“Tao po! Tao po!” sigaw ng delivery men na nasa may gate
“Delivery po para kay Ms. Borromeo?” dugtong pa nito.
Bigla namang sumungaw ang isang batang lalaki na nasa 5 taong gulang pa lamang. May maputi itong kompleksyon, makitaan ng tamang kapal na animong hinulmang mga kilay na bumabagay sa kulay tsokolateng mga mata na sa twing tumititig ay tila ba umaarok ng kaharap. Ang maninipis na kissable lips nito ay nababagayan ng matamis na ngiti na laging suot sa twing may kaharap at kausap itong kinawiwilihan. Patakbo itong lumapit sa may gate para pag sinuhin ang tumatawag.
“Who are you?” bibong tanong ng napakagwapong bata sa delivery man. “How did you know my mom?” dugtong nitong saad na animong nag uusisa.
“ I’m..mm.. ahh I ammmm…. ahhh----!” utal na usal ng delivery man di alam kung sasagot ng englisan o sasagutin ito sa tagalog. Napakamot ito bigla sa may batok kahit di naman makati. “ahhh… iho? Asan magulang mo? Patawag kung pwede pasabing may delivery!” ika ng delivery man na piniling mag magtagalog na lamang kisa pahirapan pa nya ang sariling mag englis eh barok naman pagka bigkas nya.
“My mom is coming! And She said to wait please!” may pagpaumanhing ika ng bata sabay ngiti dito. Sabay ngiti ng matamis sa huli.
"You seem so tired! You need a drink?" Aning poging bata. "I can fetch you something to drink if you want!" Dugtong alok nito dito.
"Thank you! You so mabait na bata" Naka ngiting tugon ng delivery men. "And you so pogi!" Dugto pang sabi nito.
"What's pogi?" Tanong ng bata
"Pogi? Ahhhmm....Gwapo! Oo yon nga.... You so gwapo!" Natatawang turan ng delivery men. Napakamot nalang uli ito sa batok dahil napapalaban na ito sa englisan.
"So you mean pogi is gwapo?" Balik tanong ng batang medyo na gulohan sa sagot ng kaharap.
" Pano ba to....ahhmmm....ohhh alam ko na hansome! Pogi, gwapo is hansome" natawang turan ng delivery men ng makuha ang tamang englis nito....di man ma bigkas ng maayos ay nakuha naman agad ng bata ang ibig sabihen nito.
"Ohhhh....handsome! Your handsome too, Mr. Delivery men"Aning bata na naka ngiti ng tudo.
"Ha.ha.ha.thank you, thank you!" Natutuwang turan ng delivery men dito. yumukod pa ito habang nagpapasalamat. Napaka bibong bata tanging usal nito sa isip.
Maya-maya nama’y lumabas ang isang magandang babae na may taas na 5’6” ang tangkad, balingkinitan ang pangangatawan na halatang alaga sa yoga o ehersisyo. Maputi at makinis din ang balat ng babae na may maamong mukha, matangos na ilong at namimilog na mga matang tila laging nangungusap pag iyong tinitigan. Naka suot ito ng eyeglasses na bumabagay sa mala hugis pusong mukha nito. Naka pagkit ang mga matatamis na ngiti sa labi ng magsalita ito.
“Naku po, pasensya na po kayo kung kinulit po kayo ng anak ko!” si Akiesha na ipinatong ang malalambot na kamay sa ulo ng anak sabay gulo ng buhok nito na ikina angat naman ng huli para tumingala sa ina na naka pagkit ang ngiti sa mga labi.
“Okey lang po ma’am! Eh dyahi nga lang po at di ko lang po alam kung mag eenglis o magtatagalog ako….ha.ha.ha.!” ika ng delivery man na napakamot sa batok na animo’y nahihiya sa sinasabe. " Apaka bibong bata po!" Dugtong pa nito.
“Mom? Is it bad? did I say something wrong?” inosenteng tanong ng bata sa ina ng may kalituhan.
“of course, not sweetheart!” napayukong hinalikan ni Alyssa ang anak at may pagmamahal na hinaplos ang maliit nitong mukha.“You’ve done a great job baby, by stepping out to inform this kind man to wait for a while!” dugtong na sambit ni Alyssa na ikinangiti naman ng bibong paslit.
“Sorry! pasensya na uli!” pagpaumanhin uli ng babae sa kaharap. Na tinugonan naman ng ngiti ng huli.
“magkano nga po pala lahat?” Turan ni Allyssa.
“1,503 po lahat ma’am!” sagot nito sabay abot sa malaking kahon at pinapirma ang slip dito.
Inabot naman ni Akiesha ang package at binigay ang halagang binanggit sa delivery man, at pinirmahan ang slip bilang katunayang nakuha na niya ang parcel. Dagli namang nag pasalamat ang delivery man at humayo na ito para sa susunod na pag dedeliveran. Sabay namang pumasok sa luob ng bahay ang mag-ina na di naman maubos ang excitement ng bata habang nag tatalong sinasabing
“Is it the gift that you promise mom? Is it? Is it really?” namimilog ang matang naka tingala sa ina
“ha.ha.ha. You really can’t wait, do you?” Natawang ika ni Akiesha sa bibong anak.
“I’m so excited mom, and I can’t wait to see the moon, the stars, the planets!” bulas nito uli na kakitaan ng subrang excitement sa regalo ng ina.
“Ha.ha.ha you will baby boy! You will!”Ani Akiesha na natutuwa sa inasta ng anak. Sabay akay nito sa luob ng bahay.
Sa kabilang Dako naman:
“Sir! Phone #3, your mom!” aning secretarya kay Ethan habang abala ito sa mga papeles na nakalatag sa may desk nya. End of the month and need nyang matapos lahat ng papeles na mapirmahan para ma check nya yong liquidation paper na naka binbin pa sa kabilang misa. napabuntong hinga na lamang ang binata at iningat Kang awditobo ng telepono.
“Hello?” si Ethan
“Ethan! Where are you? I thought you were going to dine with us today?” ani Donya Mariel sa anak na may mabanaagan ng pagkabagot sa boses nito.
“Mama, I am…tinatapos ko lang tong ginagawa ko! It's the end of the month mom, you know how badly it needs to be sum up.” pagpaliwanag ng binata sa inang nagdaramdam.
“I don’t care about those crops! I want you to come in here A.S.A.P or forget everything and that I ever exist!” maawtoridad na wika ng ginang sa anak
“ha.ha.ha. Mom, don’t you dare use those lines on me! Alam mong di ko kayang gawin sayo yan!” pahinuhong sabi ni Ethan sa inang nag tatrantums na ngayon.
“I swear on your dad’s grave, Ethan! I’m not bluffing you! I’m really WARNING you! Be here A.S.A.P or else……” aning ginang sabay baba ng telepono
Napailing na lamang si Ethan sa asta ng kanyang ina. Mula ng mawala ang daddy nya ay subra nang demanding sa kanya ng ina, in a terms na pag pinangakoan nilang mag kakapatid na dalawin ito o di kaya e out of town nila in a week ay dapat tuparin ng mga ito kundi walang humpay ito sa kakadial sa celphone at landline, kahit gano pa ka hectic mga schedules nila. He knows that their mom misses there dad so badly at nag hahanap lang ito ng makasama sa malaking bahay.
His dad died 4 years ago! At bago mamatay ang ama ay naihingi na nya dito ang kasalanang limang taon na niyang pinag sisihan at kailan ma’y di nya malilimutan. Ilang taon na ba mula ng mawala ng tuloyan si Casssandra sa buhay nya? Dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nag durusa at pinag sisihan nyang mawala ang pagkakataong pwede nyang ikasaya habang buhay at maaring maka salba sa pagkalunod ng ina sa lungkot na nadarama ngayon? Five long years! Ganon na pala katagal.
Until now di nya mahanap hanap ang taong naging dahilan ng pagtalikod nya sa babaing akala nyang sya nang bumubuo ng mundo nya. At biglang nag flash back sa kanya ang nakalipas.
Dinalaw nya sa condo ang nobya ng malamang naka balik na pala ito mula sa trip nito. Mas napaga pa nga. Ngunit di nya akalaing ibang Kaycee na ang makakaharap sa pagbabalik nito. Nalaman na nga nito ang tungkol kay Akiesha at sa pagbubuntis nito. kaya naman ay wala na syang magawa kundi ang aminin na rito ang lahat.
“How dare you do this to me, Ethan! How could you!” hiyaw ni Cassandra sa nobyo. "I thought you loved me? Huh?" pasigaw na dugtong ng dalaga.
“Baby, I’m so sorry! I love you! I really do!” pagsumamo ni Ethan sa nobyang di masawata sa kakaiyak. "I truly love you, kaya nga mas pinili kita kisa don, I don't love her Baby, I swear!" dugtong saad ni Ethan.
“You love me? Then how could you fuckinly do this to me?” galit na bulalas ni Cassandra.
“You betrayed me! You fuckinly bare a child on that b***h, that child should be ours! But what have you done!” pasigaw na bulas ni Casssandra sabay sugod sa nobyong yukong yuko ang ulo? Animo basang sisiw ito sa pagkakataong yaon.
Sinalong lahat ni Ethan ang bawat hampas at suntok ng nobya sa kanya. He admitted everything that he had done. At dapat lang sa kanya yon. Alam nyang subra ang sakit na dinulot nya sa nobya, alam nyang kahit kilan ay di sya mapapatawad nito sa kasalanang nagawa nya. Kung kay Cassandra ay di sya nito mapatawad tawad pano pa kaya sa babaing tinalikuran nya ng isang napakalaking obligasyon.
“I will never forgive you, Ethan! To hell with you!” sambit ni Cassandra na lumong lumo na sa subrang sakit at disappointment dahil sa nagawa ng nobyo.
Of all those things, kaya na nyang talikuran ang lahat, after marealize nyang masyadong malayo ang 3 years para di pagbigyan ito sa gustong magka baby sila after their wedding, baby over promotion ang labanan yet she chooses to be a mother soon. But things happen so badly.
It was month of October ng maagang lumapag ang eroplano nina Cassandra sa pilipinas. Di nya sinabe sa nobyo na mapaaga ang uwi nya. Gusto nitong surprisahin ito sa kanyang pagdating. Blessing in disguise din ang maagang pag uwi nya para asikasohin na ang nalalapit na kasal nila ng nobyo. She was too excited na tinungo ang opisina ng nobyo. ikinagulat naman ng mga tao sa kompanyang yon ang bigla nyang paglitaw. Akmang tatayo ang sekretarya ng nobyo para sana ipaalam sa amo na nasa labas ang nobya nito, pero mabilis naman naka pag senyas si Cassandra na wag nitong gawin ang binabalik nitong gawin. Napaupo pabalik ang sekretarya sa kinaupoan sabay pukol ng alinlanging ngiti sa nobya ng amo bilang pag sangayon sa gusto nitong mangyari.
Akmang ipipihit na ni Casssandra ang door knob ng marinig nya ang sigawan na nangyayari sa luob ng opisina ng nobyo. Na ikinabahala na din ng sekretarya nakamasid na sa kanya. Mariing pinakinggan ng dalaga ang usapan ng nasa luob.
“You can’t do this to me Ethan! Not to my child please!” nagsusumamo ang boses ng babaing animo umiiyak na sa desperasyon.
“I don’t fuckinly care Akiesha! You will get rid of that child or you can get out and go, with tha..aatt…..thing in you!” galit na wika ni Ethan
“It is your child Ethan how could you be so inhumane!” hagulhol na sumbat ng babae
“Shhhuuuuttt uuuppp! Just shut up! I don’t know, and I don’t fuckinly care!” sigaw ni Ethan na mauulinigan ng buong opisina. Animo kulog ito sa lakas ng pagkasigaw.
Animo binuhosan naman ng malamig na tubig si Cassandra sa narinig. Nangatog ang mga tuhod at mahigpit na humawak sa may cubicle ng sekretarya ng nobyo, kumukuha ng lakas mula doon. Batid na nya ang nangyari sa loob ng opisina ng nobyo. Tuliro ang isip at di maka paniwala sa lahat ng narinig. Gulantang sa lahat ng na diskubrehan.
Di makapaniwalang nagawa syang lukohin ng nobyong pakakasalan nya. Kung kilan kaya nya nang talikuran ang pangarap para dito. Gusto nyang mag laho nalang sa mga panahong yon nais nyang lamunin na lamang sya ng lupa sa mga sandaling yaon. Alam nyang dinig din ng lahat ang naririnig nya sa loob ng kwartong ng nobyo. And it hurt her so much na pati pag luluko ng nobyo ang di na lingid sa mga taong naroroon.
Lahat ng mata ng mga empleyado ay nakatuon kay Cassandra sa mga sandaling yon. May nag aalala at may nagugulohan. Kinuha nya ang celphone sa bag at tinawagan ang kapatid para sunduin sya sa kung san sya naroon. Ilang saglit lang ang dumating na ang kapatid ni Casssandra at dagli dagli naman syang inalalayan nito para maka labas sa establisyementong iyon.
Di rin nag tagal ay isang babae ang iniluwa ng pintoan na kung saan nang galing ang malaking kumosyon, luhaan at patakbo itong lumabas sa opisina ni Ethan. Derederetso nitong tinungo ang cubicle at hinablot ang bag nito sabay takbo palabas ng opisina nila. Animo eksena sa isang palabas ang nasaksihan ng mga empleyado sa araw na yon. Maya-maya narinig nalamang nila na sumigaw ang among lalaki at tinawag ang pangalan ng sekretarya. Nasa ganon syang pagmumuni-muni nga biglang pinukaw ito ng kanyang secretarya.
“Sir?” aning sekretarya na pumukaw sa diwa nyang naglalakbay sa nakaraan, na ikinagitla nyang bahagya. “e kakansela ko po ba ang mga appointments mo sa araw na ito?” dugto nito.
“Ha? Ahmm… yes please!” tila lutang na sagot ni Ethan dito. “And please do call Olan to prepare a bouquet for my mom! Do make it colorful” dugtong nyang turan sa sekretarya. His mom loves colorful flowers ng sa ganon mawala pagtatampo nito sa kanya.
“Ok sir, noted! Anything else sir?” habol na wika ng sekretarya.
Suminyas lang si Ethan na wala na itong idadagdag, dagli namang tumalima ang sekretarya para gawin ang inutos ng amo. Habang itinuloy naman ni binata ang ginagawa. Binilisan na nya ito para maagang maka uwi sa mansyon ng ina.
Past five na ng muli nyang sinipat ang orasan. Sa wakas natapos nya rin lahat ng gawain ng bigla my kumatok at sumumgaw ang sekretarya nito.
“Sir, andyan na po yong flowers na inorder nyo!” anito
“Ok! I’ll be there in a bit!” aniyang tumayo na at inayos na din ang sarili para umuwi na. Bago umalis ay may ibinilin pa syang ilang bagay sa sekretarya. At inutos nya dito na wag kalimutang e remind sa kanya bukas ang meet up nila ng mga kaibigan nya.
“Oh! Before I’ll forget! Would you mind giving a call to “Paraiso del Mar”? the brochure is in my table and could you give me a call if you have settled the info about it?” pahabol pa nyang turan dito.
“Yes sir! I will” nakangiting sambit ng sekretarya sa kanyang boss, Sabay iling naman ito. mula nong naging single ito ay wala na atang inatupag kundi isobsob ang sarili sa trabaho. At natutuwa syang balak na ata nitong mag unwind for a very long time. Tumayo ito at tinungo ang opisina ng amo para kunin ang brochure na sinabe ng boss nya at gawin na ito ng mas maaga.