Hindi siya makahinga. Wala na ring marinig sa paligid si Veron. Tila pinasukan na yata ng tubig ang tenga niya sa paulit-ulit na paglublob ng ulo niya sa isang malaking balde. Humigpit ang hawak niya sa gilid niyon at pinilit magpumiglas. Unti-unti nang pumapasok ang tubig sa kaniyang ilong at talagang masakit iyon. Gumuguhit ang masakit na pagpasok ng tubig sa ilong niya. Mamamatay na siya. Almost. Nagsusumigaw siya sa tubig kaya naman pumasok na rin iyon maging sa kaniyang bibig. Ngunit bago pa man siya tuluyang malagutan ng hininga ay iniangat na ng babae ang ulo niya mula sa tubig. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa buhok niya. Sumagap siya ng hangin. Taas-baba ang kaniyang dibdib at sunud-sunod ang kaniyang paghinga. Ngunit hindi pa man siya nakakahinga nang maayos ay muling inilubl

