Mabilis akong hinatak ni Felicio palabas ng opisina no'ng naiwan na lang akong nakatayo kanina at tila natuliro sa mga mahika, este sa mga maruruming biro nito. Dinaig ko pa ang manika na hinatak ni Felicio na animo'y ililipat lang sa kabilang departamento. Kakayanin ko pa siguro ma-endure ang pagsusungit ni Caleb kaysa sa mga nakakahumaling nitong sinasabi sa akin. "Hoy, Staizy Mitch! Okay ka pa ba?!" nag-aalalang tanong ni Felicio nang makarating kami sa parking lot. "Kanina ka pa tuliro riyan. May nangyari ba kanina? May sinabi bang hindi maganda sa iyo si Mr. Vikero?" Mabilis akong nataranta sa tanong nito. "H-Huh? Hindi maganda? Tulad ng?" balik kong tanong imbes na sumagot. Nagtataka ako nitong tiningnan na ikinaiwas ko. "Binigyan ka ba niya ng parusa sa biglang hindi pagpasok k

