Kabanata 1

2068 Words
It's been two years since we left the main city and moved to La Castellano kasama ang mama at tita ko. Isang araw matapos mangyari ang car accident, iyong doctor na nag-asikaso sa amin sa hospital sa Maynila ay kinausap kami tungkol sa Vikero Hospital who offered us a hundred percent sponsorship for my mother's medical treatment. Hindi ko alam kung sadyang malas kami dahil sa nangyaring aksidente na 'yon o kahit papaano ay pinagpala kami kasi may nangyaring himala. Dahil sa sponsor na 'yon ay hindi na kami nagkaroon ng problema sa pera at sa paglipat sa Vikero Hospital. Inilipat namin agad si Mama at ilang araw lang ay sumunod na kaming lumipat sa La Castellano no'ng makahanap si Tita Tonia ng kakilala na pwede naming tuluyan. Pero matapos no'ng ilang buwan na nakabawi-bawi kami sa gastusin ay umupa na kami ng apartment. Ngunit kahit lumipat kami rito sa La Castellano ay tinapos ko pa rin ang kolehiyo sa Asian State University. Kapag mahaba ang araw na walang pasok ay saka lamang ako uuwi rito sa La Castellano at sa puder ni Alezia ako tumatambay kapag may pasok. Pero ngayong isang buwan na ang lumipas no'ng magtapos kami sa kolehiyo ay tulad ng inaasahan ay kaniya-kaniya na kami ng buhay. Ilang linggo na kaming hindi nakapag-usap ni Alezia. Wala na akong balita kung anong balak niya sa buhay bukod sa bumalik ito sa puder ng magulang niya. Habang si Rance ay nakausap ko naman siya nakaraang linggo. At ako? Mas lalo ako na hindi ko alam ang mangyayari sa akin! Siguro mag-apply muna ako ng trabaho para mabayaran ang mga utang ko kay Tita Tonia. Siya kasi ang pansamantalang tumustos sa pag-aaral ko at tumulong sa ilang gastusin ni Mama. Kaso akala ko madali lang mag-apply ng trabaho kasi may college degree naman na ako. Pero hindi pala, mahirap pala kapag fresh graduate kasi no experience. "A-Another surgery po?" nagulat kong tanong kay Doctor Leonardo Holmes na ikinatango nito. "Yes, Ms. Claveria. It's been a year since her first surgery succeeded, but she's still not waking up. We are planning for another surgery," saad nito na ipinag-alala ko. "Don't worry if your problem is money. The hospital sponsorship will pay for it." "Y-Yes, but does not put her at risk po?" Para sa akin at kay Tita Tonia, hindi namin problema ang pera. Mas problema namin na mawala sa amin si Mama. Sa akin, si Mama lang ang pamilya ko at para kay Tita Tonia, siya lang ang mabuting kamag-anak at matalik nitong kaibigan. Mga bata pa lang kasi sila ay sila na ang pinakamalapit sa isa't isa kaya tinutulungan pa rin ako ni Tita Tonia kahit na hindi niya naman ako responsibilidad. Bagsak ang balikat kong tinahak ang paglabas ng hospital matapos kong makausap si Doctor Holmes tungkol sa kalagayan ni Mama. Hindi pa rin kasi ito gumigising matapos ang unang surgery, naka-monitor pa rin siya sa ICU hanggang ngayon. Imbes na umuwi na ng bahay ay nagdesisyon akong pumasok sa isang café para ilatag ang laptop ko at tingnan ang result sa pangalawang in-apply-an kong trabaho sa isang food restaurant. "Good evening po. Ano pong order n'yo?" Natigilan ako nang lumapit sa akin ang isang waitress nila. Wala naman akong balak bumili dahil sa bukod sa ang mamahal ng tinda nila ay hindi naman ako nauuhaw. Pero bumili na lang ako kaysa naman isipin nila na makiki-connect lang ako sa internet. "A-Ah, ano po bang pinakamura na inumin n'yo?" balik kong tanong at tipid na ngumiti. "Espresso and iced tea po is both 199 pesos." Mapait akong napangiti at sinabi rito na isang iced tea na lang. Ayoko naman ng kape dahil bukod sa mainit ang panahon ay baka uminit pa ulo ko dahil sa mahal ng mga bilihin sa lugar na ito. Sa main city, makakabili ka ng iced tea sa halagang 45 pesos. Pero rito ay puro tig-iisang daan pataas. Nang dumating na ang gintong iced tea ko ay tiningnan ko na rin ang result ng interview ko kahapon. Tingin ko naman ay okay ang interview ko kahapon kaya sure na mga ninety percent ang passing score ko. Pero halos mapaatras ako sa kinauupuan ko nang makita ang resulta. "We decided to offer you a job as a waitress rather than a prep cook because you don't have any experience in the kitchen," hindi ko makapaniwalang pagbasa sa email nila. Nakakaloka akong umiling at inis na natawa lalo na nang makita ko ang test result na na-perfect ko naman kahit interview nila pero zero percent sa experience and result is rejected. This is humiliating. "Wala man lang silang word of choice?" inis kong tanong at nilagok ang iced tea ko. Napahilamos ako sa mukha at buong lakas kong pinigilang mainis dahil sa may mga tao rin sa kabilang table. Pero sino hindi maaasar sa resulta? Buburahin ko na sana ang email nila pero nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Mahigit isang buwan na rin na wala akong trabaho kung hindi ko pa rin ito tatanggapin. Baka isipin ni Tita Tonia na pakalma-kalma lang ako sa buhay imbes na bayaran ito at tulungan sa gastusin sa bahay. Actually, cashier talaga ang gusto ko kung sa food restaurant ako magtatrabaho. Kaso hindi naman nila kailangan ng cashier kaya naisip ko na prep cook na lang dahil sa magaling din ako magluto. Dali-dali kong iniiwas ang tingin ko nang mapagtanto ko na nakatitig ako sa lalaking naka-black shade na nakaupo sa kabilang table na nasa harapan ko. Dahil sa sobrang pagkakatulala ay baka akalain ng mga tao ay sila ang tinitingnan ko. Pero hindi, hindi ako ang tipo ng tao na nakikiusisa sa iba. I have a lot of busines. So, it's none of my business! "Eh?" sambit ko nang may lumapit sa akin na lalaking matangkad na tila isang personal guard dahil sa pormahan nito. "Strawberry cake... for you," ngiting saad nito at ibinaba 'yon na nakalagay sa isang puting platito. "Huwag ka sa akin magpasalamat dahil this is not from me, sa kaniya 'yon galing." Tumingin agad ako sa itinuro nitong lalaking naka-black shade na nakatalikod sa amin at tinahak na ang palabas ng café. "A-Ah, salamat? Pasabing salamat," sambit ko na lang kaysa naman tanggihan ito. Hays, alam ko na ganitong mga galawan, mga 19th century pa ito. Bulok na 'yon. "Sure," ngiting saad niya at aalis na sana pero biglang bumalik ito. "May we know your name?" Nag-alanganin pa akong sumagot dahil sa hindi ko naman sila kilala. Pero nakita ko ito na tila naghihintay sa sagot at animo'y walang balak na umalis hangga't hindi nakukuha ang pakay nito. "Stai... Mitch na lang," alanganing sagot ko at ngumiti. "Okay, Stay Mitch," natatawang saad nito. "Enjoy your food!" Naguguluhan ko itong sinundan ng tingin na lumabas na rin at sumakay sa isang magarang sasakyan. Simulang lumipat kami rito ay tila ang mga magagarang sasakyan dito ay ordinaryo lang. Sapagkat kabuuan ng porsyento rito ay hindi lang mapera o mayaman ang nakatira kundi mga milyonaryo o bilyonaryong tao. Inamoy ko ang strawberry cake at pinasadahan ng tingin. "Wala naman siguro itong lason?" tangang tanong ko sa sarili. Kinagabihan ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Alezia at pinapapunta ako nito sa condo unit niya. "Bakit hindi ka nagsabi na lilipat ka rito?" hindi ko makapaniwalang tanong at namangha sa laki at ganda ng unit niya. "Surprise nga! May surprise ba na sasabihin?" Hinampas ko ito sa balikat niya na nakuha pang magsungit. At napayakap na lang kami sa isa't isa at tumalon-talon sa tuwa na magkalapit na ulit ang tirahan namin. "Magkasama na naman tayo!" sigaw nito. "Pinakiusapan ko pa tatay ko na tumira rito para mas malapit sa bahay n'yo." "Pero impossible naman na lumipat ka rito dahil lang sa akin?" pagsususpetsa ko. Inaya ako nitong maupo sa sala at kumuha ito ng pagkain sa kusina niya bago bumalik. "Pangalawa ka sa rason kung bakit nandito ako. Pero nakakuha kasi ako ng trabaho sa Vikero Group," masayang saad nito. Vikero Group? "Talaga? Ano namang trabaho?" tanong ko na lang at binuksan ang tinapay upang kainin ito. "Accounting. Sa Accounting Department," masayang saad nito. "Ikaw? Na-figure out mo na ba ang gagawin mo ngayon?" Natigilan ako sa pagnguya sa tanong nito. Naaalala ko lang ang nangyari kaninang hapon ay nawawala na ako sa timpla. Malungkot akong umiling. "Mag-pole dancer na lang kaya ako?" pagbibiro ko na biglang ikinahampas nito. "Sira! Siraulo! Nagtatanong nang maayos iyong tao–" "Ang sakit, ah! Masakit," inda ko at hinilot ang braso ko na tila may bakal na humampas do'n. "Masasaktan ka talaga kapag nag-pole dancer ka," pagbabanta nito. "Pero bakit hindi ka na lang mag-asawa ng mayaman?" Hinampas ko agad ito sa balikat nang sabihin niya 'yon. "A-Ah! Ang sakit! Masakit!" inda naman nito. "Masasaktan ka talaga kapag sinabi mo pa 'yan," pagbabanta ko rin dito at sinalpak sa bunganga niya ang tinapay na dinampot ko. "Hinding-hindi ako magpapakasal lalo na dahil lang sa pera. Magiging rich tita ako. Imbes na mag-asawa ng mayaman, bakit hindi ikaw ang mismong yumaman?" "Oo na, sige na!" suko nito at naupo nang pirmi. "Pero nasubukan mo na ba mag-apply ng trabaho?" Tumango ako rito at kuwinento sa kaniya na hindi ako pumasa sa una at pangalawang in-apply-an ko dahil sa fresh graduate at no experience. "Hindi ba nila alam gaano kahirap mag-aral? Hindi naman lahat ng estudyante ay kaya mag-aral habang nagtatrabaho! Tulad mo, nag-aaral, nagbabantay sa hospital, at tinutulungan mo pa sa bahay ang tiya mo," saad nito na tila mas inis pa sa nangyari sa akin. Malungkot akong ngumiti dahil sa kung kaya ko lang din magtrabaho habang nag-aaral noon ay baka hindi ako magkakaganito. Nagsisisi tuloy akong kuwinento 'yon kay Alezia dahil sa kung kanina ay masaya ito sa pagkakalipat at pagkakapasok nito sa trabaho. Ngayon ay daig pa nito ang ninakawan sa Tondo sa naghalong lungkot at inis nito. Napaatras ako nang lumapit ito sa akin at ngumiti. "Tulungan kitang pumasok sa kompanya ko?" tanong nito na agad kong ikinailing. "Makakahanap din ako ng trabaho," mabilis kong saad. "Impossible!" sambit nito. "Mahirap maghanap ng trabaho kung wala kang koneksyon." "Kailan ka pa naging nepotist?" kinakabahang tanong ko. "Siguro ngayon lang?" natatawa nitong sambit. "Pero alam ko naman na malaki ang potential mo, Staizy. Nakalimutan mo na ba na ikaw ang rank two sa batch natin? Kung tutulungan kita makapasok sa Vikero Group, it's not nepotism because you are more qualified candidate." "Anong tulong ba gagawin mo?" naiintrigang tanong ko. "May bago akong kaibigan sa Accounting Department at may kaibigan siya sa HR Deparment. Pwede ka niya matulungan!" Tono pa lang ng boses nito ay parang gagawa na kami ng kalagim-lagim na krimen. "Anong tingin 'yan? Hoy, Staizy, huwag ako! Kahit na barumbado ako ay nakapasok ako sa accounting dahil nag-apply ako. Umiyak nga ako ng dalawang gabi dahil sa takot at kaba sa resulta ng pa-exam nila!" Well, totoo naman na kahit na medyo barumbado ito ay matalino at higit sa lahat ay masipag siya. Hindi naman siya makakapasa sa state university kung hindi. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip na pwede naman ako makapag-apply at matanggap pa rin sa Vikero Group kahit na hindi ako tulungan ni Alezia. At isa pa ayoko namang pumasok sa kompanya na hindi dumaraan sa tamang sistema nila lalo na sa Vikero Group na isa sa mapagmalasakit at mabuting kompanya na tumutulong sa amin. Buong kalooban na umiling ako. "Salamat sa tulong, Alezia, pero kaya ko naman siguro mag-apply mag-isa," kampante ko at matipid na ngumiti na siyang ikinatango niya. "Hays! Bakit ba ako nababahala sa iyo? Eh, ikaw na 'yan, Staizy!" pambobola nito. "Pero kapag nakapasok ka na sa kompanya. Edi, masaya! Kasi may kakilala na ako sa wakas. May makakasama na ako lagi kapag vacant time." "Bakit wala ka bang kasama kapag vacant time?" malungkot na tanong ko. "Kapag intern ka, medyo maraming ginagawa kaya nahuhuli akong mag-vacant time kaysa sa kanila. Ending, ako na lang mag-isa kumakain. Minsan pa nga, muntik na ako maubusan ng pagkain sa cafeteria nila." "Kung gano'n, kailangan ibigay ko ang best ko para makapasok do'n at maligtas ang lonely girl na ito," natatawang saad ko na ikinatawa niya na lang din. "Oo nga pala, Staizy. Hindi ko na nakausap si Rance. Nakausap ka ba niya?" Unti-unting nawala ang ngiti ko sa tanong nito at inalala ang araw na huli kong nakausap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD