bc

Captivated by the Prudent Billionaire

book_age18+
795
FOLLOW
6.2K
READ
billionaire
family
HE
age gap
opposites attract
pregnant
heir/heiress
drama
sweet
bxg
witty
office/work place
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

La Castellano Series #1

Si Staizy Mitch Claveria ay isang sekretarya ng isa sa bilyonaryo sa La Castellano at CEO ng korporasyon. Hindi man niya aminin sa sarili niya ngunit unti-unti nang gumagaan ang loob niya kay Caleb Dale Llames Vikero hanggang sa ginulo ng kanilang nakaraan ang tila paraisong buhay nila.

Ngunit gaano man katindi ang alon sa dagat o gaano man kalakas ang pagliyab ng apoy. Hindi gano'n kadaling mapupuksa ang pagmamahalan nila sa isa't isa.

Kahit ilang taon pa ang palipasin ni Staizy upang kalimutan ito at ang mga nangyari sa kaniya sa La Castellano ay hindi niya magawa dahil sa nagkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan. Sapagkat paano niya tuluyang lilimutin ang lalaking minsang nagpatibok ng puso niya at ang ama ng kaniyang anak?

chap-preview
Free preview
Prologo
"Asian State University! 'Di papatalo! 'Di papasakop! We. Are. Asianians!" "Alezia, hindi pa ba pwede umuwi?" tanong ko sa kaniya. "Ano?! Hindi kita marinig!" sigaw nito pabalik at bumaba sa upuan na kinatatayuan niya. "Ang sabi ko kung pwede na ba umuwi!" "Mabibingi ako, isa, ha!" pag-inda nito. "Ano ka ba! Hindi tayo pwede umuwi hangga't sa wala pang attendance! Kaya nga tayo pumunta rito para makapag-attendance!" Attendance mukha niya. Sa aming tatlo nina Jesuel Rance Romero at Alezia Moravia ay ako lang ang pumunta rito para sa attendance. Isa kasi sa mga basketball player si Rance habang itong si Alezia ay nag-ala miyembro ng cheerdance. Kasi kahit nga mga manlalaro ng kalabang unibersidad ay tinitilian niya. "Nasaan na ba si Christian Millares? Tinakbo na niya siguro iyong attendance list," inip kong saad habang si Alezia ay pumatong na naman sa upuan upang makanood sa mangyayaring liga. Nanahimik na lang ako sa isang tabi habang ang paligid ko ay sobrang ingay dahil sa nangyayaring intrams. Kung hindi lang sinabi ng professor namin na dagdag points ang pag-attend dito ay hinding-hindi ako pupunta rito. Hinding-hindi ko isasakripisyo ang eardrum ko, 'no! "Ito na, guys! Nandito na attendance list!" biglang dating ni Millares na tagaktak ang pawis. "Pumirma na kayo kasi aalis na si Prof. Warren! Kailangan niya na ito bago maghapunan!" Agad akong napatayo sa kinauupuan ko at nakipag-unahan sa kanila na kunin dito ang attendance list. Gusto ko na kasi umuwi. Hindi na kinakaya ng eardrums ko ang ingay dito at marami pa akong responsibilidad sa bahay. "Sandali, wala munang uuwi dahil may documentation pa! Ibabalik ko muna itong attendance kay Prof. Warren tapos documentation na tayo!" sigaw ni Millares. "Huh? Bakit mamaya pa? Pwede naman ngayon na rin," nagtataka kong saad. "Hindi tayo kumpleto, kailangan kasama sila Romero," saad nito na umalis agad habang ako ay bagsak ang balikat na napaupo muli. Bakit ang ibang department ay hindi naman required pumunta rito? Business Department lang talaga ang may sapak sa ulo. Kinakawawa nila mga estudyante nila. Nang matapos ang intrams ay masama kong tiningnan si Millares dahil sa dinala niya kami sa malapit na inuman. Kaya pala hinuli niya ang documentation kasi plano niyang isama kami sa katarantaduhan niya. "Natalo ka man sa laro pero panalo ka naman sa mga babae!" pagbibiro ni Millares kay Rance. "Kung nakita mo lang ang mga tilian ng mga babaeng estudyante ng kalaban, solve ka na!" "Talaga ba? Si Alezia lang kasi narinig kong sumigaw," saad nito. "Kaya nga nilakasan ko 'yong sigaw ko kanina kasi baka matalo ako ng ibang estudyante. Hindi pwedeng manalo sila sa puso mo, Rance. Dapat si Staizy lang, 'di ba?" kinikilig na saad ni Alezia at siniko pa ako kaya pinandilatan ko ito. "Hoy, Staizy, huwag mo sabihing wala ka balak sagutin si Rance?" prangkang tono ni Millares. "Mag-iinarte ka pa–" "Hindi 'yon gano'n! I mean, hindi 'yon... Anyway, sabi mo pala kanina na kaya ka nagpainom dahil sa birthday mo rin?" pang-iiba ng usapan ni Rance. "Oo nga pala! Nakalimutan ko! Kaya ko kayo nilibre kahit talo naman tayo sa mga laro ngayon ay dahil sa birthday ko rin!" pabidang saad nito. Wala akong matandaan na close kami para pati ako ay isama niya sa birthday celebration. Pero nanahimik na lang ako at hinayaan silang lahat na mag-usap. "Alezia, may bahay kayo sa La Castellano?" hindi makapaniwalang tanong ni Millares. "Kung gano'n mayaman kayo?" "Hindi kaya, saktuhan lang," iwas na sagot nito. "Bakit sa state university ka pa nag-aaral kung mayaman kayo?" pang-uusisa nito. Well, si Alezia ang pinakamayaman sa aming tatlo ni Rance. Kaso nga lang may problema ito sa tatay niya kaya hindi ito sinusustentuhan. Habang si Rance naman ay kahit may kaya ang pamilya ay hindi nito kaya mag-aral sa private school dahil sa kuya nitong nasa Canada na sinusustentuhan din nang buo sa pag-aaral. "Hindi ako mayaman, mga magulang ko siguro 'yon," dagdag ni Alezia. "Pero alam n'yo ang La Castellano ang unang pinakamayaman na lugar sa bansa," saad ni Millares na tila isang guro. "Kaya halos lahat ng mga nakatira ro'n ay mga bilyonaryo." Impossible. Story maker. Bilang lang kaya sa daliri ang bilyonaryo sa Pilipinas at halos lahat ay nasa gobyerno. "Alam n'yo iyong Monaco? Iyong Monaco ay isa sa pinakamayaman na bansa sa mundo. Halos bilyonaryo ang mga nakatira ro'n. Gano'n na gano'n ang La Castellano!" La Castellano? Hindi ako magaling sa direksyon pero ang alam ko ay small city lang ito located sa may south. Inisip ko tuloy na kung siguro mayaman lang ako ay baka ma-pursue ko ang kursong fashion design. Pero hanggang sa isip lang talaga 'yon. Napabuntong-hininga na lang ako na ininom ang laman ng basong nasa harapan ko. "O-Oh, alak 'yan, Staizy!" gulat na sambit ni Alezia. "Ininom mo? Pero hindi ka naman umiinom?" Napailing ako nang gumuhit sa lalamunan ko ang asido. Sa sobrang pag-iisip ko tuloy ay mali-mali na ang nadadampot ko. "Bakit naman dito mo nilagay, Alezia? Itinabi mo pa talaga sa tubig ko," nainis kong saad. Kinuha ko ang tubig ko na nasa babasaging baso rin at isinunod ito sa lalamunan ko. Magkasing-kulay kasi ang binili nilang alak sa tubig. "Umiinom ka pala, Staizy?" pang-uusisa ni Millares. "Hindi ko 'yon alam, ah! Sandali, sasalinan kita–" "Hindi siya umiinom," singit ni Rance. "Anong hindi? Ininom niya nga 'yon na parang tubig lang. Isa pa, parang pre-graduation party na natin ito! Kaya inumin mo na para sa akin, Staizy!" ngising saad nito at nagkatapon-tapon pa ang alak sa baso nang punuin at iabot niya. "Pre-graduation party? Hindi mo ba alam na masama ang mag-celebrate nang maaga? May mangyayaring masama," panglilihis ni Alezia. "Kaya nga ang mga gradwaiting student ay hindi gumagala kapag malapit na sila magtapos." "Sus! Sino namang may pakana n'yan?" natatawang tanong ni Millares. "Oh, Staizy, bakit hindi mo pa iniinom? Inumin mo na! Para sa birthday ko!" Wala akong nagawa kundi inumin 'yon. Ngunit hindi ko pa nakakalahati ito ay nabigla ako nang mabilis na kinuha 'yon sa akin ni Rance at nilagok. "Nauhaw ako," palusot niya at ibinagsak ang baso sa harap ni Millares. "W-Wow! Kahit ano gagawin?" nakakalokong sambit ni Millares. "Alam mo nakakapagtaka lang kasi hindi naman talaga mapera si Staizy para magustuhan mo, hindi ba? Oo! Siguro aminin natin na maganda at matalino siya. Pero sayang ka, pre! Bakit hindi mo subukan na titigan si Alezia? Mas magka-level pa kayong dalawa kaysa–" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay sinapak na ito ni Rance. Kaya halos matumba kami sa kinauupuan upang umatras lang. Hindi ako nakakibo sa narinig ko. Masyadong matalim pa rin ang dila nito. Pero hindi ko na pinatulan dahil sa sina Alezia at Rance na ang pumatol. "Hoy, Millares! Walang hiya ka! Sino ka para sabihin 'yan?!" galit na tanong ni Alezia at bago niya pa buhatin ang bangko upang ihampas dito ay pinigilan ko na. "Alezia, ano ka ba!" pigil ko at inilayo siya sa kanila. "This is not right. Bakit mo pinipilit na painumin si Staizy?" galit na tanong ni Rance. "Hindi ka ba marunong bumasa ng ano ang tama sa hindi?" "Tama na, Rance. Lasing lang siguro si Christian," awat ng iba naming kasama. "Lasing man siya o hindi, hindi 'yon excuse para mambastos!" Pinapigilan ko muna si Alezia sa iba pa naming kasama bago nilapitan si Rance para siya naman ang pigilan. "Rance, tara na! Lasing lang siguro siya. Sa Monday na natin ito pag-usapan," hatak ko sa kaniya. "Bwesit! Dumugo ngipin ko ro'n, ah! Nag-iisparing ka ba?" galit na tanong nito na panay ang dura. "Sinagot ka na ba ni Staizy kaya malakas ang loob mo na sapakin ako?!" "Pre, lasing ka na! Baka ma-office ka n'yan sa ginagawa mo!" awat ng kaibigan nito at pinagtulungan na hatakin siya palayo. "Staizy, pasensya na. Ganito talaga malasing ito. Hayaan n'yo sasabihan namin siya na mag-apology sa inyo kapag nasa katinuan na!" Alanganing tumango ako at saka hinatak sila Rance palayo sa lugar na 'yon. "Bwesit na lalaking 'yon! Akala mo may mukha, magkaparehas naman sila ng paa niya!" prangkang saad ni Alezia. "Tama na, okay? Tama na!" suway ko sa kanila. "Lasing din siguro kayo, 'no? Hindi naman kayo basta-basta nagkakaganito kung hindi." "Hoy, hindi ako lasing. Si Rance 'yon, bigla na lang pinaulanan ng sapak si Millares," depensa nito. "Alezia, huwag ako. Hindi ako lasing. Mataas kaya alcohol tolerance ko," tanggi ni Rance. "Kasalanan niya 'yon, iinom-inom siya na wala man lang self-control." "Sarili mo ba sinasabihan mo n'yan?" prangkang tanong ko na ikinangiti nitong ikinailing. "Pero aminin nakaka-amaze ang ginawa ni Rance. Dagdag points na naman!" panunukso ni Alezia. "Very good, Rance! Ang galing ng manok ko. Sakto 'yong lipad ng kamao sa mukha!" Hindi ko maiwasang hindi mapailing sa tila biro lang ang ginawa nila. Pinasakay ko na sila sa taxi habang ako ay naglakad lang pauwi dahil walking distance na lang din ang bahay ko. Ngunit napansin ko ang sunod-sunod na tawag at mensahe ni Tita Tonia. Bigla tuloy akong kinabahan kasi hindi naman ito nagmi-message lalo na ang tumawag ng walang malalim na dahilan. Mabilis akong tumakbo pauwi nang mabasa ko nang buo ang mensahe nito tungkol kay Mama. Wala raw kasi ito sa bahay simula kaninang hapon. Hindi ko alam pero bigla na lang may sumipa na kaba sa dibdib ko. Hindi kasi maayos ang kalagayan ni Mama dahil sa may PTSD ito. Napahinto ako sa pagtakbo nang malapit na magkulay pula ang ilaw sa tawiran. Subalit hindi ako natinag sa pagtawid nang makita ko si Mama na tila wala sa sariling binagtas ang daan. "Ma!" tawag ko at napasulyap muli sa stoplight na maikli na lang ang oras bago muling magpula Pero halos mapaatras ako nang may biglang humarurot na motor. Sobrang lakas nang pagbusina nito at tila nakainom din. "Magpapakamatay ka ba?! Huwag kang mandamay!" sigaw nito at dali-daling humarurot paalis. Isinawalang bahala ko ito at tumakbo palapit kay Mama. Ngunit ilang pulgada na lang ang layo nito ay nahagip ito nang mabilis na sasakyan. Napako ako sa kinatatayuan ko habang naiwan ang palad ko sa kawalan. Pero nilabanan ko ang pagkabalisa at bumagsak ang luhang nilapitan si Mama. "M-Ma? Ma! Gising!" natataranta kong sigaw at hindi alam kung saan ito hahawakan. "Mama! Tulong!" Kinuha ko ang phone ko at mabilis na tumawag sa emergency hotline kahit na hindi ko ito mapindot nang maayos dahil sa napuno ito ng mainit na dugo. Nanghihina ang tuhod ko na tumayo sa pagkakasalampak at hinabol ang sasakyan na 'yon na nagmaneho paalis. Subalit nabigo akong abutan ito. Hindi ko ito napigilan. "Hija? Nakikinig ka ba?" tawag ng police officer na ikinabalik ko sa ulirat. "Sigurado ka ba na ayon ang plaka ng sasakyan?" Balisa akong tumango. "N-Nakita ko nang klaro 'yon kaya sigurado po ako!" nanginginig kong tugon. "Staizy, huminahon ka muna," pagpapakalma ni Tita Tonia na hinawakan nang mahigpit ang aking mga palad. "Sigurado po ako na ayon ang plate number niya. Bakit hindi n'yo po kumpirmahin muli? Impossible na walang gano'ng plate number!" hindi ko naiwasang hindi magtaas ng boses. "Anong kulay ng sasakyan?" "G-Gray... Gray SUV car! Bigla na lang lumitaw kung saan 'yong sasakyan na 'yon at mabilis ang patakbo. Kulay dilaw pa naman 'yong stoplight kaya dapat huminto muna siya pero nagpumilit siya!" "Hindi ba napansin ng mama mo na malapit na magkulay pula ang ilaw?" tanong muli ng police officer na ikinahinto ko. "Officer, medyo komplikado kasi ang kalagayan ni Ida," nangingiyak na tugon ni Tita Tonia. "Kakapatingin lang namin sa doktor at may PTSD–" "PTSD? Kung gano'n maaaring dahil sa sakit nito ay sinadya niyang manalagi sa gitna ng daan? Hindi kaya suicide attempt ito?" Halos hindi ako nakahinga sa narinig ko sa bunganga nito. Tila kinakampihan niya pa ang nag-hit-and-run sa mama ko. Hindi ko alam na ganito na pala ang bagong sistema nila! Pero hindi kami nakakibo pareho ni Tita Tonia dahil sa may isang beses din noon na nangyari 'yon bago pa namin ito mapatingnan. Napatingin ako sa isang kasamahan nito na lumapit sa amin at tila may ibinulong sa kanina pang kausap naming officer. "Wala talagang registered vehicle ang may plate number na gano'n," nabuburyong saad nito na pinabulaanan ko. "Nakailang check na kami pero wala talaga. Maghihintay pa tayo bukas bago makita ang CCTV sa lugar." Kahit na sobrang dilim ng paligid at malakas ang ilaw ng likod ng sasakyan no'n ay sigurado ako sa plaka nito. Matalas ako sa pagkabisa sa numero kaya hindi maaaring unregistered vehicle 'yon! "Nabanggit mo rin kanina na galing ka sa inuman bago mo makita ang mama mo? At kahit hindi mo sabihin ay medyo naaamoy din namin ang alak," prangkang saad ng police officer sa akin. "Hindi kaya lasing ka para makita nang maayos ang plaka ng sasakyan?" "L-Lasing po?" hindi makapaniwalang sambit ko at tila umakyat sa ulo ko ang dugo ko mula sa talampakan. Pero hindi ko nagawang makipagbuno dahil sa lumabas na ang doctor mula sa emergency room. "Are you Maria Ida Claveria's family? May I know your relationship to the patient?" "Antonia Teresita, pinsan po ako ng mama niya," mabilis na tugon ni Tita Tonia. "Staizy Mitch Claveria, anak niya at pamangkin ko po." Sumunod kami sa opisina ng doctor nang sabihin nito na hindi maaaring maituloy ang operasyon at sa mga dapat naming gawin sa madaling panahon. "Did a patient have any history of disease?" panimulang tanong nito. "May mild mental health condition po si Ida," sagot ni Tita Tonia na ikinatango ng doctor na tila naliwanagan. "That's why the patient's body is vulnerable and not responsive. Her brain suffered severe damage from the car accident," paliwanag niya habang ipinapakita ang monitor nito kahit na wala na akong maunawaan. "You can see here the damage occurred in her cerebral cortex." "A-Ano po ang dapat naming gawin?" nanginginig na tanong ni Tita Tonia. "We cannot perform a surgery because it's fifty-fifty. For now... we should put her under intensive care, and if her body responds, she can proceed with brain surgery." Dahil tuloy sa mga narinig ko ngayon ay pakiramdam ko pati ako kinakailangan ko rin ng brain surgery. "Ms. Claveria, we are suggesting to move your mother to the Vikero Hospital located in La Castellano," suhestiyon ng doctor. "It's the best hospital for neurology. The patients need to receive proper care, and our hospital is only the best for cardiology. We need to send her there in a short time, or else it can put her in a vegetative state." Hindi ko alam kung anong sasabihin. Balisa kami ni Tita Tonia na naghintay sa koridor ng hospital. Hindi biro ang magagastos sa operasyon lalo na pribadong hospital 'yon. Lakad dito. Lakad diyan. Pabalik-balik si Tita Tonia habang sinusubukan kontakin ang mga kakilala nito na makakatulong sa amin sa paglipat. At nang sumapit naman ang hapunan ay umuwi ako upang kumuha ng mga gamit. Subalit napatigil ako nang tila may maisip ako. "Tawagan ko kaya siya para manghingi ng tulong?" tangang tanong ko kahit na wala akong alam kung nasaan o kung buhay pa ba ito. Bata pa ako no'ng naghiwalay sila ni Mama at lumuwas kami sa siyudad upang makitira kay Tita Tonia. Pero mga nasa limang taong gulang pa ako no'ng huli kong makausap ito dahil sa ibang bansa ito nagtatrabaho. Uuwi lang ito kapag dadaong ang barko pabalik sa Pilipinas at babiyahe muli paalis. Kung itatanong kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila ay dahil sa pinakaproblema ng mga Filipino family. Babaero. Ika nga nila The Typical Filipino Father. "S-Staizy, huwag ka na tumulala, walang oras para riyan!" hinihingal na saad ni Alezia na sumunod pala sa akin. "Pinasasabi ni Tita Tonia na huwag mo kalimutan na i-withdraw 'yong pera!" Tumango na lang ako bilang tugon at mapait na napangiwi nang mapagtanto ko na hindi pala alam nila Alezia na buhay pa ang father ko. Pero kahit ilang panahon pa ang lumipas ay hindi ako nagsisisi na ayon ang sinabi ko dahil sa tila patay naman na ito. Sa punto ng buhay kong ito ay hindi ko na magawang magpatawad lalo na sa nangyari ngayon. At mas lalo sa patay na tatay kong 'yon na dahilan din kung bakit nagkasakit ang mama ko. Kapag nakita ko lang talaga ang dalawang taong 'yon na pinakasumira sa buhay ko ay pag-uuntugin ko sila pareho sa impyerno.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook