Chapter 12

3080 Words
Sa gilid naman ng bulwagan ay may isang pares ng mga matang naka masid sa dalaga naka kunot ang nuo nito, na para bang nag iisip ng kay lalim. Sa bawat galaw ng babaing kanina pa sinusundan ng tingen ay bigla nyang naramdamang may bumabagabag dito. Kumbaga nakikita nya ang mood swing nito na karaniwang nararamdaman ng mga babae lalo na kung nagugulohan at may malalim na iniisip ang mga ito. Pero dagling napawi ang mga ito ng makita nyang naka ngiti na naman ito at nakitang hinihila na naman ng mga kasama para umiindak uli ng sayaw. Napangiti sya ng makita itong pa itik na kumikinding sa gitna na animo ginagaya ang galaw ng mga itik sa ilog pag nag tatampisaw. Masayang masaya na uli ito sa ginagawa na ikinatuwa naman nitong pagmasdan. Sa ware nya’y may tama na ito ng alak na iniinom kaya naman ganon na ito ka kwela gumalaw. Kaya naman napag desisyonan nyan babantayan nya ang mga ito. Tela ba may bumubulong sa kanyang wag ito mawala sa kanyang paningen baka kung mapapaano pa ito. Napabuntunghininga nalamang ito sa naiisip. “Chelsea, anong oras ba tayo uuwi?” aning Florence na naka higa na ang muka sa mesa. “aba’y maga pa ah! Tamo tong mga ito ang lakas nyong magyabang sa akin ng LETS PAINT THE NIGHT RED! Tapos ayan, yan mga kulontoy na yang tuhod nyo!” nakatawang turan ni Chelsea sa mga kasamang tila babagsak na sa ata sa kalasingan. “abay. Di naman naming inaakalang demonyo ka pala sa lasingan, kala ko pa naman ikaw yong babagsak una sa amin, tapos ito pala kami pala ang unang susuko!” litanya ni Estella na animo basang sisiw na nakasandal sa upoan. Natatawang tinungga pa ni Chelsea ang laman ng kupita sabay tapik sa mukha ng mga kasama at sabay biro sa mga ito: “di nyo ko kilala oiiiii! Yan kasi kayo mapanghusgang mga marites!” birong turan ni Chelsea sa mga ito na ikinaingos naman ng dalawa. Sabay pilit sa kanyang umuwi na daw sila. Iiling iling namang sumang-ayon ang dalaga. Sinulyapan nya ang relong naka kabit sa kanyang braso. Medyo na gulat syang makitang past 2 a.m na pala. “Oh sya, tara na! uwi na tayo! Mag uumaga na pala!” dugtong na ika ni Chelsea sa dalawa. “sabi ko naman sayo! Ayaw mo paawat eh!” tila paninisi pa ni Estella. “sinisisi mo ko girl? Ha?” ani Chelsea “ha? Sinisisi? Sinong nanisi sayo? Kakalbohin ko!” ani Estella na kunyare nag hanap ng naninisi. “syunga ka! Ikaw yong nag sabi non!” segunda naman ni Florence sabay hampas nito sa balikat ni Estella. “ay, ako ba nag sabi non? Hala! Hinde kaya!” patay malisyang sagot pa ni Estella na tumayo na din. Hagalpak naman sa kakatawa si Chelsea sa gawi na naman ng dalawa, wala nga lasing na ang mga ito. Kaya naman pinag hihila na niya ang mga ito para umuwi na. ilang minuto pa at nasa parking area na sila, napansin ni Chelsea na wala na yong sasakyang kanilang sinakyan kanina. “patay ! wala na yong sasakyan!” bulas ni Florence. “ha? Abay luko yon si manong ah! Iniwanan tayo!” wala naman sa sariling sambit ni Estella. “pano tayo maka uwi nito ngayon? Ang layo pa naman ng lalakarin natin para maka pag taxi, tapos ang dilim pa ng dadaanan!” si Florence na medyo Nawala ang pagkalasing ng mapagtanto ang pwede nilang gawin gayong wala na ang dapat sana nilang masakyan pauwi. “anong gagawin natin Chelsea?” ani Estella. “Ayuko maglakad don sa madilim na yon, baka mapano pa tayo nyan. Ayukong ma rapeeee!” dugtong nitong sabi sabay ka esarehadohang akap-akap ang sarile sabay iling. “aaaayyyyy! Kabog! Tingen mo may mag ka interest sayong mang rape ha Estella? Baka nga ikaw pa yong mang rape pag makita mong gwapo na lalapit sayo eh!” may pang bubuskang ika naman ni Florence sa kaibigan. “ay grabe sya! Oiiiiii daizzz kahit ganto itsura ko bawing-bawi naman dito sa mala porselana kong kulay no, di gaya mo kahit ilang laklak ng glutathione pa ang iinumin mo ay di ka tatalaban!” bawing buska ni Estella dito. “hala sya! Mala porselana? Sigurado ka daaaiiizzzz? Parang ikaw lang ata naka kita sa sinasabe mong mala porselana mong balat! Di ka na kinalabotan dyan sa sinasabe mo? O baka gusto mong mahiya ka sa katabi mo ohhh! Yan ang dapat mag sasabing matakot ma rape dahil maganda na at balat porselana pa, yan, yan dapat ang matakot hinde yong kagaya mo!” ingos na sagot ni Florence dito. “oh, oh, oh! Tama na yan at baka magka pikonan pa kayo!” pag-aawat ni Chelsea sa dalawa. Habang palinga-linga ito, nag babakasaling may mapadaang sasakyan at makiusap nalang silang ibaba sa pwede nang matawagan ng taxi. Nagkandahaba na ang leeg ni Chelsea sa pagbabakasaling may makitang sasakyan palabas ng biglang may bumusina sa likuran nil ana ikinagitla naman ng tatlo. “ayyyy! Anak ka ng nanay mong iniluwal sa imburnal!” patiling wika ni Florence sa kabiglaan. Sabay-sabay namang napalingon sa likuran ang mga ito. At naka tambad sa kanilang harapan ang isang Toyota Fortuner na kulay itim. Tila di basta-basta ang nagmamay-ari nito kita naman sa model ng sasakyan, tanging nakakaangat lang sa buhay ang pwedeng magkaroon ng ganong klase ng sasakyan, at wari pa ni Chelsea latest model pa ito. Hinila nya ang dalawa para tumabi at paraanin ang may dala ng sasakyang nasa kanilang harapan. Umusad naman ito ng bahagya at tumapat sa tatlong babaing nakatitig lang sa sasakyan at sininu ang nakasakay nito na akala mo nama’y kilala pa nila. Nang biglang bumaba ang salamin sa may driver set area. “need a ride ladies?” aning baritunong boses na nasa sasakyan. Naulinigan ni Chelsea ang baritunong boses na iyon, tila narinig na niya ang boses na yaon, pero di nya alam kung saan nya nadinig iyon. Nang marinig ng dalawa ang sinabe ng estranghero ay nabuhayan naman ang mga ito ng luob. “ahhhmmm…yesss! If pwede sana? Naiwanan kasi kami nong service naming eh!” walang gatol na sabi ni Estella. Bahagya namang kinurot ni Chelsea ito sa tagiliran. Tila may kung anong pumipigil sa kanya para gawin iyon at unahan ang mga ito na sa iba nalang sila mag bakasakaling maki sakay. “ah, no! ang ibig sabihen ng kasama ko ay, inaantay lang naming bumalik yong service naming! Oo inantay lang naming!” pagsisinungaling na wika ni Chelsea. Na ikinalingon naman ng dalawa sa kanya. Pinandilatan nya ang mga ito ng mata hudyat na makisakay nalang ang mga ito sa gusto nyang mangyare. Tila desmayado naman ang mga ito sa ginawi ni Chelsea. “hmmm…are you sure? It seems na wala na masyadong sasakyan pa ang papasok dito o baka di na kayo maka hitch sa iba. I’m just being kind to offer you a ride. But hence you don’t seems to trust me, sige mauna na ako!” aning baritunong estranghero. “by the way, kung mag lalakad naman kayo pabukana ay mag iingat nalang kayo, balita ko kasi last day lang may nagahasang dalawang magkasamang babae dyan sa may ibaba, till now di pa nahuli yong rapist na yon! Kaya ingat nalang kayo baka maka sagupa nyo pa yon pababa!” may pananakot na dugtong na wika nito. Tila nanindig naman ang balahibo ni Chelsea ng marinig nito ang sinasabe ng estranghero. Kumapit naman sa kanya ang dalawa na animo natatakot sa possible nilang makasalubong pag napagpasyahan na nilang mag lakad nalang palabas. “Cheeelllssseeeaaa! Please!” tila nagmamakaawang turan ni Florence. Napalunok naman si Chelsea ng animo naka lunok sya ng buong manok! At umusad naman ng bahagya ang sasakyan na tila paalis na. “ayyyyy! Sandali ho!” ani Chelsea na hinabol pa ang umuusad na sasakyan. Napangiti naman ang estranghero ng makita sa side view mirror nya ang paghabol ng dalaga sa kanya. Kunyaring di nya Nakita o narinig ito kaya dahan-dahan nya pa ding pinausad ang sasakyan ng mahabol ito ng dalaga at kinilampag ng bahagya ang kanyang sasakyan. Inihinto naman nya ito at muling nilingon ang nasa tabi na ng sasakyan nya ang dalaga. “yes?” pa inosente pa nitong tanong sa dalaga. “ahhmm! Pasensya na kanina, pero pwede ba kaming maki sakay kahit sa sakayan lang ng taxi?” medyo nahihiyang sabi ni Chelsea dito. “ohh! Akala ko ba babalik yong service nyo?” tila pabiro pang sabi ng estranghero. “ha? Eh! Di po namin sure if babalikan pa kami! Magbabayad nalang po kami para pang gas nalang po!” sambit ni Chelsea na nakikiusap na sa estranghero. ”oouuuttcchhh! Maka po ka naman! And besides you don’t have to pay me!sige na tawagin mo na mga kasama mo at ihahatid ko na kayo!” saad ng estranghero na ikinangiti naman ni Chelsea ng tudo! Tila na batubalani naman ang estranghero ng makita ang mga naka pagkit na ngiti ng dalaga. Napadako ang tingen nya sa mapupula nitong labi na tila Natural na kulay na nito ang naka pagkit doon. Gaya ng una nya itong masilayan, mga makikipot at mapupulang labi na tila nang aakit lage sa kanya. Napalunok naman ito at tila nabigla pa ng madinig nito ang boses na inuutusan syang buksan ang pintuan ng kanyang sasakyan. Dagli naman syang tumalima para pag buksan ang mga ito. Medyo napatikhim pa ang estranghero ng mapansin nyang nasa likuran nya ang tatlo naka upo. Napatingen naman ang tatlo sa harapan ng madinig ang pa simpleng pag tikhim nito. “ahhmm…baka may isa sa inyo ang mauopo sa harapan?” aning baritunong boses ng estranghero. Nagkatitigan naman ang tatlo ng marinig ang sinabe ng estranghero. Kay lawak naman ng ngiti ni Estella ng bahagyang nahulasan sa pagka bigla. “ahhmm, sige ako nalang ang pupuwesto sa harapan!” ani Estella na pinaliit pa ang boses na animo nag pa cute pa dito. Hinila naman ito pabalik ni Florence nang umakma na itong lumabas sa sasakyan sabay kurot sa tagiliran, “ay hinde! Si Gia na doon! huwag kang feelingera babaita ka! dito tayo sa likod.” ani Florence na pinandilatan si Estella. Akma namang tumutol si Chelsea sa tinuran ni Florence. Pero wala itong magawa ng ngumiwi si Florence na sa unahan na ito pumwesto. Napangiti naman ang estranghero ng marinig ang binanggit na pangalan ng isa pang babae sa luob ng kanyang sasakyan. Tila umaayon sa kanya ang tadhana sa gusto nyang mangyare. Pinag buksan naman nya ito ng pintuan sa may harap para maka sakay na. tila tipid naman ang mga ngiti nito ng lingunin nya. Napanganga naman si Chelsea ng bahagyang makita ang mukha ng estranghero, kay gwapo pala nito. Akalain mo nga naman pag sinuwerte…pero pinilig nya ang ulo at kinabig ang sarile at pinaalalahanang salot ang mga gwapong mayaman na tulad nito. Kaya naman tipid na ngiti ang naipagkit nya sa kanyang mga labi. Pa simple nya itong nilinga at parang Nakita na nya ito, pilit nyang iniisip kung saan. Di nya maiintindihan pero parang nakikita na nya ito, gaya nalamang nang pagulinag nya sa boses nito. Ang di nya lang ma gets is kung saan nya ito nakasalamuha. Matay man nyang isipin ay di nya maarok kung saan. Ilang minuto din nilang nilakbay ang kahabaang kalye ng mapansin na ni Chelsea ang bukas na 7/11 na kung saan may nakikinita syang naka paradang mga taxi sa tabi nito. “ahhm, pwede mo na kaming ibaba dito. May Nakita na akong taxi don oh!” basag ni Chelsea sa katahimikang kanina pa bumabalot sa loob ng sasakyan. “are you sure? I can drop you in your house if you want to!” medyo maulanigan ang pagka dismayado sa boses ng estranghero ng gusto na ng dalagang bumaba sa kanyang sasakyan. Pero inalok pa din nya ito, nagbabakasakali syang mapapayag nya ito sa gusto nyang gawin. “ha? Ahmmm…naku wag na nakakahiya naman na sayo, masyado ka na ata naming naabala!” ani Chelsea na medyo nakaramdam ng kahihiyan sa inaalok ng estranghero. “No! hinde ka makakaabala sakin promise! I mean hinde kayo malaking abala if yon ang iniisip mo.” Dagling sagot ng estranghero. May pagaatubili pa din sa isip ng dalaga sa alok nang estranghero, una di naman nya ito kilala para magpahatid sya sa tinitirhan nya, isa pa baka mapano pa sila kung sakali, sa dami ng mga taong manloloko ngayon na kunyari ambait yon pala may mga binabalak pala kaya pa kunyaring gusto malaman kung saan ka nakatira. Tila nabasa naman ng estranghero ang iniisip ng dalaga. Napangiti ito at sabay pagpakilala sa dalaga. “oh, by the way Adrian Chavez here!” aning binate sabay lahad ng palad sa dalaga. Tila na bigla naman ng bahagya si Chelsea. Napalunok nalamang ito habang inabot ang kamay ng binata. “Chelsea!” tipid na turan ng dalaga. “Chelsea? What?” balik tanong ng binata dito. Napataas naman ang kilay ng dalaga: “aba di kuntento sa name lang? need pang pati kabuoan ibigay? Feeling close na agad? Ano ka sinuswerte? Kahit kilan di ko binibigay whole name ko sa kahit sino, ano kala nito cheap girl ako?” bulong na ika ni Chelsea sa sarile. Na tila nabasa naman ng binata uli ang iniisip ng dalaga, napangiti nalamang ito. “ok, its ok! I know hesitant kang ibigay sakin buong pangalan mo kasi ngayon mo lang ako nakilala, to sum it up, I am a total stranger to you! But if papayagan mo akong makipagkilala at ipakilala ang sarile ko, maybe that time ipapaalam mo na ang buo mong pangalan.” aning Adrian na ngumiti pa ng pamatay na ngiti. Tila nabatubalani naman sa ngiting yon ang dalaga. Kaya naman na gitla sya nang nag salita ang dalawang kasama sa likod na kanina pa pala sila pinakikinggan. Nanunudyo pa ang mga ito kay Chelsea. “hoooyyy, Chelseeeeaaaa wag ka nang mag pakipot pa dyan, bigay mo na! susmeo kung ako yan kahit di pa tinatanong ako na magsasabi nang una kahit pati apelyido ng kalolo-lolohan ko ibibigay ko pa dyan!” si Estela na animo kiti-kiting namimilipit sa kilig habang pabulong na sinasabihan si Chelsea. Nilingon ni Chelsea ito at nilakihan ng mga mata, tila nakuha naman nito ang gusto nyang ipahiwatig. Kaya naman napasandal nalamang ito sa sandalan at kunyari tumingen sa labas ng bintana para iwasan ang nanggagalit na mga tingen ng kaibigan. Tatawa-tawa naman si Florence kay Estella sa ginawi nito, at natahimik na din ng pati ito ay pinukolan ng masamang tingen ni Chelsea. Napasilay naman muli ang mga ngiti sa labi ng binata ng makita nya ang ginawa ng dalaga sa dalawa. “Chelsea, let me send you home! Ihahatid ko na kayo! Di ako maging kampante pag hinayaan ko kayong bumiyahe ng gantong oras, baka mapano pa kayo.” Pang kumbinsi na wika ni Adrian sa dalaga. “ ha? Eh kasi mapapalayo ka lang at tsaka iba-iba yong lugar naming ng mga kasama ko, at maout of way ka lang lalo.” Paliwanag ni Chelsea. “ay Chelsea, don na ako makitulog sa bahay mo ha? Kasi tyak na di na ako pagbubuksan ng landlady ko nyan, subrang late na. pag ganon kasi di na magbubukas yon, wala pa naman akong susi sa gate.” Si Florence. “ay ako din Chelsea, total wala naman tayong pasok bukas eh kaya don na din ako, at nang di ka matakot na ihatid ni pogi!” segunda din ni Estella na kinindatan pa si Adrian bilang pag assure nitong tutulongan nila ito kung sakali. Napabaling naman si Chelsea sa dalawa, napatanga pa ito ng makitang nagmamakaawa ang mga mukha ng dalawa. Gustong bumunghalit ng tawa si Chelsea sa itsura ng mga ito, lahat na ata ng pag papaawa ng itsura ginawa na ng mga ito. May pa hawak pa sa mga kamay na animo nag dadasal si Estella. Napailing nalamang si Chelsea. Kaya wala na syang magawa ng ibinigay nan ang dalawa ang address ng dalaga. Laking galak naman ni Adrian ng malaman ang address ng dalaga. Sisiguradohin nyang hinde nito pagsisihan ang pag bigay nito ng tiwala sa kanya. Ramdam nyang “She’s the One” ito na yong inaantay nyang bubuo ng buhay nya. Ramdam nya yon mula nang unang lumapat ito sa mga bisig nya, unang nag tama ang mga mata nila. Mula noon tadhana na ang gumalaw para muli silang pagtagpuin. Come what may, gagawin nyang lahat to win her! Napangiti si Chelsea ng maalala ang nakaraan, kaya naman di na sya nagulat ng makita ang asawa na kanina pa ata nag aantay sa kanya. Napaka gwapo nito sa suot nitong puting polo shirt, habang tangan-tangan ang isang bouquet ng paborito nyang bulaklak, sa gitna ng misa ay may naka sinde pang kandila, at maayos na nakalatag ang mga paborito nyang pagkain. Tila maiyak naman sya sa kagalakan, napaka swerte nya at subrang thoughtful ng napangasawa nya, wala na syang hihilingin pa sa taas dahil lahat ng pinagdarasal nya ay ipinagkaluob na nito. Maya-maya lang ay sinalubong na sya ni Adrian. At ibinigay ang bulaklak sa asawa, sabay halik sa nuo, sa ilong, sa pisnge at tila kinilig pang lalo si Chelsea ng dumapo na ang mga labi ng asawa sa kanyang mga labi. Bahagya namang hinampas ni Chelsea ang asawa: “ano na naman itong pakulo mong ito!” aning Chelsea na tudo ang ngiti, mababanaagan sa pagmumukha nito ang kaligayahang nadarama sa pagkakataong iyon, “I just want to make you feel so loved and I want you to know that You will always be the reason why my days are much happier and so contented! You and our baby will always be the reason why I want to live and to breath! I love you now and forever” madamdaming saad ni Adrian sa asawa. “Thank you! And I love you more!” balik sagot ni Chelsea na napupuno na ng kasiyahan ang puso. Lubos-lubos ang kaligayahang lumukob sa kanya sa pagkakataong yaon. Nag akapan ang mag-asawa tanda ng wagas na pagmamahalan. Maya-maya pa ay iginiya na ni Adrian ang asawa sa mesa upang pagsalohan ang masasarap na nakahaing pagkain na buong pusong pinaghirapang ihanda ni Adrian para dito. Tanging pasasalamat at “ I love you “ ang tanging sambit ng dalwa sa isat-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD