"Ashley, anong nangyari?" Napatayo si Ashley nang bumukas ang pinto ng silid. Humahangos na pumasok doon sina Erica at Anita. Nang makarating sila sa ospital kanina ay tinawagan kaagad niya ang mga ito. "Ate." Niyakap siya ni Anita, samantala si Erica naman ay dumiretso sa kapatid na nakahiga sa hospital bed at kanina pa walang malay. "Anong nangyari kay Oliver, Ashley?" tanong ni Erica nang hindi tumitingin sa kaniya. "Nagdugo ang ilong niya at hinimatay, Ate Erica," sagot naman niya. "Na-checkup naman na siya ng doktor. Baka maya-maya lang ay bumalik na rin si Doc dito." "May naalala ba siya bago siya nawalan ng malay?" Muling tanong ni Erica. Unti-unti siyang napatango-tango sa sinabi nito. "Naalala niya na naging maid ako ni Via." Napabuntong-hininga ang babae. "He will probab

