HULING ARAW na nila ngayon sa El Nido. At bukas ay kailangan na nilang harapin ang busy at nakakastress na buhay sa Maynila. Sinulit naman nilang mag-asawa ang araw na naririto sila. Naroroon iyong maglangoy sila sa dagat, skiing, naglaro ng volleyball sa beach, nag Island hopping din sila. At noong isang araw ay para silang nagcamping dahil nagbonfire pa sila kasama ang ibang empleyado. Sobrang sweet si Giuseppe kay Roxanne. Talagang pinapadama sa babae ang labis na pagmamahal niya rito. Hindi na rin muling nagpakita pa si Ellen o ang anino nito. Naisip ni Giuseppe na gusto niya ang ganitong buhay, malayo sa malaking demands sa Maynila, walang asungot na Ellen at wala si Brent. Silang dalawa lamang ng asawa. Nakikitaan naman ng lalaki ng pagbabago si Roxanne. Mukhang tinotoo talaga ni

