Lagpas alas tres na ng madaling araw ngunit gising na gising pa rin ang diwa ni Ashley. Hindi niya makalimutan ang sinabi sa kaniya ni Oliver. "Pwede ba kitang magustuhan?" Ramdam niya ang init na nanggagaling sa palad ng binata na nasa kaniyang pisngi. Para bang nahihipnotismo siya sa mga titig nito. Hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang dapat isagot. Bumuka ang bibig niya, ngunit wala namang lumabas na salita mula roon. "Gustong-gusto kitang magustuhan..." May pag-aalala sa boses ng binata. May mumunting pag-aalingan doon. Para bang ang dating ng tono nito sa kaniya ay may kung anong pumipigil sa binata na magustuhan siya. Pero hindi niya alam kung ano. Dahil ba sa yaya siya ng anak nito? Sa magkalayo nilang estado sa buhay? O dahil sa wala siyang pinag-aralan at wala ring maipa

