Sa wakas. The medicine made Oliver drowsy. At ilang minuto lamang makalipas ang pag-inom nito ng gamot ay nakatulog ito. Kasunod naman niyon ay ang pagdating ng ina nito kasama si Via. "Hi, Ma," bati niya rito. Nakipag-beso naman sa kaniya ang ginang. "Hi, Ashley. We brought some food." Nasundan niya ito ng tingin nang ibaba nito ang bag na dala at ilang plastik ng pagkain mula sa isang sikat na restaurant. Kada talaga dadalaw kahit sino sa pamilya ng binata ay may dala ang mga ito na pagkain. Pakiramdam nga niya ay mas nananaba na siya nitong mga nakaraang linggo, ngunit ayos lang. Hindi niya tinatanggihan ang mga iyon. Masamang tumanggi sa grasya. "Hi, Mommy!" bati naman sa kaniya ni Via. "Hi, anak!" Yumukod siya at hinalikan ang pisngi nito. "Look o," iwinagayway nito sa harapa

