"Kamusta ka naman?" Saglit na napatigil sa pagsawsaw sa sauce si Ashley nang marinig ang tanong na iyon ni Tori. Kasalukuyan silang nasa plaza, nakaupo sa isang bench sa tapat mismo ng bilihan ng mga tusok-tusok. Matagal-tagal din silang hindi nagkita ng kaibigan. Kaya naman nang yayain siya kagabi ni Tori na magkita ay pumayag kaagad siya. "Ayos lang." Nginitian niya ang kaibigan. "Masayang-masaya," kulang na lang, pati mga mata niya ay ngumiti rin. Iyon talaga ang nararamdaman niya nitong mga nakaraang araw. Sa sobrang saya nga niya, hindi niya maiwasan ang makaramdam ng takot. Pakiramdam niya, anumang sandali ay babawiin iyon sa kaniya. Pakiramdam niya, araw-araw siyang nasa isang magandang panaginip at anumang oras ay magigising na lamang siya sa katotohanan. Though, she tried her b

