"Via, ready ka na?" tanong ni Ashley nang hindi tinitingnan si Via. Ang mga mata niya ay nakatutok sa pader. "Ready na po, Mommy!" Determinadong sabi ni Via na tulad niya, ang mga mata ay nakatutok din sa pader. Halos sabay nilang naisuot ang mask nila. Parehas silang nakamaong na jumper pants na pinartneran ng t-shirt sa loob, naka-gloves, at nakabota. Kapwa rin sila nakasumbrero upang protektahan ang kanilang mga ulo mula sa may kainitan nang araw. Alas dyis 'y media na kasi ng umaga. Kapit ang malaking brush nilang pampintura, sinimulan nilang pinturahan ang mga pader sa labas ng bahay. Tama, pinipinturahan na nila iyon nang panibago. Ang gusto nga ni Oliver ay kumuha na lamang ng ibang tao na mag-aasikaso niyon. Ngunit hindi siya pumayag. Sinabi niya sa binata na sila na lamang dala

