"Ash...?" "Hm...?" "I love you." Napangiti si Ashley sa narinig. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ng binata sa kaniyang bewang. They are still naked under the sheets. Dama niya ang init ng katawan nito sa kaniyang likod. Dumako ang kamay ng binata sa kaniyang tiyan at marahang hinaplos iyon. "Kanina mo pa sinasabi 'yan," natatawa naman niyang sabi. Humarap siya sa binata at yumakap din sa bewang nito. Nagtama ang kanilang mga tingin. "Gusto kong sabihin e. I feel like I haven't told you that for a very long time. Matagal din akong nawalan ng alaala, kaya gusto kong paulit-ulitin sa iyo." Hinaplos ng binata ang kaniyang buhok. Napatitig na lamang siya sa guwapo nitong mukha. The way he looks at her says it all. May kakaibang kislap doon na nagsasabing mahal nga siya nito. And sh

