"Ms. Corazon, what the hell is this?" "Ms. Corazon, I told you to clean this area, didn't I?" "Ms. Corazon! To my office!" "Ms. Corazon, do your freaking job efficiently!" "Ms. Corazon." "Ms. Corazon!" "Huy, Ashley!" Napaigtad si Ashley sa malakas na pagtawag sa kaniya ni Day. Napalingon-lingon siya sa paligid. Wala nang ibang tao roon dahil magsasara na sila. Umuwi na rin ang iba nilang katrabaho. At kahit nga si Day na nasa harapan niya ngayon ay halatang pauwi na. Wala na kasi ang kulay brown na apron nito na parte rin ng kanilang uniporme, at nakasukbit na sa balikat nito ang bag nito. "Ayos ka lang ba? Natulala ka na riyan." May pag-aalala sa tinig nito. "Ahh, oo. Ayos lang." Natatawa niyang sabi. Hindi niya napansin na nakatitig na pala siya sa kawalan at natigil na sa pagpu

