Hinawakan ni Oliver ang balikat ni Veron at buong pwersang inalis sa kaniya ang mga nakalingkis na braso nito. "What the fvck are you doing here?" galit niyang turan sa babae. Kita niya ang gulat sa mukha ng lahat, lalong-lalo na si Jed at ang mga kapatid niya. May pinaghalong disgusto at gulat sa mukha ng mga ito. "I miss you so much, love," anas ni Veron. Sinubukan nitong hawakan ang pisngi niya ngunit mahigpit niyang nahawakan ang pulsuhan nito. Nagsimulang magbulungan ang ilang mga empleyado. Sila na ngayon ang sentro ng atensiyon. Lihim siyang napamura. This isn't looking good. Kita niya ang pagngisi sa kaniya ni Jed. Sa lahat ng tao sa loob ng silid na iyon, tila ito ang pinakanag-eenjoy. Fvck. "Hindi mo ba ako na-miss? Kauuwi ko lang galing France. I've been texting you but

