Hindi namalayan ni Ashley ang pagtulo ng kaniyang mga luha nang marinig ang kwento ng kasintahan. Tuluyan na siyang natigilan sa pagpupunas ng buhok nitong nabasa sa ulan. Gulat na gulat pa rin talaga siya nang mapagbuksan niya ito ng pinto, may isang oras na rin ang nakakaraan. Bitbit ng binata ang P.T. kit niya. At nang sabihin nito sa kaniya na naaalala na siya nito ay binalot siya ng kakaibang kasiyahan. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili at nayakap ito nang mahigpit, kahit na basa pa ito sa ulan. Nagkatawanan tuloy sila nang mabasa rin siya. Pinatuloy niya ang binata. Nagpalit siya ng pantulog pagkatapos ay pinahiram din niya ng masusuot ang binata. Naglalambing itong nagpatuyo ng buhok sa kaniya na siya namang ginawa kaagad. Kumuha siya ng tuwalya, at kasalukuyan nga n

