“Do you really have to go so soon Akiesha?” may lungkot sa tinig na ika ni Chelsea sa kaibigang nag eempake ng mga gamit.
“We have to! Alam mo namang may pasok pa inaanak mo at yong naiwan kong negosyo don! Mahirap maiwanang matagal yon, alam mo naman. At isa pa ikaw na may sabing …” ang di matapos na litanya ni Akiesha dito dahil siningat na nito ang sasabihen nya.
“dapat TUTOK at PUKOS sa negosyo kung gustong umasenso! Yah, right Oo na talo na ako!” sukong wika ni Chelsea na inayos ang pagkaupo ng maramdamang medyo na ipit ang lumalaking tyan.
“bakit kasi ayaw mong mag bakasyon sa amin! Ng maka pag unwind kayo ni Adrian” pa anyaya ni Akiesha dito.
“We will soon….pagkatapos ng honeymoon namin” nakangiting wika ni Chelsea na animo kinikilig pa.
“hooooyyy! Baka nakalimutan mong buntis ka at kung ano-anong kalandian yang nasa isip mo, mag hunos dili ka po ginang BUNTIS” natawang wika ni Akiesha ng mapagtanto ang ngiting ginawad ng kaibigan.
“Oyyy….wala akong sinabe ikaw dyan ang nag iisip ng kung anu-ano….apaka green minded mong kaibigan….BI ka ha, grabe ka” kunyaring pasaring ni Chelsea sa kaibigan na kinabunghalit naman nito ng tawa.
“hayyyy, naku Chelsea! Tantanan mo ko dyan sa pa inosente mo! Sa ating dalawa alam mong mas morbid kang mag isip at mas mahalay kung mag imagine!” hagalpak na saad ni Akiesha sa kaibigan.
“Hooooyyy! Mamersonal wagas ang Peg? Aba aba Akiesha, its not kahalayan o morbid its called ART” ani Chelseaa na may pag tikwas pa ng dalire. Na kinabunghalit lalo ng tawa ng huli.
Alam nyang dinaan nalang ni Chelsea ang lungkot na nararamdaman nito sa pagalis nila ng maaga sa inaasahan nilang plano. May kung anong di magandang naramdaman si Akiesha kung magtatagal pa sila don. Ramdam nyang may mangyayaring di nya magugustohan. Oo aminado syang may takot na lumukob sa pagkatao niya mula ng makitang muli nito si Ethan.
Di nya mawari kung ano pero alam nyang di maganda ang idudulot nito pag magtatagal pa sya dito. Napakunot ang nuo nya ng maalala ang hilatsa ng mukha nito ng tanongin sya kung saan sya galing at nawala ng ganon ka tagal, tila ito pa ang may ganang magalit at napopoot sa pagkawala nya. Piniling nya ang ulo para itakwil ang pag iisip na namumuo sa kanyang isipan.
“oh sya! Di na ako mamimilit! Basta ingat kayo ni Dalton! Susunod kami ni Adrian, promise yan” ani Chelsea na ngumiti na din. "balak ko talaga mag bakasyon don sa province na tinitirhan mo, yong tipong bakasyon grande kasi libre mo, don man lang maburaot kita ng tudo!" dugtong birong turan nitng umiingos pa.
“Naku, kahit buong taon mo kong buburaotin ay okey lang." Ani Akiesha na nakangiti. "Message mo ko if when ang dating nyo para maihanda ko yong rooms na para sa inyo! And I will promise you, the best room for the newly wed and best service ang ibibigay ko sa inyo” ika ni Akiesha.
“Buti naman kung ganon! dahil pag hinde isusumbong kita sa BIR na di ka nag babayad ng buwis” pabirong wika ni Chelsea “mamimiss ko kayo ng subra, parang kulang yong araw natin” dugtong pa nito na nalulungkot.
“bawi tayo ng bonding pag bakasyon nyo! Baka matulili ka sa kadaldalan ni Dalton at kaumayan mo yong kapilosopohan ng inaanak mong yan” si Akiesha.
“ha.ha.ha pagkaumay? I doubt it! Matulili? Baka” pabirong sagot ni Chelsea.
“what’s matuli mom?” si Dalton na kanina pa pala nakikinig sa usapan ng dalawa. Na ikinalingon naman ng sabay ng mga ito.
“its MATULILI sweety! Just like Feed up of being so makulit and pilosopo, and so maingay. like that...” paliwanag ni Akiesha sa anak.
“No I’m not! I’m not makulit and pilosopo I’m just gwapo!” ika ni Dalton na inayos pa ang buhok at nag pose ng pogi pose.
Napahagalpak naman ang dalawa sa tinuran ng bata. Napatango na lang Chelsea ng makuha ang tingen ni Akiesha sa ibig nitong sabihen. Tyak maging maganda ang bakasyon nila soon pag ganto ka bibong bata ang makakasama nila, at nasasabik na syang mangyare iyon.
“Dalton sweetheart you’re moy guapito” ani chelsea na pinupog ng halik ang batang nag umpisa ng mangulit.
“Tita ninang mommi, you’re going to lend us your baby when it comes out to your tummy right?” ang inosenteng tanong ni Dalton.
“yes of course baby! And you’re going to watch over him would you? and your mommi would be the yaya“ birong turan ni Chelsea na naka pagkit ang ngiti sa mga labi.
“I will tita ninang mommi! And I will teach him to do karate, like this (at minuwestra nga ang sarile para maipakita ang simple stance na natutonan nito sa karate club)” walang gatol nawika ni Dalton.
“oohh my! And why would you do that baby?” kunyaring na amaze na sabi ni Chelsea.
“So that when time comes that tito ninong daddi would hurt you and we are not around, he can defend you from hurting!” walang gatol na sabi ni Dalton.
Napanganga naman si Chelsea at nagkatitigan ang magkaibigan sa tinuran ng batang si Dalton.
“why did you say that? I mean tito ninong daddi won’t hurt me baby, coz he loves me and would take good care of me and baby” paliwanag ni Chelsea sa bibong bata.
“that would be great tita ninang mommi! But still I will teach him even if that’s what you say! Just like I did! I’m going to be good at it, so I could fight mom from my monster dad!” ani Dalton na makitaan ng galit ang mukha.
Naalarma naman ang magkaibigan sa sinabe ng huli. Kaya naman dali-daling kinausap ni Alyssa ang anak. Kahit malaki ang galit nya sa ama ng bata ay di nya tinuro dito ang magtanim ng galit sa ama. Oo di nya sinabe sa anak o naekwento ang tungkol sa ama nito dahil di naman ito nag tatanong patungkol dito
“baby, Dalton san mo natutonan ang mga salitang yan? I mean its not good to say such word baby!” paliwanag na sabi ni Akiesha dito
“but mom, he hurt you right? He don’t even loves us! Coz if he does, he should be with us! He should take good care of me and you, just like other dad that I've seen." Tila matured na turan ng bata.
Ikinagulat ni Akiesha at Chelsea ang binitawang salita ng bata. Saang lupalop ng mundo ba na encounter ng anak nya ang mga salitang yan? At pano nito nalaman?
“baby! Its not like that! Me and your dad are just having misunderstanding but it doesn’t mean he doesn’t love you at all, He really love you that much!” paliwanag ni Akiesha dito. alam nyang nagsisinungaling sya sa parting mahal ito ng ama. dahil kung mahal ng naman ito dapat nasa tabi nga naman nila ito. but still ayaw nyang lumaking may poot at galit ito sa kahit na sino.
“but he made you cry mommy! And I hate him for making you cry and sad! But don’t worry mommy I’m grown up now I will protect you from him! I saw you crying with Dadda while talking about Ethan’s name. Is that his name mom?” napaka inosenteng sambit ni Dalton sa ina.
Bahagyang nagulat si Akiesha sa sinabe ng anak. Di nya alam na nakikita pala sila ng anak ng minsang mapagusapan nila Paul Andrie ang ama nito. Napagtanto nyang napaka matured mag isip ng anak nya. 5 yrs. Old palang ito pero tila binata na kung mag-isip.
Kaya naman masinsinang pinaliwanagan ni Akiesha ang anak at pinaintindi nito ang lahat dito. Tumango naman ito bilang pag sang ayon. Maluhaluha naman si Chelsea sa narinig mula dito. At medyo panatag na din syang may tagapagtanggol na din ang kaibigan. Napangiti nalamang ito ng tumingin dito si Dalton. Masyadong mapagmasid ang bata mausisa kaya naman napag tanto nilang maging aware na sila sa salita at galaw pag na andyan si Dalton sa paligid, dahil siniseryoso nito bawat maririnig.
"Baby, what ever happen, you should not bare hatred towards others, especially to your Dad! He may not around but I know He love you that Big!" Ani Akiesha na nginitian ang anak.
“Ok mommy I understand! I love you mommy! And I will never leave you that’s a promise!” puno ng pagmamahal sa inang turan ng bata. Teary eyed naman si Akiesha ng marinig ito. napaka swerte nya at lumaking mapagmahal at maunawain ang anak. its because He raise him with love and affection kaya ganon ang pag-uugali ng batang si Dalton.
“I love you too baby!” ika ni Akiesha sabay akap at halik dito. Kaya naman napagaya na din si Chelsea sa mag ina.
"Heeeyyy! how about Tita ninang mommi? I need a big hug too!" Ani Chelsea na umakap na din ng mahigpit sa mag-ina.
Meanwhile:
“Adrian! How dare you hide all of this from me? Akala ko ba walang lihiman sa pagkakaibigan natin? But what have you done?” may diin sa bawat salitang binitawan na ika ni Ethan. Maaninag ang galit sa boses nito.
“Ethan, calm down! We’re going to talk about it! Wait for me, sa pag babalik ko na at madami din akong nais sabihen sayo." Ika ni Adrian.
“Yes! I will! And you owe me a lot men! You know how much pain I’ve been trough, pero nakuha mong ilihim sa akin ang lahat ng ito!” ang di parin matapos tapos na sermon ni Ethan sa kaibigan. “And please tell Chelseaa that I need a word from her too! You both need to explain everything!” dugtong na tugon nito.
"Bro, wag nalang ang asawa ko, alam mo naman ang galit noon sayo! ako na ang magpapaliwanag sayo ng lahat, kahit si Chelsea ay nagulat sa totoo lang." Ani Adrian.
"Ok as you say! you owe me a lot on this Adrian!" Si Ethan.
"I know! see you after my honeymoon trip!" Pagmamaalam na ika ni Adrian.
Nakababa na ang kanyang cellphone pero hinde pa din mapakali si Ethan. Naroong paroon at parito sya habang tangan ang telepono. Ng di maglaon isang mahinang katok mula sa pintoan ang nakapagpahinto dito, at marahang pomihit ang doorknob ng pintoan at inuluwa nito ang kanyang secretarya.
“sir! It’s about time na po para sa meeting nyo with the board!” anito habang naka tingen sa boss nito.
“Oh, yah! I’ll be in a bit. Paki handa nalang ng mga kakailanganin ko!” Ani Ethan dito.
“ahm, ready na po sir, kanina ko pa po naihanda lahat! And natawagan ko na din po yong para sa mother nyo!” dugtong tugon naman ng kanyang secretarya.
Tango lang ang sinagot ni Ethan dito. Dinig nya ang pagpinid ng pintoan ng masiguro nitong wala na syang ipaguutos pa. Kaya naman hinamig ni Ethan ang sarile para sa meeting nya ilang minuto nalang at mag uumpisa na ito pinilit nya ang sariling mag pukos at iwaglit saglit sa isipan ang mga nagpapagulo sa kanyang isipan ilang araw na ang nag daan maya-maya lang ay tinungo na nya ang pintuan at kampante ng humarap sa meeting na kanyang dadalohan.
Sunod-sunod na katok sa may pintuan ang nag pagising sa pagod at puyat na si Ethan. Pupungas pungas syang bumangon para pag sinuhin ang taong kumakalampag sa may pintuan.
“Is it true? You’ve found them?” Walang gatol na tanong ng Mama ni Ethan habang tinulak pa luob ang kakabukas lang na pintuan at tuloy-tuloy itong pumasok sa silid ng anak.
Alam ni Ethan na aabot sa ina ang balita. Kaya di na sya nagtakang sugurin sya ngayon nito.
“Mom! Its too early! I’m still sleepy!” Naka busangot na sambit ni Ethan sa inang naka pameywang na sa pagkakataong iyon.
“Its past 12 p.m na Ethan! Kanina pa kita inaantay and I can’t wait to hear it from you! Was it true?” tuloy-tuloy na sambit ng ginang sa anak. Wala itong pakialam kung puyat pa ang anak mula sa dinalohan nito. She was too excited and anxious to know the truth.
Napabuntunghinga nalamang si Ethan alam nyang di rin sya tatantanan ng ina hanggat di nito malalaman ang katotohanan…
“What you’ve heard is true! Yes, nakita ko na si Akiesha!” buong luob na ika ni Ethan sa ina.
“Oh my! Then?....” sambit ng ginang. Alam nyang totoo ang naririnig pero mas nais pa din nyang marinig ang katotohanan mula sa anak. “How about him? Did you see him too?” dugtong tanong nito.
Tango lang ang sinagot ni Ethan bilang pagsang-ayon sa tanong nito. Napatutop sa may dibdib nya ang ginang, nakaramdam sya ng saya at pag-asa na makita na din sa wakas ang apong kay tagal na nilang hinahanap. God hears her prayer! Pinag nobena nyang matagal na, na sanay isang araw makita at makasama na nila ang matagal ng nawalay na parte ng pamilya.
“Have you talked to her?” Balik tanong ng ginang sa anak
“Yes, but not that much!” ani Ethan. “It’s not that easy mom! But I will try my best this time, I promise.” dugtong nyang sabi.
“ Son, you have too! Get them back! You’re not getting any younger, and besides this is your chance to take that chances. And I want them here!” ma awtoridad na wika ng ginang sa anak. “Anak, promise me, before ako mawala sa mundong ito, makikita kong maging masaya ka sa maging pamilya mo, makasama mo na ang anak mo! Promise me that” dugtong sambit nang ginang habang hinahawakan ang kaliwang kamay ng anak.
“Hey….heyyyy! Bat may pa ganon? You won’t go anywhere mom, and I will! I promise you that” pangakong sambit ni Ethan sa ina, sabay bangon at inaakap ang inang alam nyang nag lalambing lang. He lost His Dad and He can’t bare to loss His mom, not this day nor ever! Gusto pa nyang pasayahin ang ina iparamdam ang paging lola nito na pinapangarap maging ng ina para sa kanya.
Naka ngiti namang hinapuhap ng ginang ang pisnge ng anak at may pagmamahal itong niyapos ng mahigpit. She know, her son won’t forsaken her, and alam nyang di rin pababayaan ng Diyos ang anak nya, alam nyang pinag bayaran na nito ang nagawang pagkakamali. Nakikita nya mula noon ang malaking pagbabago ng anak, naging pilyo man ito non pinagtibay at inayos naman sya ng panahon. Natoto na ito sa pagkakamaling nagawa, mula ng mangyari ang hiwalayan nila ng unang kasintahan nito at ang pagkamulat nito sa kahalagahan ng tinalikuran nitong responsibilidad ang syang nag pabago nito sa pananaw sa buhay. Naging subra nga itong subsob sa trabaho na halos don na ito tumira kundi lang dahil sa kanya ay di ito titigil sa pag paparusa sa sarile. Now that the right time has come, shes praying more na sana’y di masyadong pahirapan ng dalaga ang anak. Crossing finger to that thought!
“here! Look at him!” ani Ethan habang binuksan ang celphone at binaybay ang gallery kung saan andon ang mga stolen shots na nakuha nya. Ang iba hininge pa nya sa photographer.
“ Ohhhh! He looks like you Ethan! Ganyang ganyan ang itsura mo nong baby ka pa! he got all your features.” may galak sa bawat salitang namutawi mula sa ginang. “and that dimples! Minana din nya from you! Do you know his name son?” dugtong ng ginang. tuawang-tuwa ito sa mga nakikitang larawan.
“I heard them call him Dalton!” ani Ethan.
Napatutop ang ginang ng maalala nitong ito ang bansag noon kay Ethan ng lola nito. Na mother ng ginang. Gusto kasi nito noon na Dalton Miguel ang ipangalan kay Ethan at Dalton ang palayaw.
“What a coincidence! That was your Nicky when you’re younger, your Nana use to call you that name!” surprise na kwento ng ginang.
Natuwa naman kapagdaka si Ethan sa nalaman. Kaya buo na sa luob nyang amuin si Akiesha come what may! Ang di mawaglit sa isipan nya ay ang lalaking kumakalong sa anak nya. At kita nya ding masyadong malapit nito kay Akiesha, ay di lang malapit subrang sweet, animo magkarelasyon kung iyong susuriin. May relasyon kaya ito at si Akiesha? Sa isipin palang na iyon ay gusto nang tirisin ni Ethan ang pagmumukha ng lalaking iyon. Hinding-hinde sya papayag, ngayon pang nakita na nya ang anak at ayaw nyang biguin ang ina sa pagkakataong ito.
“and this is Her?” pukaw ng ginang sa malalim na pag iisip ng anak. Na ikinalingon naman ni Zayron. “she’s so pretty! Dalton got his sweet smile, and it fits him much” may ngiti sa mga labing turan ng ginang mabanaagan mo dito ang galak at pangungulila sa nawalay na apo.
Sa larawan ay kasama ni Akiesha ang bata, ang ganda ng pagkangiti nito. Malayo na ito sa mahiyaing Akiesha na nakilala nya way back. She’s so gorgeous, oozing with appeals, those curvaceous body, damn….it made her look so sexy. May kung anong init ang hatid nito kay Ethan ng alalahanin nya ang itsura ni Akiesha. He found the same tickleness and that “wanting” thing na nararamdaman nya sa twing magkalapit sila ni Akiesha.
"Ethan, promise me that sooner or later ay makikilala na natin ang anak mo at makakasama lalo na sa mga mahahalagang araw sa buhay natin. Your Dad would be so happy if matupad mo na ang kahilingan nya bago pa man sya mawala sa mundong ito. I'm praying so hard anak na soon mabubuo din ang pamilya mo!" mahinahong turan ng ginang habang hinihimas ang mukha ng bunsong anak. medyo teary eyed pa nga ito.
Nagulat pa ito ng bahagya ng magsalita at magpaalala ang ina sa pag bawi ng mag-ina nya. Tumango sya bilang pag-sangayon dito. By hook or by crook He will take them back, kung kailangan nyang makipag laban para mabawi ang mga ito gagawin nya, and His so determine to do so.