"Ahm, miss. May..." napatingin si Ashley saglit sa paligid. Medyo nahihiya sa dami ng mga bumibili doon. Muli siyang tumingin sa pharmacist, "...may PT po kayo?" Hindi niya alam kung bakit humina ang boses niya. Hindi naman siya dapat mahiya kung buntis siya. Bukod sa nasa tamang edad naman na siya upang magbuntis, kaya naman niyang buhayin ang magiging anak niya. "Meron po, Ma'am. Ano pong brand?" Nagbanggit ito ng ilang brand at presyo ng mga ito. Ikinakunot iyon ng kaniyang noo. Wala siyang alam sa mga iyon, kahit ano na lamang sa mga iyon ang pinili niya. Bumili siya ng dalawang piraso niyon upang makasigurado. Saglit na nawala ang pharmacist at nang pagbalik nito ay dala na nito ang binibili niya. "Ito ho ang bayad," inabot nito sa kaniya ang PT pati na rin ang sukli. "Salamat h

