"Hey... ayos ka lang?" May pag-aalala sa tinig ni Ashley nang tanungin ang binata. Tila wala ito sa sarili at mukha na namang pagod. Kasalukuyan na silang kumakain ng hapunan. Medyo late na ito nakauwi mula trabaho, at nagising na lamang siya sa paghalik nito sa kaniyang pisngi. Nag-request ito kung pwede magpaluto ng pagkain dahil buong araw daw itong hindi nakakain sa opisina. Agad naman siyang bumangon upang ipagluto ito at sabayan na rin itong kumain. Hindi rin kasi siya kumain ng hapunan dahil bukod sa busog pa siya sa late niyang pagkain ng tanghalian kanina, hinintay din talaga niya ang binata upang sabay sila kumain ng hapunan. Humingi rin ito ng paumanhin dahil nawala daw sa isip nito na sunduin si Via mula sa bahay ng kapatid nito. That really, isn't Oliver. Ngayon lamang iyon

