Tinanguhan ni Ashley ang guard nang papasukin siya nito. Marami-raming tao roon. Lahat ay namamangha sa hotel sa pagbubukas niyon sa publiko. Lumapit siya sa information desk. Mukhang medyo masungit ang empleyadong naroon. "Good afternoon, Ma'am," bati niya sa babae sa information desk. "Good afternoon. How may I help you?" Sumulyap ito saglit sa kaniya, pagkatapos ay ibinalik ang atensiyon sa telepono, at nakipag-usap sa kung sino doon. "Uh, gusto ko hong makausap si Connor." Natigilan ito. "Who?" "Si Connor ho, iyong may-ari nitong hotel." Hindi naman kasi niya alam ang apelyido ng lalaking iyon. Hindi iyon nabanggit sa kaniya ni Tori. Hindi rin naman iyon nabanggit sa telebisyon kanina. Ang palatandaan lang niya ay ito ang may-ari ng hotel na iyon. Inangatan naman siya ng isang

