Nagsimula na silang ipapalit sa chips ang mga bultuhang pera nila sa dealer. Namangha na lang ang mga nanonood sa dami ng mga perang ibinagsak nila sa table. What the? Balak ba nilang magsugal hanggang sa dumating ang judgement day? "Can I get ten thousand, please?" saad ni Mr. Damario na iniabot ang sandamakmak na pera na mukhang lagpas pa 'yon sa ipinapalit niya. Napakunot-noo ako. "Bakit ang dami nilang inilalabas na pera? He just asking for ten thousand only. Why did he bring so much money?" tanong ko kay Caleb na tahimik lang sa tabi ko at hindi binibitiwan ang kamay ko. "It's ten thousand dollar. Equivalent to half a million pesos. It's five hundred sixty-two thousands nine hundred eighty pesos. They are using dollar currency but peso money," tugon nito na ikinatikom nang buong k

