"Dona...?" "Ashley—" Parehong natigilan sina Dona at Ashley nang magkita sila sa may parking lot. Hindi "Friendship, kakilala mo?" Bulong sa kaniya ni Tori. "Ah, oo. Kaibigan siya ng amo ko na naging kaibigan ko na rin, Tori. Guro din siya," sagot niya bago muling ibinaling ang tingin sa babae. "Dona, anong ginagawa mo rito?" Doon lamang niya napansin ang naglalakihang bale ng mga damit sa paligid. Mukhang pinagkakasya nito ang mga iyon sa likurang bahagi ng kulay itim nitong Ford Ranger. Anong gagawin nito sa napakaraming damit? "Oh. Hello, Ashley..." pagbati sa kaniya ni Dona. "Ah. Hello din, Do—" "Now I know why that dog is here. He even brought his puppy. I will freaking kill once I see him again." Nagkatinginan sila ni Tori bago sabay na napaatras. Tila may itim na aura na p

