"Sir Oli? Via? Lumabas kayo?" Nginitian siya ni Via nang pagkatamis-tamis. Samantala hindi naman makatingin ng diretso sa kaniya ang binata. Pinaglalaruan nito ang shades sa kamay. "Opo, Mommy." Si Via ang sumagot. Bumaling ito sa ama pagkatapos. "Daddy, I'll go to my room na." Akmang magtutungo na ito sa hagdan. "Via, iyong shades mo. Baka madapa ka..." Tumingin sa kaniya si Via, nag-thumbs up, saka inalis ang shades at sumbrero. Nasundan na lamang nila ni Oliver ng tingin ang bata habang paakyat ito sa hagdan. "Saan ho kayo nanggaling, Sir?" Hinubad niya ang sandals na suot. Inilagay niya iyon sa loob ng kaniyang kuwarto, inilabas niya ang cellphone niya mula sa bag, saka isinabit ang sling bag niya sa likod ng pinto. Hinagilap niya ang pambahay niya na tsinelas, saka isinaksak sa

