"Shît! Shît." Nagising si Ashley dahil sa mga kalansing ng mga kubyertos sa kusina. Pupungas-pungas siyang bumangon. Wala na sa tabi niya niya si Oliver. Maayos na rin ang pagkakaligpit ng side na hinigaan nito sa kama. Nasaan na ba ang lalaking iyon? Nang silipin niya ang oras sa orasang nakasabit sa pader ay nakita niyang alas dos 'y media na ng hapon. Matagal din pala siyang nakatulog. Hindi na siya nagtataka na kumukulo ngayon ang sikmura niya dahil sa gutom. "Gutom ka na ba, anak?" tanong niya sa bata sa kaniyang sinapupunan na animo'y sasagot iyon. Inabot niya ang hair clamp niya sa may drawer at inipitan ang kaniyang buhok. Doon niya napansin na nakasuot na siya ng damit at malambot na short. Malinis na rin ang buong kuwarto matapos nila iyong guluhin ng binata buong magdamag. N

