Hindi siya nagpaalam kay Oliver. Sa katunayan, tulad ng sinabi ng ginang, kinabukasan din ay natanggap na kaagad niya ang kontrata pati na rin ang address eksaktong branch na kaniyang pagtratrabahuhan. Binasa niya iyong maigi, at ipiniliwanag din naman iyon sa kaniya ng ginang bago niya iyon pirmahan. At noong araw din na iyon ay sinamahan siya ng ginang sa bago niyang pagtratrabahuhan. Sinamantala na nila ang pagkakataon habang sina Anita, Papa Hugo, at ang mga bata ang nagbabantay kay Oliver sa ospital. It was actually a small branch na medyo may kalayuan sa bahay ni Oliver. Matagal na iyon at kaka-renovate lamang, ngunit kahit na ganoon ay marami naman iyong customers dahil nag-iisa lang ang La Panaderia na iyon sa lugar, at wala ring ibang maliliit na bakery na maaaring maging kakompi

