"Ms. Corazon!" Napaigtad si Ashley nang marinig ang pamilyar na pagtawag sa kaniya ni Oliver. Bumukas ang pinto ng kusina at sumandal sa hamba niyon ang binata na para bang hindi naospital kahapon. Maaliwalas ang mukha nito kahit walang ngiti sa labi. Guwapong-guwapo rin ito sa suot na denim at hoody, na pinartneran ng kulay puting high cut na converse. Maulan kasi sa labas, kaya halos lahat sila ay may bitbit na kaniya-kaniyang jacket. Sa katunayan, sinabihan niya ang binata na huwag munang pumasok ngayong araw dahil nga nag-aalala pa rin siya sa nangyari kahapon. Kaya nga lamang ay hindi naman nagpatinag ang binata. Maaga itong umuwi kaninang umaga, at na-late ito ng pasok ngayon. Mabuti na nga iyong nauna siya nang kaunti rito, dahil kung nagsabay sila, paniguradong raratratin siya ng

