Chapter 3

3077 Words
“Akiesha?” gulat na gulat na bulalas ni Chelsea. “Yes! Its meeeeeehhh! wala nang iba pa.” ani Akiesha na ang lapad ng mga ngiti habang excited na ibinuka ang mga braso sa harap ng kaibigan. “Oh my God! It’s really you!” di maka paniwalang sambit ng kaibigan sabay akap nito. mahigpit nya ito niyakap. Mahigpit na nag yapos ang magkakaibigan. Matagal na panahon din bago sila muling nag kita. Mula ng tinago nya sa probinsya nila ang kaibigan at ang inaanak nito para ilayo sa lalaking nanakit ng husto at tumalikod sa obligasyon na dapat ito ang umako. Ay di na sila muling nagkita dahil na rin sa iniiwasan nilang malaman ang kinaroroonan ng mag-ina. “Oh, my! Look at you! You look so great! And…and…so pretty” ani Chelsea. Di parin ito maka paniwalang nasa harapan na nya ang kaibigang na miss din nya ng napakahabang panahon. Napahikbi pa ito habang naka titig sa kaibigan. “Oh, para san naman yang mga luha na yan?” naka tawang turan ni Akiesha sa kaibigan. Nitong mga nakaraang araw ay napaka iyakin na ng kanyang kaibigan. Mula ng inamin nito sa kanyang nag dadalantao na ito at ikakasal na bago pa maisilang ang baby ay masyado na itong emotional. “I just can’t believe it! You’re here! And you’re so pretty, you’re looking so great!” anito na humihikbi na sa ngayon. “Hey! Stop crying!” ani Akiesha sabay akap sa kaibigan. “mawawala ba naman ako sa kasal mo? Tingen mo palalagpasin ko ba ang mahalagang araw na yon?” dugtong pa nyang sabi sa kaibigan “ano ba yan! Naiiyak nalang ako sa tuwa!” si Chelsea ni pinunasan na ang mga luha sa mga mata. “I’m so glad you made it Akiesha! You really don’t know how it really means to me! Having you there in my most un-forgetable moment ay sapat na!” dugtong nito sabay akap sa kaibigan na tila ba mawawala ito sa harap nya. “Cheer up! Dapat masaya ka lang! I know tita Belle will surely be so proud of you Chelsea! Where ever she may be, I know she’s watching you with pride” bukal sa pusong turan ni Akiesha sa kaibigan. 2 years ng pumanaw ang mother ni Chelsea, at sa pagkakataong kailangan sya nito ay di man lang nya nadamayan ito sa takot na matunton sila ng anak nya, At naiintindihan lahat ni Chelsea yon. mas nanaisin din nito at mas kampante ito na ligtas silang mag ina. At 5 years na din ang lumipas, heto at lumantad na si Akieshaa. Ibig sabihen ba nito ay kaya na nitong harapin ang mga Vergara? Di na ba ito takot na matunton ni Ethan pagnagkataon? Mula ng malaman ng mga Vergara na dala-dala ni Akiesha ang anak ni Ethan ay di na tinantanan si Chelsea na usisain at humantong pa sa pag iimbistega para lang matonton ang kinalagakan ng kaibigan. Tanging ito lamang ang nakakaalam at si tita Belle na ina ni Chelsea ang nakakaalam ng kinarurounan nila. Dahil wala naman talagang iba pang malalapitan si Akiesha kundi ang mga ito. Itinuring na din syang di iba ng tita Belle nya kaya ganon na rin ang galit nito ng malaman ang nangyari kay Akiesha. Ito din ang sumuporta sa kanila ng kailangan nyang mag tago at kahit ang mag hanap ng trabaho ay di nito pinapayagang gawin nya. Si Chelsea at si tita Belle ang sumuporta pinansyal o emosyonal man, ang naging sandalan niya sa mga panahong nangangailangan sya ng pag iintindi at kalinga. Kaya subrang masakit para sa kanya na kahit sa huli man lang na pagsilip ay di nya nagawa. Kaya naman di nya kakayaning palagpasin ang pagkakataong ito na samahan si Chelsea sa napakahalagang pangyayari sa buhay nito. Masaya sya para sa kaibigan. Noon pa man ay lagi na nyang sinasabi dito na wag na wag sumunod sa mga yapak nya. Na, magmahal ito na mas Mahal sya at di yon Mas Mahal nito. Kaya naman subrang saya nya ng maka tagpo ito ng tamang lalaki na syang mag papaligaya at tutupad sa mga pangarap nya para sa kaibigan. Sa pangatlong linggo pa ang kasal pero inagahan na nya ang pag punta para di nakakahiya sa mag susukat ng mga gown nya. Ayaw nyang mag pa importante. At nahihiya sya sa mapapangasawa ni Chelsea. Di pa nya nakilala ang mapapangasawa ng kaibigan. Ngayon pa lang kung sakali. May kaya ang napangasawa ni kaibigan nya. Dahil di ganito ka garbo ang maging kasal nito kung hinde ito mayaman. Sabi nga ni Chelsea sa kanya na may sarili daw kompanya ito na pinapamalakaran. Noong umpisa nag atubili sya sa maging kalagayan ng kaibigan. Iniisip nya noon na baka magaya sa kanya ang dadanasin nito. kaya naman kung tudo payo sya dito noon. Pero nong makita nya kung gano ito kasaya at ka kuntento sa relasyon nito ay kampante na din sya para dito. Kaya naman laking pasasalamat nya sa itaas na ibang iba ito sa karanasang napagdaanan nya. Bisibisihan sila sa araw na yon. Daming ginagawa at tsinitsik. Nasa salas sila ni Chelsea non at inihanda ang mga invitations na ipamimigay na sa araw ding yon, may naibigay na sa side ng groom, kaya naman yong sa side ng bride at mangilan ngilan na lamang ang natira. Masaya silang nagkukukwentohan ng tumunog ang celphone ni Chelsea. Agad naman nitong dinampot at malaki ang mga ngiting tumingin kay Akiesha at animo kinilig pa ng husto. “si Adrian!” anito na kinikilig. Sabay tayo para kausapin ng sarilinan ang kasintahan. Tila natigilan naman si Akiesha ng marinig ang pangalang binanggit ng kaibigan. Pamilyar sa kanya ang pangalang yon. Kung di sya nag kakamali yon ang huling pangalan na di nya makalimutan. Biglang nag flash back sa kanya ang nangyayaring noon. “Hi! You’re Akiesha? Right?” aning mestisong lalaki na nakatayo sa harapan ni Akiesha. Napaangat ng mukha naman si Akiesha ng marinig ang baritunong boses na nagsasalita sa kanyang harapan. Nasa 29-30 ang edad nito, 6flat ang taas, matipuno ang pangangatawan at mestisohin in short hunk ang nasa harapan nya. Pero para kay Akiesha wala itong dating. Baka pag si Chelsea pa ang kinausap baka wala pang segundo eh nag titili na ito. Mga ganong tipo kasi ang gusto ng kaibigan. Pero para kay Akiesha iisa lang ang tipo nya. Si Ethan Eziekel Vergara, ito lang ang gwapo at perpekto para dito. “Yes? Do I know you?” medyo pagtataray pang sabi ni Akiesha. “Nah! I don’t think you know me. But I saw you we’re alone in here and just thinking you might need some company I guess!” aning lalaki na medyo presko ang dating, sabay sipat sa kanya na animo kinikilatis ang buong pagkatao nya. Medyo napataas ang kilay ni Akiesha sa tinuran ng lalaki. Hinde sya istriktang babae pero pag kinakailangan ay ginagawa nya. Tulad na lang ngayon. Medyo presko at brusko ang dating sa kanya ng lalaking kaharap. “Excuse me? (napataas bigla ang kilay ng dalaga) Sorry I don’t need a company and I don’t need someone like you! Pervert!” Pasupladang turan ni Akiesha sabay tayo at talikod rito. Mabilis namang nahawakan ng lalaki ang braso ni Akiesha at hinaklit nito paharap ang dalaga. “Hey! Don’t you find me great to be with? And subra mo naman atang suplada, I just wan’t to make friends with you!” anito na hinigpitan ang pagkahawak ng braso ng dalaga. “Let go of me! I don’t need more friends, madami na ako noon!” pasupladang turan nya at nagpupumiglas na usal ng dalaga na pilit kumawala sa mahigpit na hawak ng lalaki. Pilit syang pinapaupo nito. Ng biglang may bumaklas sa kamay ng lalaki na mahigpit na naka hawak sa braso ni Akiesha. “Hey! Heyyyy…. stop it Henrich! lasing ka na pare! leave her alone!” aning isang boses sa likuran ni Akiesha. napalingon naman ang dalaga sa baritonong boses na nagmumula sa kanyang likuran. Isa na namang gwapong lalaki ang bumungad na sa harapan ni Akiesha. Susmeo kung kasama nya si Chelsea malamang hinimatay na ito sa kilig. Mestisohin pa din ang pangalawang lalaki nasa 6” something ang tangkad nito, medyo singkit din ang mga mata at matangos ang hubog ng ilong. Hinuha nyang di magkalayo ang edad nito sa lalaking nambastos sa kanya, Pero di parin nahihigitan ng mga ito ang lalaking pinapangarap nyang maging kanya. Naamoy nyang amoy alak na ang mga ito. Pero sa hinuha ni Akiesha ay matino pa ang bagong dating kisa sa isang bastos na nauna. “ohhh! Adrian! my dearest Friend, Here you are again! I just want to know this beautiful young lady here! to make friends I mean.” aning lalaking tinatawag sa pangalang Henrich. habang inaakbayan naman nito ang bagong dating. “Come on men! Your drunk!” ani Adrian. “Just leave this young lady alone” dugtong pa nito. “why? What’s wrong? I just wan’t to be friends with her!” aning Henrich na kumunot pa g makakapal na kilay nito. “Come on bro! Make it next time! And besides you’re drunk! and mukang natatakot na sayo tong magandang dilag pare!” si Adrian. Habang pinipilit haklitin ang kaibigan para umalis na. "Come on, lets go! doon na natin ipagpatuloy yong gusto mong gawin! tara na!" dugtong nito na hinihilang palayo ang kaibigan. Napapigsi naman ang huli ng inikot ito ng kasamahan para tungohin ang daan papalayo. Sumenyas pa ito ng dirty finger habang palayo at tinutungga ang bote ng alak na tangan tangan nito. Bumalik naman sa kinaruroonan ni Akiesha ang isang lalaki. “Miss! Pagpaumanhin mo na yong kasama ko! Medyo tinatamaan na kasi! Pasensya ka na kung ano man ang nagawa sayo!” tila nahihiya pa itong nag paliwanag sa kanya at habang humihinge ng pasensya sa nagawa ng kasama. Napangiti naman si Akiesha. Naisip nyang ibang iba pala ito kisa don sa nauna medyo mabait naman pala. At halata namang sa malumanay na pananalita nito. Kaya tango lamang ang sinagot nya dito. “Oh, sorry for my manners! Adrian!” ika ng lalaki na inilahad ang mga kamay tanda ng pagkakilala dito. “Akiesha!” sagot naman nya sa lalaki. “Nice meeting you Akiesha! Sorry uli! pagpasensyahan mo na lang yong kaibigan ko, mabait naman yon kung di nakainom. sige pasensya uli!” anito na sinabayan na ng paalam sa dalaga, at tumalikod na din at umalis. Napangiti naman si Akiesha, atleast di lahat ng mga gwapo arogante at presko. Sa isip ni Akiesha sana ganon din si Ethan, kaso mukang malabo. “sasama ka ba mamaya?” pabulong na tanong ni Chelsea sa kaibigan habang abala ito sa ginagawa sa harap ng computer. Napapitlag naman sa kinaupoan nya si Akiesha ng biglang marinig ang pagbulong ng kaibigan. “Di pa ako sure! Parang wala ako sa huwisyong maki pag party.” bulong pabalik ni Akiesha sa kaibigan. “bakit naman? Sayang naman yon. Once in a while need din nating makipag party” aning Chelsea, na umamba pa ng pag giling bilang pang eengganyo sa kaibigan na sumama na nga sila. “wala nga kasi ako sa mood na makipag party! Kung gusto mo ikaw nalang sumama. Ako na mag sabi kay tita Belle!” ani Akiesha habang yumuko kunyaring may pinupulot makaiwas lang sa usapan. “kowww po! Alam mong mag wawala si mama pag malaman nyang mag isa lang ako!” napatampal pa sa sariling noo si Chelsea habang pabagsak na isinandal ang likod hudyat ng pagka disgusto sa iminumungkahi ng kaibigan “Chelsea! Puro ka nalang lustay ng pera mo. Imbes na ipahinga mo nalang ang araw ng sabado at linggo ng magkaroon ka naman ng pahinga mula sa mahabang pag tatrabaho. Ayan alak at pag lalandi na naman inaatupag mo! Bat di mo gayahin si Akiesha?” panggagaya pa nito sa maaring sasabihin ng ina nya sa kanya, ay siyang siya naman talaga ang tuno at galaw ng tita Belle nya. Napabunghalit naman ng tawa si Akiesha sa panggagaya ng kaibigan sa ina nito. Na ikinalingon naman ng ibang kasamahan. “sshhhhh….!” si Chelsea na pinapatahimik ang kaibigan, sabay lingon sa pintoan ng biglang bumukas ito, at iniluwa dito ang boss nilang animo may hinahanap. Sakto namang palabas ang boss nila nang napatahimik silang dalawa at kung di pa sila huminto’y malamang masasabon sila nito. Ng lingunin ni Chelsea ang kaibigan ay napatampal na naman uli ito sa noo. Ito na naman po sila. Napailing na tinitigan ang kaibigan malala na nga talaga ang pag iimahinasyon nito sa boss nila. Mula ng pinalit itong maging boss nila ay naging ulol na dito ang kaibigan nya. Di naman ganyan dati si Akiesha. Akala nga nya tibo ang kaibigan, kasi kahit anong reto nya dito ay walang pumasa. Lahat bagsak. Kahit ang ilang mga kasamahan nilang may beat na ligawan ang dalaga ay di pumasa sa panlasa nito. Tanging kay Ethan Vergara lamang ito baliw na baliw. Tinampal nya ng malakas sa may braso ang kaibigan upang gisingin ito sa pangangarap ng gising. Matagal ng naka alis ang boss nila pero tila nasa harapan pa din ito nang kaibigan nang makita asta nito. Kaya may pagka yamot na tinampal nya ito. “araaaaayyy…! ano ba!” gulat na bulas ni Akiesha. “Ang KJ mo talaga.! kahit kilan kontrabida ka sa pangarap ko!” si Akiesha na pumiksi pa dahil sa ginawa ng kaibigan. “sige mangarap ka ng naka nganga! Mag aambisyon ka lang naman don pa talaga sa taong ni sa panaginip ay di ka papatusin!” pang tutudyo ni Chelsea kay Akiesha. “tseeee…. inggit ka lang! Wala ka kasing inspirasyon na kagaya ng Ethan ko!” ani Akiesha na tila kinikilig pa sa tinuturan. “Ethan mo? Hoyyyyyy! Gising! May nobya yang pinapantasyahan mo at ang pinaka masaklap PAKAKASALANAN ng pinapangarap mo! kaya sa hinagap wala kang PAG_ASA!” pang bubuska uli ni Chelsea sa kaibigan na ikinalungkot naman nitong bigla. Animo hinatak sa realidad si Akiesha sa malalim na pagiilosyon sa sinabe ng kaibigan. Balitang balita na nga ang engagement nito sa nobya nitong si Casssandra at ang balita pa na pag uwi ng dalaga ay ikakasal na ang mga ito. Sa isiping yon tila mawawalan na nang pag-asang mapasa kanya pa si Ethan. Dahil di naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gano ito kamahal ng lalaki. Na halos sinasamba na nito ang babae. Na giguilty naman si Chelsea sa tinuran nya sa kaibigan. “psssttt…. sorry na! Ayaw lang kasi kitang masaktan frienny! Alam mong mahal na mahal kita, at ayukong may manakit sayo!” ani Chelsea sa kaibigan. "Sorry na!" dugtong saad nito. “alam ko naman yon! Alam ko namang kahit kilan walang maging katotohanan sa mga pangarap ko! Sino ba naman ako kumpara kay ma’am Kaycee? Ano ba laban ko don?” may lungkot sa boses na nausal ni Akiesha ang mga salitang iyon. “naku Akiesha, sa ganda mong yan? Pareho ang labanan nyo sa hitsura. At aba may ipan lalaban din ang tangkad mo, ang kasiksihan mo. Pera nga lang ang wala ka. at yong ano yong puso ni Ethan na pinag mamay-ari non.” ika ni Chelsea na medyo pabulong pang sinabe ang pinaka huling sinabe. “kaibigan ba talga kita? kaso, binubulong mo lang yang sinasabe mo kaya parang hirap ako maniwalang totoo ka dyan sa sinasabe mo.” kunyaring nag tataka pa si Akiesha habang hinarap ang kaibigan. “Ay OO kaibigan mo talaga ako, matalik mong kaibigan! Kaya nga binulong ko nalang ng masaktan ka at ramdam mo yong sakit at higit sa lahat para magising ka na! mabuti pa yong kape, pwede ka pang ipaglaban sa puyatan, pero yong pagmamahal mo dyan sa Ethan na yan? malabo pa sa maitim na imburnal.” aning huli na pinanlakihan pa ng mata si Akiesha. Alam nyang naka bawi na ito don sa sinabe nya. “kontrabida! Inggetera!” paingos na usal ni Akiesha sa kaibigan sabay tampal nito sa may braso, na ikinagulat ng huli. “Hala sya! Nananakit na? personalan na ang sakitan teh?” kunyaring gulat na turan ni Chelsea sa kaibigang naka ingos. Tatawa-tawa namang bumalik na sa ginagawa nya si Chelsea. Habang ngungurob-ngurob naman si Akiesha sa sariling mesa. Sa di kalayoan naman ay may dalawang pares ng mga mata ang nagmamasid sa dalaga. Animo nag iimbestiga at nag mamatyag sa bawat kilos at galaw nito. Tila pinag-aralan nito ang bawat reaksyon at bawat kibot ng huli. “Shes pretty! I wonder why she hasn’t got a man to keep!” aning misteryosong lalaki na tinutuloy pa din ang pag mamatyaga sa dalaga. “That sexiness! Aaagggghhhh! Does she really know that she could drive a man on that simple turn, on that scrumptious butt…. damnnnn…!” dugtong nito na napa sipol pa ng bahagya. “can’t wait you, to be mine!” tiim ang bagang at nag babaga sa pagnanasa ang masisinag sa mata ng misteryosong lalaki. Tila di naman mapakali si Akiesha sa kinaupoan. Animo balisa itong di nya mawari kung bakit. Ramdam nyang may nag mamasid sa kanya, kaya palinga-linga naman syang sinisipat ang lugar na maabot ng kanyang mga mata. Tila kinabahan syang napaakap sa sarili. Sabayan pa ng malamig na buga ng aircon ng opisina. “pssssttttt…...anyare sayo?” ani Chelsea na naka kunot ang nuo. Napapansin kasi nyang aligaga ito at di mapakali. palinga-linga. “Ha? Ahhhh…parang ano ka..kasi!” medyo utal na sambit ni Akiesha “ano? Parang ano?” lalong nakunot na ang nuo ng kaibigan habang nakatingin sa animo balisang si Akiesha. “Parang may nakatingen sakin kanina pa! Pero di ko makita kung saan at sino!” pabulong na wika ni Akiesha. “susko Akiesha! Napapraning ka lang! Sumama ka na samin mamaya, ng mawala na yang paghihinala mo. Paranoid ka nang masyado. Basta sasama ka! You need a break!” patapos na sabi ni Chelsea. luminga-linga din sya at sinisipat din ang paligid pero wala naman syang nakikita kundi mga kasamahang subsob sa mga ginagawa. Tila animong walang narinig si Akiesha sa sinabe ng kaibigan. Ramdam nya ang bawat pukol ng misteryosong titig na yaon. Di nya lang mahanap kung san nag tatago ang mga yon. Kaya naman napag pasyahan nalamang nyang ipag patuloy na ang ginagawa at iwaksi ang masamang iniisip. baka nga napaparanoid lang sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD