“Harris, wala ka namang ginagawa, dalhin mo na lang muna itong si-si…” mukhang hindi nito alam ang pangalan niya, “tong P.A ko sa tent. Nasugatan. Ikaw munang bahala,” walang kainte-interes na sambit ni Kirk at pagka’y tumalikod na patungo sa beach umbrella na iyon kung saan nakaupo ang bidang si Sheryl. Nagkatitigan sila ni Harris. “Oh ano?” maang ni Harris. “Sige na tumayo ka na diyan, ganyan talaga,” anas nito, napansin niyang nakatutok na ulit ang videocam sa kanya.Hindi siya gumalaw, nanatili siyang estatwa doon nakaupo sa buhangin na iyon, tinatanaw ang likod ni Kirk. “Ba-bakit ganun?” anas niya sa hangin. “Tayo ka na! Dali!” utos sa kanya ng binata. Hindi parin siya gumagalaw. “Halika na sabi!” pinanood niya ang pagluhod nito at ang pagsabit nito ng videocam sa leeg. Dinampot nito

