Present. Maagang nagising si Ashley kinabukasan. Maghapon kasi silang magtitinda ni Tori sa palengke sa kabayanan ngayong araw. Nag-init siya ng pampaligo at nag-asikaso ng kaniyang sarili. Kumain siya at naghanda ng isusuot. Ngayon ang kaarawan ni Oliver. Dapat ay nagse-celebrate na sila ngayon. Dapat ngayon ang araw na susurpresahin niya ito. Dapat ay nag-e-enjoy na sila sa bakasyon. Ngunit heto, nagpapanggap siya na hindi ito nami-missed kahit ang totoo'y maya't maya itong sumasagi sa isip niya pati na rin si Via. Kahapon pa niya pinipilit alisin sa isip niya ang binata, ngunit kusang sumisiksik doon ang mukha ng kasintahan. Kinuha niya ang cellphone niyang ilang araw na ring nakapatay. Nakatago lamang iyon sa drawer. Nagdalawang-isip pa siyang ilagay iyon sa bag na ipinahiram sa kan

