"Ang tatanga ninyo!" Galit na turan ni Veron. Kulang na lamang ay umusok ang ilong at tenga nito sa galit na nararamdaman. She was humiliated by that Anita Yu, at hindi niya iyon matatanggap. "E Miss, natatakot na po kami sa ginagawa natin." Bakas sa mukha ng lalaki ang pinaghalong guilt at kaba. "Kaya nga kita binayaran, hindi ba? Baka nakakalimutan mo na malaking halaga ang ibinigay ko sa iyo," sabi ng boses ng babae. "At ikaw, hindi ba't sa akin nanggaling ang ipinangpagamot mo sa nanay mo. Kaya kung ayaw niyong bumagsak tayo pare-pareho, ayusin niyo ang pinapatrabaho ko sa inyo." "Miss, paano kung mahuli tayo? Paano kung totohanin ni Ma'am Anita ang sinabi niya?" "Kaya nga gawin mo nang maayos ang trabaho mo, hindi ba? Sundin mo lang ang sinasabi ko at umarte ka ng naaayon, kung ay

