Natapos ang meeting nang wala masyadong naintindihan si Ashley. Basically, in-inform lamang sila nito ng pagbabago sa management. Nalipat na raw sa ibang branch si Malorie at ang binata nga ang pumalit. He said a number of things after that like the new maintenance schedule of the kitchen equipments, their weekly meetings for promo brainstorming, and other things. But most of it didn't registered inside her mind. Ang nasa isip niya ay si Oliver kahit na nasa harapan lamang niya ito. Iyon nga ang nasa isip niya. Bakit ito nasa harapan niya? Hindi ba dapat isang buwan pa ito sa Amerika at nagte-therapy? Bakit napaaga ang uwi nito? Is he really okay? Nang lumapit ito sa kaniya kanina, mukha namang ayos na ang mga paa nito. She did not see any problems with his walk. How about Via? Nakauwi na

