Tila wala sa sarili na nagpabalik-balik si Veron sa silid habang inuulit ang mga katagang 'hindi ako titigil.' Kitang-kita ni Oliver kung paano kagat-kagatin ng babae ang mga daliri sa kamay. "Veron, listen to me..." aniya. Huminga siya nang malalim at naghanap ng mga tamang salita sa loob ng kaniyang isip. He shouldn't provoke her. Kaya naman kailangan niyang maging maingat sa kaniyang mga salita. Baka mas lalo pa itong magalit at makagawa ng hindi magandang bagay. "I'm begging you. Things have escalated. Please stop now. Bago pa tuluyang mahuli ang lahat." Nagsusumamo niyang sabi sa paos na boses. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung paano pa siya nakakapagsalita ngayon. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Talagang nag-aamot na ng tubig ang kaniyang katawan. Ngunit kah

