Chapter 11

2514 Words
“Chelsea! Ano na?” aning Estella sa katrabahong subsob sa ginagawa nito. Napaangat naman ng ulo si Chelsea sa kaharap. “di ko pa nga alam if maka sama ako! Abg dami ko pang ginagawa. Masasabonan na naman ako ng demonyong amo natin. Alam mo namang ang init ng dugo non sa akin” ani Chelsea na nakanguso na ngayon. “naku naman Chelsea! Bayaan mo yan at alam mo namang ikaw ang napaglihian nyan, tingnan mo pag labas ng bata kamuka mo” ani Estella na sinabayan ng biro ang sinabe. “Naku, ang swerte naman nyang si Mrs. Impaktabat maging kamuka ni Chelsea ang maging anak nya, aba kung ako asawa nyan magtataka ako kasi di kamuka ng asawa nya anak nya” si Florence na kanina pa pala nakikinig. Kinahagalpak naman ni Estella ang tinuran ng kaopisina. Sinaway naman ni Chelsea ang mga ito at baka marinig sila nito.pagnahuli na naman sila tyak na naman ang sermon nito hanggang lunes yan. “shhhh….ano ba kayo! Tama na nga yan pag tayo narinig na naman non isang linggo na naman tayong ulam ay sermon!” aniChelsea na sinipat pa ang opisina ng amo nila. Mag isang taon sya non sa bagong kompanya na kung saan inerekomenda sa kanya ng kakilala, marapos ang trahedyang nangyare sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan ay kusa na ding nag resign si Chelsea sa dating pinapasokan. Nasasayangan sya sa mga benefits na makukuha dito pero mas nanaig sa kanya ang suporta at pagmamahal niya sa kaibigan. At di rin nya kakayaning maka trabaho at maging boss ang taong subrang nanakit sa kaibigan nya. At pag di nya ginawa ang pag alis doon ay baka mag ka clash lang sila ng womanizer nyang boss. Wala sa kalahati ang mga benepisyong binigay ng panapasukan nya ngayon sa dating kompanyang kanyang paunagsisilbihan noon pero ok lang basta makaiwas din sya sa pangungulit at maaring pagkakasagutang mangyari sa kanila ng boss nya. Buong akala nya ay maging panatag na sya kahit papano, nagkamali sya kasi naman saksakan sa ka demonyetahan ang naging boss nya ng mag buntis ito. Di nga nya alam kung bakit sa dinadami dami nila ay sya talaga ang pinagbubontonan nito. Pinagpasensyahan na lamang nya ito dahil sa kalagayan nito. Kaya naman tampolan ng tukso ang opisina nila sa twing sasabunan na naman sya ng boss nila. “Hay naku Chelsea! Sumama ka na mamaya! Bayaan mong magalit yang impakta.” Si Florence na nakatanghod na sa cubicle nya. “kaya nga! Yon nga ang point ko don kay Chelsea” segunda ni Estella “Hay naku! Kayong dalawa ha? Ayaw nyo talaga akong tantanan?” ani Chelsea na sinamamsam ang mga papeles na ginawa mula pa kaninang umaga. “eh kasi naman, ikaw lang ang di pupunta. Abay ano mag mumungha ka ba? Kay dalang mo sumama sa gimikan day!” si Florence na inabot ang sinamsam nyang mga papeles. “At ito? Pagtulongan na natin ng matapos, at wala ka nang rason na di makasama” dugtong nito na nilapag ang mga ginagawa nya sa sarile nitong mesa. “ o ayan! Wala ka ng ma e alibi na! Tutolongan ka na namin!” segunda ni Estella dito. Napangiti naman si Chelsea sa mga ito. Di na nya masyadong ka close ang mga ito na gaya ng closeness nila ng bff nya ay maasahan naman ang mga ito. “san ba kasi ang party na yan?” si Chelsea “sa bulacan” dwetong turan nina Estella at Florence “Sa bulacan? Abay ang layo naman pala!” gulat na turan ni Chelsea “hoy day! May service tayo. Di mo na need mag drive papunta don kung yon ang inaalala mo” si Estella “oo nga! At isa pa wala naman tayong pasok bukas, so bat ka nababahala?” balim tanong naman ni Florence “Ang dami ko kayang gagawin sa weekends…” kibit balikat na sagot ni Chelsea “hoiiii…mag day off ka naman sa bahay mo day!” si Estella na nakapameywang na sa harap nya. “Chelsea need mo mag chillax paminsan minsan. At isa pa masaya tong party na to, I feel it, tyak madaming Fafa tayong makakasalamuha!” si Florence na nag akting bakla sa inaasta. Natawa naman si Chelsea sa imahinasyon nito. “Ayooonnn…..lalalndi ka lang pala! At isasama mo pa talaga ako” pabirong sabi ni Chelsea “Ayyyy….nakaka hurt ka dyan daizz….its not paglalandi its EYENG FOR A PROSPECT….” Ani Florence na iwinawagayway pa ng mga kamay sa harapan nya. Habang naka pout ang mga labi. Napahagalpak naman si Estella at Gia sa gawi ni Florence. “beh, siguro sa past life mo beke kang talaga!” pabirong saad ni Estella dito. “ayyy…beh nahihiya naman ako sa make up mong mas dinaig ang tunay na beke kung maka alipusta ka sa akin” si Florence na itinikwas pa ang buhok. Napabunghalit naman ng tawa si Chelsea sa huling sinabe ni Florence, napataas naman ng kilay si Estella. “Hooooyyyy! Excuse me….mas maganda naman ako mag make up sa mga baklng kagaya mo” si Estella while snapping finger ang peg. “hip…hip…hipp…awat na baka saan na naman mapunta yang bangayan nyo” si Chelsea na pinipilit ang mahagalpak sa dalawang kaharap. “Ito kasi!” si Florence na iningusan si Estella. “ohh…sya sige na….magsibalik na kayo sa pwesto nyo at baka maabutan pa tayo ng bruha at damaydamay na naman tayo nyan….at pag baka di pa natin matapos tong gagawin natin at mas lalo tayong di maka sama don sa gusto nyong puntahan.” Mahabang litanya ni Chelsea na ikinatuwa naman ng dalawa. Tila kay bilis agad nag sibalik ang mga ito sa cubicle. Napailing-iling naman si Chelsea sa gawi ng mga ito. Buti nalang at sumakto ang damit na pinahiram sa kanya ni Florence, may motif pala ang party ng dinalohan nila. Isa itong malaking party na lahat ng umuukopa sa building na kung saan ay andon ang pinapasukan nya ay imbitado sa party na iyon. Thanks giving at launch ata ng may-ari sa new business endeavor nito. Subrang bait ng may-ari na kahit simpleng empleyado sa building na iyon ay kumbidado sa naturang party. Bagay na bagay sa kanya ang kulay old rose na sime gown na pinahiram sa kanya ni Florence. In fairness naman kay Estella na syang gumawa sa simple look na make-up nya at hairdo. Napatawa pa nga sya ng matulala yong dalawa ng matapos ang make-up at maka bihis sya. “bat ganon? Nong sinukat ko ang gown na yan muka akong ewan, pero sayo? Look! You look so gorgeous and stunning!” si Florence na nagmamaktol. “Kaya nga, bat ang unfair ni papa G, pag ako mag make-up ng ganyan ka simple muka akong hinugot nanpatay, na di paglalamayan” himutok naman ni Estella. Napahagalpak naman sya sa tinuran ng mga ito. Di naman sa mga pangit ang mga ito, sadya lang di bumagay sa mga ito ang nagustohan. At di sanay sa simpleng make up lang kaya ganon. “hay naku! Tumantan na kayong dalawa di nyo na ako need bolahin, ito na nga oh sasama na!” pabirong ika ni Chelsea. “ Oyyy….di ka namin binibiro Chelsea. So true na ang ganda ganda mo!” si Florence na naka ngiti. “Kaya nga!sana ganyanako kaganda. Pag nagkataon rarampa ako sa lahat ng sulok ng manila” si Estella na umaktong rumampa pa. “ayyy…ohhh….kaya di binigay sayo ni papa G, yang ganyang ganda kasi alam nyang garapalan gagawin mo daizz!” si Florence na nakapameywang na. “Graaaabeee sya! Subra ka ng nakaka hurt ha!” si Estella na kunyaring na iiyak. “wooowww! Best actress award goes toooo…..” pang bubuska ni Florence “tseeeeee!....inggiterang froggy!” paismid na ika ni Estella Hagalpak naman sa Katatawa si Chelsea sa ginawi ng dalawa. Napangiwi si Chelsea ng malasahan ang pait na gumuguhit sa lalamonan nya habang sinimsim ang akala nyang wine na inumin. Napatingen sya ng doble sa wine glass. Luminga-linga pa sya, hinahanap nya yong dalawa, kanina lang ay kasama nya pa sa lamesa. Di nya alam kung saan na naman nag sumiksik ang mga ito. Nagulat pa sya ng bigla syang hilahin ng dalawa. “eeeeeiiii! Gia look! Ampogi nong isang yon!” si Florence na tila kiti-kiti. “ha? Pogi? San yang likod na yon?” ani Chelsea na sinisipat ang tinuturo ni Florence. “hinde yan! Ayon oh!” si Estella na ininguso ang isang lalaking naka side view sa kanila. Sinundan ni Chelsea ng tanaw ang ininguso ni Estella. Naka coat and tie ito, sa wari nya’y nasa 6”+ ang tangkad nito. Sa suot palang nito mukang may-kaya na. Ito yong mga tipong rich kid kung tawagin. Napangiwi sya sa naisip, pupusta syang mayabang ang mga tulad nito, feeling nitong head over heels ang mga babae dito kaya mayabang at babaero ito natitiyak sya don. Inungusan nya ito sabay ika: “hay naku mga day, wag nyo na yang pangarapin, masasaktan lang kayo, kasi ang mga tulad nyan ang magpapaiyak sa mga marurupok na tulad nyo. Paaasahin lang kayo nyan, pag nakuha na ang gusto sa inyo nyan, walah! Maglalaho yang parang bula bigla, or worst? Tatalikuran at itatapon kayong parang basahan!” litanyang wika ni Chelsea. Napangiwi sya ng maalala ang kaibigan at ang lalaking nanluko dito. Kaya naman nawalan na sya ng amor sa mga lalaki, lalo na ang mga naka angat sa buhay na mga adan. “Hala day, may pinaghuhugotan ka ba?” si Florence na medyo na gulat sa sinasaad ni Chelsea. “Oo nga! Coming from an experience ba yan daiz?” segunda ni Estella. Mapait na ngumiti si Chelsea. “Oo! Sa matalik kong kaibigan, kaya tigil tigilan nyo na yang mga ganyan, salot sa ating mga kababaihan yang mga yan” paismid na saad ni Chelsea. “Ayyy! Bitterness overload ang ferson” eksaheradang turan naman ni Florence. Kibit balikat lang ang sinagot ni Chelsea dito. At sabay tungga uli sa iniinom nya kanina. Sa di kalayuan naman ay nakakunot ang nuong nakatitig ito sa babaing nasa may lamesa kasama ng dalawa pang babae. Tila pamilyar dito ang babaing iyon. Pilit nyang iniisip kung saan nya ito nakita. Ng di naglaon ay naalala na nya ito. Ito yong mataray na babaing iniligtas nya sa isang bookstore isang linggo na ang naka lipas. Napangiti sya ng malala ang nangyaring iyon. Di nya akalaing pagtatarayan sya nito instead na magpasalamat sa pagligtas nya dito. Kahit ganon pa man ay di mawaglit sa kanya ang koneksyong meron sila nong akap nya ito, tila ba may bumubulong sa kanyang wag nya itong pakawalan. At iba yong init na hatid nito habang akap nya ito. Sa dami na ng dumaang babae sa buhay nya yon pa lang ang una at kakaibang pakiramdam ang nararamdaman nya. Kaya naman di maipaliwanag na kasiyahan ang lumukob sa kanya ng makita nya itong muli. This time sisiguradohin nyang makilala nya ito bago matapos ang gabing iyon. Tila noon lang naranasang uminom ni Chelsea, parang sarap na sarap sya sa alak na yon. Sinaway pa nga sya nga nong dalawa na baka malasing sya pero ayaw nya paawat, kaya naman hinayaan nalamang ng dalawa at sinabayan nalamang ito sa gusto nito. Nagkasiyahan na ang mga taong may tama na din sa mga iniinom ng mga ito ng biglang isang lalaki ang sumigaw nang disco music na sinang-ayunan naman ng nakakarami, kaya naman sinunod nalamang ito ng bandang syang tumutog, hiyawan naman ang mga taong andon at isa-isang nagsipagdulogan sa gitna para sabayan ang nakakaindayog na tugtog. Napahiyaw naman sina Chelsea at ang dalawa pa ng marinig ang tugtoging nakakaindayog. Kaya naman di na nag papatumpik-tumpik pang pinaghihila ni Florence ang dalawa sa gitna para sabayan ang karamihan sa saliw ng tugtogin. Tatawa-tawa namang nag pahila si Chelsea na animo tinamaan na nga sa nainom na alak. Tuding indak naman ang lahat, di rin papahuli si Chelsea sa mga moves nya, kaya naman tila automatikong nagkaroon ng circle ang mga nagsipagsayawan doon at hiyawan naman g mga ito ng magpakitang gilas si Chelsea ng pagsasayaw. Di naman ikailang magaling talagang sumayaw si Chelsea, bagkos isa nga ito sa mga dancer ng school nila noon, lagi itong kalahok sa mga pa contest, kaya naman hanggang ngayon ay wala pa ding kupas ang mga galaw nito. Ng di naglaon ay sinbayan naman sya ng isa pang magaling ding sumayaw, tila nag papaligsahan pa silang dalawa sa pagkakataong iyon. Ayaw din paawat at lalaking nakatapat ni Chelsea, kaya naman hiyawan at palakpakan ang mgnakpanuod nang mini showdown ng dalawa. Ikinagalak naman ng may-ari ng party na iyon ang di inaasahang showdown. Kaya ng matapos ang dalawa sa pagpakitang gilas ay nag salita ang Host upang bigyang pugay ang dalawang nag bigay buhay sa party na iyon. Tinawag nito ang dalawa sa sre at sa di inaasahan binigyan ng mga ito ang dalawa ng munting pabuya. Gulat man ay natutuwang tinanggap ni Chelsea ang pabuyang ibinigay at nakipag kamay sa naka showdown kani-kaninalang. Naka ngiti namang tinanggap nito ang pakikipagkamay ni Chelsea. At sabay p asilang nag pasalamat sa Host sa pabuyang binigay. Hiyaw ng hiyaw naman sin Estella at Florence para sa kaibigan. Nang makapanoag n ay tuloy pa din ang makakaindayog na tugtogin. “Eeeeeiiii…..Gia! akalain mo yon naka award ka pa daizzz!” tiling sambit ni Estella kay Chelsea. “sana all nalang talaga daizzz! Swabeng galawan? Sexy yet adoring moves? Ay wapak sa pabuya!” segunda ani Florence na iminuwestra pa ang mga ginawang moves kanina ni Chelsea. Napahagalpak naman si Chelsea sa ginawi ni Florence. Pailing-iling nyang tinitingnan ang pagpapakwela nito. “ayyy….teka magkano pabuya ni boss daiz?” ani Estella na nacurious sa pabuyang binigay. “ewan ko! Di ko naman binuksan pa eh!” kibit balikat na ika ni Chelsea. “abay, arat ng silipin daiiizzzz!” excited na ika ni Florence. “Ohh, kayo na magbukas” ani Chelsea na binigay sa mga ito ang sobreng ibinigay kanina. Sing bilis nang kidlat namang tinanggap ng dalawa ang sobre at inusyoso ang laman ng sobre. Nanlaki naman ang mga ito sa nakita. Tig isang libo ang andon at di lang isa. “Omgggeee….Gia andaming onekyeyaw!” patiling sabi ni Florence. Dagli namang tinakpan ni Estella ang bunganga ng isa. “hoooyyyy! Ano ka ba…tumili ka pa talaga, baka isipin ng mga tao dito na ngayon ka lang nakahawak ng pera! Luka-luka kang talaga!” saway ni Estella dito. Tatawa-tawa naman si Chelsea. Wala syang paki don sa pera ang alam nya nag enjoy sya sa gabing iyon. Matagal-tagal din syang di naka pag enjoy, mula nang umalis ang matalik nyang kaibigan di na sya nakadanas ng ganong break at enjoyment, nasanay kasi syang ito ang kasa-kasama sa tqing mag unwind sya. Kaya laking lungkot nya ng umalis ito upang magtago sa taong nanakit dito. Masakit man sa kanya pero mas pinili nilang mawalay muna at balang araw ay maibalik din nila ang mga dating nakasanayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD