"Sandali! Nariyan na!" Agad na tinigil ni Ashley ang pagbabasa ng magazine. Ibinaba niya iyon sa mababang mesa. Ano ba iyan, kung kelan namang napapasarap na ang kaniyang upo. Sumakit din kasi ang balakang niya sa paglalaba kanina. Tinungo niya ang pinto at pinagbuksan kung sino man ang malakas kumatok na iyon. Day off niya ngayong araw hanggang bukas. Kanina ay gumising talaga siya ng sobrang aga upang maglaba, para naman buong araw lamang siyang hihilata at matutulog. Masakit pa rin kasi ang katawan niya. Samantala, bukas ay balak naman niyang mag-grocery. Sa ilang araw na pagtambay-tambay ni Oliver sa apartment niya ay halos maubos na nila ang mga supply niya. Ayos lang naman iyon. Natutuwa naman siyang makita na magana sa pagkain ang kasintahan niya. At ngayon nga, nagpapaantok na la

