkalakas-lakas. Suminghot ito at umiling. "No, no. Baka pagod lang," sagot nito at patuloy na nilalagay ang maruming damit ni sa laundry bin. Napakunot-noo siya. "Hindi raw? Eh hindi ka naman bumabahing ng ganyan, ah?" sabay salat sa noo at leeg nito. "Oh, medyo m

