Sa RECEPTION:
Kanina pa di mapakali si Akiesha sa kinauupoan. Agad naman itong napansin ni Paul Andrie. Kaya naman hinila nya palapit dito ang upoan ng dalaga. Napalingon naman ito sa kanya.
“Are you ok? Kanina ka pa balisang balisa.” Tanong ni Paul Andrie.
“Ha? Aahhhmm….ano kasi….” Atubiling ika ni Akiesha.
“What?” Ani Paul Andrie na nagulomihan sa inasta ng dalaga.
Nakatingen sa kanya si Akiesha tila nag dadalawang isip pa ito sa sasabihen. maya-maya lang ay may ibinubulong na ito sa binata. Ikinamulagat nan nito ang narinig. At biglang naging maliksi ang mga mata nitong sinurinang paligid.
“Psssstt…ano ba, wag kang magpahalata. Nakatingen sa atin yong sinasabe ko sayo” ani Akiesha na hinaklit pa si Paul Andrie ng palinga-linga ito habang may hinahanap.
“Saan ba kasi banda? Sa dami ng nakikita kong na andito di ko alam if sino sa mga yan. “ medyo may pagkayamot ng ika ni Paul Andrie.
“on your right, kasama ng dalawa pang lalaki at dalawang babae.” Sagot naman ni Akiesha na kunyaring yumukod pa.
Pasimple namang pinasadahan ng tingen ni Paul Andrie ang lugar na kung saan sinabe ni Akiesha na andon. Nahagip ng paningen nya ang matiim na titig nito sa mesa kung nasaan sila nakaupo. Pasimple nyang inunat ang likod na kunyaring nangawit ito, at pasimpleng idinantay ang braso sa kinaupoan ni Akiesha.
Pasimple nyang binulongan ang dalaga.
“OMG! Ang riin naman ng tingen ng ex mo! And ikaw ha? Di mo sinabeng subrang gwapo pala ng ex mo …..kaya pala subrang gwapo ni Dalton, parang pinagbiyak na bunga ang dalawa!” ani Paul Andrie lumabas ang pagka beki nito. "Hinde talaga pwede ikailang sya ang ama ni baby Dalton" dugtong pa nito.
Siniko naman sya ni Akiesha ng lumambot ito matapos makita si Ethan.
“Umayos ka nga! Baka mahalata ka nyan. Matalas pa naman ang pang-amoy ng demonyong yan!” tila naasar na ika ni Akiesha.
“Arayyy…mapanakit ka na bhe ha! wag kang ganyan!” birong turan ni Paul Andrie na hinuli ang kamay ng kaibigang nais syang kurotin.
Lahat ng iyon ay nakikita ni Ethan. Nakakunot ang nuo at tila sumasama ang timpla ng mukha nya habang pinagmamasdan ang paglalandian kung kanyang ituring ang ginagawa nila Akiesha at ng kasamang lalaki nito.
Isang tapik sa balikat ang nagpalingon kay Ethan. Si Henrich.
“Bro. Ok ka lang?” Ani Henrich.
Ngumiti ng mapakla si Ethan habang ibinaling muli ang tingen sa mesa nila Akiesha. Nakita nyang tumayo ang lalaki at ganon din yong batang katabi nila. Hila-hila na ng bata ang lalaki. Sa tingen ni Ethan mag CCR ata ang bata kaya ganon nalang ito kung makahila sa lalaki.
Ng tuloyang mawala sa paningen ang dalawa ay humayo si Ethan, mabilis nyang nilapitan ang nag iisang si Akiesha.
“Masyado ka atang nag eenjoy! at medyo paki pino naman ng galaw mo, di ka ba nahihiya dyan sa lambutsingan nyong yan? sige ka ikaw din, baka mapagkamalan kang.....” aning baritunong boses sa may tenga ni Akiesha.
Napalingon namang bigla ang dalaga sa kinaruonan ng boses, nasa may likuran lang nya ito kaya ng paglingon nya ay gadangkal nalang ang layo nito sa pagmumukha.
Langhap ni Akiesha ang mabangong hininga ng lalaki. Ang suot nitong pabango, ay ang kinababaliwan nyang amoy nito noon paman. Napasinghap syang bahagya, at muling nagtama ang mga mata ng dalawa.
Agad nahamig ni Akiesha ang sarile. Agad syang tumalikod dito.
“Bakit ka andyan? Those sits are taken! Kaya pwede ba umalis ka na dyan” Ani Akiesha na tinigasan ang boses.
“Bakit? Natatakot ka bang maging this close tayong muli?” pang-aasar na turan ni Ethan ng makita nyang medyo nawala sa sarile ang dalaga. “does it made you bring back to what we have before?” ani Ethan na ngumiti pa
tila binuhosan naman ng malamig na tubig si Akiesha ng marinig ang turan ni Ethan. naningkit ang mga matang binalingan nya ito.
“Really Ethan? Is that what you think? Hanggang ngayon yan pa din ang iniisip mo? Sa tingen mo yon ang nararamdaman ko? after what I've been trough? sa tingin mo kikiligin pa din ako sayo? wooowww haaahh! iba ka din talaga.” gigil na turan ni Akiesha sabay harap nito sa lalaki. Na halos ga dangkal nalang ang layo ng kanilang mukha. Seryoso at di kaaninagan ng kung ano man si Akiesha.
Napawi ang ngiting nakapagkit sa labi ni Ethan ng makita ang blangkong ekspresyon ni Akiesha at ang nang gagalit na mga mata na dating nangungusap ito sa twing nakatingen sa kanya.
“We have to talk Akiesha! After this we need to talk!” mariing sabi ni Ethan na sumeryuso na din ang tingen nito sa dalaga.
“Talk about what? I guess wala na tayong dapat pang pag uusapan Ethan. Matagal na tayong wala nang dapat pang pag-uusapan” ani Akiesha na lalong pinakita ang walang ekspresyong pagmumukha at sabay taas ng mga kilay.
“Meron! At alam mo yan!” giit na ika ni Ethan.
“Wala akong alam! At di ko nais na alamin kung ano man yan! At lalong wala na akong pakialam sa mga gusto mong mangyare! Kaya pwede ba stop acting like were in good terms Ethan. I’m done with you so please lang wag mo na akong bwesetin.” Pabulong at madiing ika ni Akiesha.
Magsasalita pa sana si Ethan ng may tumikhim sa kanyang likuran. Sabay na anpalingon si Akiesha at Ethan.
Si Paul Andrie nakatayo sa likuran ni Ethan naka pamulsa ang dalawang kamay nito at mariin ang tinging ipinukol nito kay Ethan.
“I guess that was my sit pare.” Buo at seryoso ang turan ni Paul Andrie.
Napatayo naman si Ethan sa kinauupoan. Hinamig ang sarile at matiim ding tinitigan ang kaharap. Naka tanga naman si Akiesha na nakatingen sa dalawa.
“Sure pare, pasensya ka na. kinamusta ko lang si Akiesha. Medyo matagal na kasi kaming di nagkita” Ani Ethan na seryoso ang pagmumukha. Habang nakatitig kay Paul Andrie na animo nanunokat dito. “Sya sige pare, till next time!” ani Ethan, kusa na itong nag paalam ng makita ang pagngingit-ngit na mukha ni Akiesha. Iiwasan nya munang magalit ito at baka maglaho na naman itong bigla.
Sumaludo pa ito kay Akiesha bago umalis. At sinulyapan pa ang batang tila walang pakialam na kumakain ng dessert. Napangiti sya sa nakita at wala sa luob na hinimas nito ang ulo at mukha ng bata. Ngumiti naman ito pabalik kay Ethan. Tumalikod naman agad ang binata at bumalik na sa pwesto nito.
Hinila naman ni Akiesha si Paul Andrie para umupo na ito.
“You have to book us back to our place A.S.A.P” bulong na ika ni Akiesha dito.
“Heeeyyy! Relax! Babe you don’t have to rush your self. Alam mong malulungkot si Chelsea pag uuwi agad tayo nyan.” Ani Paul Andrie.
“Babe, alam kong may binabalak na di maganda yang demonyong yan. Kaya bago pa man ito maka gawa ng hakbang ay mainam na makauna na akong makaiwas dyan. At mailayo uli ang anak ko!” mariing sabi ni Akiesha.
“Akala ko ba kaya mo nang harapin ang mga Vergara? Lalong lalo na yang ama ng anak mo?” pabulong na ika ni Paul Andrie.
“That’s what I thought too! Pero ewan ko ba, di ako kampanti. Nakita mo kung paano ito napangiti habang hinahawakan nya si Dalton. I have to so something babe, bago pa nila ako maunahan” pabulong muling saad ni Akiesha. Medyo gumaralgal ang boses nito. Tila nawalan sya ng kumpyansang makakaya nyang panindigan ang mga sinasabe nya noon. na ang buong akala nya ay pinatatag na sya ng panahon. Oo kaya nya pero ang hinde nya kaya ay ang katotohanang pwede syang ipagkanulo ng sarile sa katotohanang may puwang pa din ito sa puso nya. yon ang ikinatakot nyang mabuhayng muli.
Naramdaman naman ito ni Paul Andrie, kaya naman kinabig nya ito palapit sa dibdib nya at kinintilan ng halik ang tuktok ng ulo nito animo hinihile nya ang dalaga para kumalma kahit papano.
"Babe, andito kami. hinde ka lalaban na mag-isa, tandaan mo yan. we can do this ng sama-sama, just like before!" pang-aalo ni Paul Andrie.
inangat ni Akiesha ang mukha nya at tumingen ng deretso sa kaibigan. hinimas nya ang mukha nito at kinintilan ng pinong halik na lagi naman nyang ginagawa sa twing napapakalma sya nito.
"Thank you babe! it really means a lot to me!" naka ngiting saad ni Akiesha at muling inihilig ang ulo sa balikat nito.
Lahat ng iyon ay nakikitang muli ni Ethan. Tila nag aalburoto ng kaluoban nya sa nakikitang eksena. Ilang sunod-sunod na lagok ng alak ang ginawa nya. Tila sa alak nya ibinuhos ang inis dahil sa nakikita.
“Shhiiittt!” tanging bulas ni Ethan. Habang mainit na nakatitig sa kinaroroonan ni Akiesha.
“Bro. Chill! Wag mong kalimutang nasa reception pa tayo at kasal pa din ito ni Adrian.” Paala-lang wika ni Fredrick sa kaibigan.
Mapait na ngiti ang inukol ni Ethan ng tumingin ito sa kaibigan. Tumango-tango ito bilang pagsang-ayon sa sinasabe nito.
"I know bro! I know!" tanging sambit ni Ethan at muling tinungga ang laman ng kopita.
Kaya naman tumabi ng upo si Henrich na matatabunan ang kinaroroonan ni Akiesha. Pilit nitong inaaliw ang kaibigan at inililihis ang attention nito sa babaing nagpapagulo ng isipan nito.
"Ladies and gentlemen, I would like to call on Miss. Akiesha Gale Borromeo, for her special speach!"
agad namang tumayo si Akiesha at tinungo ang center stage. kay ganda ng mga ngiti ng dalaga habang nakatingen sa mesa na kung saan andoon ang newly wed.
"Ladies and gentlemen, distinguished guest, family and friends from both sides, good evening!" nakangiting bati ni Akiesha. "Today, we gather here to celebrate a truly occasion-the wedding of Chelsea and Adrian. It is an honor and a privilege to stand before you and share a few words about this remarkable person who holds a special place in my heart. sa aking minamahal na kaibigan at kapatid ko na rin, ang araw na ito ay umpisa na para sa bagong kabanata sa itong buhay, isang kabanatang puno ng pag-ibig, kaligayahan at pangako ng isang magandang kinabukasan kasama ni Adrian. As I look at you, more radiant and glowing with happiness, I am reminded of the incredible journey that we have shared. We have laughed, cried, and celebrated countless milestone side by side. through thick and thin, you have been a constant source of support, love and unwavering
friendship. Your kindness, compassion and genuine nature have touched the lives of everyone around you. kaya naman ngayon, habang pinapasok mo na ang pag-aasawa, walang duda na dadalhin mo ang parehong pag-ibig at kaiyahan sa inyong relasyon. Natagpuan mo na ang taong makakasama mo sayong pagtanda, isang taong magmamahal at magpapahalaga sayo at sa inyong magiging supling. naway gabayan kayo ng nasa itaas sa bagong landas na inyong tatahakin." mangiyak-ngiyak nga saad ni Akiesha, itinaas nya ang kopita at: " Let us raise our glasses and toast to the newly couple. and to the newly weds, may your marriage be a journey of love, growth and shared dreams. may you always find comfort in each other's arms and continue to inspire those around you with so much love and lifetime happiness. Congratulation Chelsea and Adrian may this day be the beginning of a beautiful and everlasting love story! Cheers!" pagtatapos sa speach na ika ni Akiesha.
"CHEEERRRSSS!" sabay sabay na bigkas ng mga andoon.
napaluha naman si Chelsea sa magandang speach ng kaibigan. sinalubong nya ito ng mahigpit na akap at halik sa magkabilang pisnge. nagpapasalamat naman ito sa presensya nito sa kanyang mahalagang araw. isang matamis na ngiti naman ang iginanti ni Akiesha dito.
humayo din si Adrian at hinalikan sa magkabilang pisnge si Akiesha tanda ng pagmamahal nya dito gaya ng pagmamahal na ibinigay ng kanyangahal na kabiyak dito. mahigpit naman na yakap ang ginanyi ni Akiesha sa lalaki.