Nagtagal pa sila sa bahay nina Anita. Ashley couldn't believe how happy Via is. Buong araw siya nitong kinulit nang malaman nito ang pagiging buntis niya. Paulit-ulit ito sa pagmamayabang sa mga pinsan nito ang pagkakaroon nito ng kapatid. Ilang ulit din nitong hinaplos ang tiyan niya at tinanong kung kailan lalaki ang baby doon. Tinanong nito kung babae ba o lalaki ang kasarian niyon. Kahit ang pangalan, hindi nakaligtas. Sa dami nga ng tanong nito ay hindi na niya alam kung paano pa sasagutin ang lahat ng mga iyon. Kaya naman pinangakuan na lamang niya ito na sa unang pagpapa-check up niya sa doktor ay isasama niya ito. Noong hapon ay sinundo silang dalawa ni Oliver. At kung anong daldal ni Via habang nasa bahay pa sila nina Anita ay siya namang tahimik nito pagkasakay na pagkasakay sa

