"Via!" Punung-puno ng pag-aalala na dinaluhan niya ang nagdudugong tuhod nito. Walang pag-aalinlangan niyang itinakip doon ang laylayan ng bestida niyang lagpas tuhod ang haba. "Anong nangyari sa iyo? Hindi ba ang sabi ko sa iyo, doon ka lang sa puwesto natin? Saglit lang akong nawala, Via." Hindi na niya napigilan ang sarili na pagalitan ito. "Mommy..." pumalahaw ito ng iyak. "That boy pushed me twice from the back." Tigmak ng luha ang mga mata ni Via. Halata sa mukha nito ang sakit dahil sa pagkatuklap ng balat nito sa tuhod. Grabe ang naging pagkaskas niyon sa semento. Agad na nagsalubong ang kaniyang kilay dahil sa narinig. "Sinong gumawa nito sa iyo?" "That boy." Itinuro nito ang mataba na batang lalaki sa hindi kalayuan. Patay-malisya ito habang nakatingin sa kanila at abala sa

