Tama si Tori. Mabilis nga lamang lumipas ang mga araw. Dalawang buwan na kaagad ang lumipas magmula nang magpunta si Oliver at Via sa Amerika, kasama ang ina at kapatid nito, para sa pagpapagaling ng mga paa nito. Marami nang nangyari sa nakalipas na dalawang buwan. Naka-adjust na siya sa pagtratrabaho sa La Panaderia. Marami na siyang naging kaibigan doon, hindi lamang ang mga katrabaho niya kundi pati na rin ang mga estudyanteng nagiging customer nila. Isang buwan na rin ang nakararaan nang makalipat siya. Maliit na apartment unit lamang iyon ngunit may sariling banyo at kusina. Mabait ang landlady niya at higit sa lahat, mura lang ang renta. Sa mga unang araw ng paglipat niya roon ay hindi siya makatulog. Namamahay siya. Mabuti na lamang at naka-adjust na siya roon. Madalas din kas

