"Saan ninyo ako dinala?" Lakas-loob na tanong ni Oliver sa dalawang lalaki. Malakas ang kaniyang loob dahil alam niyang hindi naman siya sasaktan ng mga ito. Hindi siya pwedeng patayin ng mga ito dahil mahalaga siya kay Veron. At gagamitin niya ang advantage na iyon. Nagkatinginan naman ang dalawa; nagkangitian. Halatang balak siyang paglaruan ng mga ito. "Nakikita mo naman, Prince Charming. Sa isla. Kahit saan ka tumingin, puro lumalangoy na isda." Punung-puno ng kasarkastikuhan na sagot ng kalbong lalaki sa kaniya. "Ngayon, unti-unti ka nang lumakad pabalik sa loob ng bahay dahil hindi kami nakikipagbiruan sa iyo." Pero hindi siya nakinig sa mga ito. "Saang isla? Saan eksakto?" muli niyang tanong. "Talagang gusto mong sagarin ang pasensya namin, ano?" Ikinasa nito ang baril at itinu

