Humahangos si Ashley nang makarating siya sa ospital. Inihatid siya ni Tori roon, at halos liparin na nga nila ang kalsada sa bilis ng pagpapatakbo ng kaniyang kaibigan. Pero kahit gaano man kabilis, hapon na sila nakarating doon. Mabilis ang t***k ng puso niya dahil sa kaba. Nanginginig din ang mga tuhod niya at kahit halos maputol na ang tsinelas na kaniyang suot ay wala siyang pakialam. Pagkakita na pagkakita pa lang niya ng balita ay agad niyang tinawagan si Erica. Magkahalong pag-aalala at relief ang narinig niya sa boses nito. Does that even make sense? Ngayon lamang niya napagtanto na pwede pang magsama ang dalawang damdaming iyon. Pero higit sa lahat, umiiyak si Erica nang sabihin nito sa kanya kung saang ospital dinala ang binata. At hindi na nga sila nag-aksaya pa ng oras. Bumiy

