“HIS SISTER DIED WHEN HE WAS seven. Limang taong gulang pa lamang si Lily noon ng aksidenteng masugatan siya ni Harris ng kutsilyo ng maglaro sila. Nagbabahay-bahayan sila noon at apparently, may hinihiwang mga d**o si Harris noon, napulot lamang nito ang kutsilyo sa likod ng tool storage room sa bakuran ng lolo nila, he was innocent, that’s all, he didn’t know that an old almost rusty knife could hurt so well. Maliit lamang ang sugat noon ni Lily, pero nagpantal ito ng lubos na takot sa batang si Harris. Pinagalitan ito at pinalo sa kauna-unahang pagkakaton ng ama nito. Alam ko, dahil naroon rin ako sa mismong bakuran nila ng mga pagkakataong iyon, noong paluin siya. Naglalaro kami nun. Days later, inatake ng mataas na lagnat si Lily, hindi na ito naagapan pa, it was believed that it was

