"Veron, where are you?" Agad na bungad sa kaniya ng manager niya pagkasagot na pagkasagot niya sa tawag nito. "Lily's," maiksi niyang sagot. "You know you can't just run off. Paano kung habulin ka ng mga paparazzi ha?" Veron gritted her teeth upon hearing the loud voice of her manager from the other line. Nitong mga nakaraang araw ay talagang nakaririndi na ang boses ng manager niya. Kahit malakas ang musika sa lugar na iyon ay dinig na dinig pa rin niya ang boses nito. "Habulin nila ako hangga't gusto nila. I don't really care." Sinenyasan niya ang bartender, at tinanguhan naman siya nito. Dahil regular na siya sa bar na iyon ay alam na nito ang order niya. "You don't fear anything, do you? May iniwan ka pa ngang issue sa France, nakuha mo na kaagad pumirma ng kontrata. Akala mo ba, h

