Napakamot na lamang ng ulo si Ashley. Ilang beses na niyang sinubukang buksan ang cellphone ni Oliver ngunit ayaw talaga niyon. Sinubukan na niya ang birthday nito, birthday ni Via, maging ang birthday niya. She also tried random numbers, and even their monthsarry, at lahat sa mga iyon, walang gumana. Napatingin siyang muli sa binata at napabuntong-hininga na lamang. Maybe she should just stop. Kukunin sana niya ang sling bag niya upang ilagay doon ang cellphone nang kasintahan nang mapatitig siya kay Oliver. He's a really sweet person. Matandain din ito, kaya malamang, ang password nito ay isang petsa na hindi niya matatandaan. But what would that be? Napaisip siya. Kung siya si Oliver, ano ang date na gagawin niyang password? "Enrico..." She said his name out of the blue. Kasunod niy

