"Mommy, look. I drew you. You and Dad." Malaki ang ngiti ni Via nang sabihin iyon. "Talaga? Patingin nga." Tumabi si Ashley kay Via at tiningnan ang tablet ng anak. "Wow, oo nga. Ang ganda ko naman riyan, 'nak." Everything's cloudy. It's like they're inside a dream. Nasa park sila at kasalukuyang nagpi-picnic. Napangiti si Oliver nang makita kung gaano ka-close ang dalawa. Pareho pa ang mga ito ng disenyo at kulay ng suot na bestida. At pareho ring nakasandal sa katawan ng may kalakihang puno. May kalakasan ang samyo ng hangin, at nililipad niyon ang iilang hibla ng buhok ng dalawa, na iniipit ng mga ito sa likod ng tenga. The scenery is just perfect. Napakaganda niyon sa kaniyang mga mata. It was heartwarming to see them together. "You're always pretty, Mommy," anang kaniyang anak na

