"It's nice to meet you, ija. I knew it, you look prettier in person." Iyon ang nakangiting sabi ng ina ni Oliver sa kaniya. Maganda ang ginang. She may be has fine lines, but still beautiful. She has a kind smile and an approachable vibes. Samantala ang ama naman ni Oliver ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Hindi ito nakatingin sa kanila ng ginang, bagkus, nakatingin ito sa anak na tila mahimbing lamang na natutulog sa hospital bed nito. Hindi man ito nakatingin, alam naman ni Ashley na mataman itong nakikinig sa usapan nila ng asawa nito. "S-salamat po," alanganin siyang ngumiti sa ginang. Nakaramdam kasi siya ng hiya sa compliment nito. "Ikinagagalak ko rin po kayong makilala, Ma'am." "Call me, Mama Letty. Or... just a simple Mama will do," anito. "Uhm..." Bumuka ang bibig niya

