Chapter 4

4781 Words
“Chelsea?” si Akiesha na pumupukaw sa mataimtim na pag muni-muni ng kaibigan. “Are you okey?” dugtong ng huli na may pag-alala sa kaibigan. Habang binigay dito ang tasang may lamang tea. Nasa may garden ito, kaya dinalhan nya ng tea tama lang iyon sa medyo lumalamig na gabi. “Ha?” gitlang pahayag ni Chelsea na ikinagulat nyang bahagya ang pag sulpot ng kaibigan. Sabay bulsa ng tarhetang ibinigay sa kanya ng nobyo. Nais nitong kontakin nya ito para ipa alam ang eksaktong address ng simbahan kung saan sila ikakasal. naisip nyang mamaya nalamang gawin at gising na pala ang bestfriend nya. “Yah! I’m okey!” pilit ang ngiti habang inabot ang tasa ng tea na ginawa sa kanya ng kaibigan. Di parin maalis sa kanyang isipan ang pangalang nakaukit doon. May pagkabalisang humarap sya sa kaibigan. “Beh! May tanong ako sayo!” ani Chelsea na atubili pa sa itatanong nya sa kaibigan. “Ano yon?” naka ngiti pang balik tanong ni Akiesha sa kaibigan “kilala mo na ba lahat ng kaibigan ni----” ani Chelsea na medyo binitin pang banggitin ang pangalan ng taong gusto nitong itanong. “Nino? Sino?” nangunot ang nuong balik tanong ni Akiesha sa kaibigan. “ahhmmmm…. tingen mo kaya magkakilala si Adrian at yong ano----?” di parin matuloy-tuloy na banggit ni Chelsea ang taong tinutukoy nito. Tila alanganin syang banggitin ito sa kaibigan. “Hey! Hey! Relax!” natawang sita ni Akiesha sa kaibigan na tila tensyonado ito at balisang balisa na tila di alam ang sasabihen. “banggitin mo na kasi, Sino ba kasi yong tinutukoy mo? Hmmmm…...si Alexander? Yong ex mo?” panghuhula dugtong pa nya. “No…no..no… it’s not him!” medyo naka ngiwi pa si Chelsea ng banggitin ni Akiesha ang ex nyang puro porma lang ang alam. “ohh…kung di si Alexander, eh sino ba kasi?” ika ni Akiesha sabay sandal ng likuran sa upoan. Ilang minuto din ang lumipas na katahimikan bago nasambit ni Chelsea ang pangalan ng tinutukoy nito. “si Ethan!” ani Chelsea at matamang tinitigan ang kaibigan. “So? Ano naman ang kinalaman ng kumag na yon?” animo nakalunok ng bato si Akiesha bago maka sagot sa kaibigan. medyo nagugulat pa din sya pag ito na ang pinaguusapan. “I just thought so! What if nga lang kasi?” di parin mapakaling turan ni Chelsea. Napatikhim ng bahagya si Akiesha, Napaayos tuloy ito sa pagkaka-upo. at iminuwestra ang mukha na kunyaring hinde na maapektohan. “ahhhh sya ba?…… so what?” sagot nyang medyo pumipiyok pa nga. mukang tatraydorin pa ata sya ng kanyang sarile. “anong so what?” mulagat ang mata na ika ni Chelsea. “si Ethann ang pinag-usapan natin dito my Friend!” tila gulat na turan ni Chelsea na pati ilong ay nanlalaki na din dahil sa pagka dismaya ng sagot ng kaibigan. “Alam ko!” tiim na sagot ni AKiesha at mababanaagan ng kaseryosohan ang tunog ng boses nito. “alam kung darating din yong panahong mag kakaharap kaming muli! But this time? Ibang Akiesha na ang makikilala nya. Di na ang Akieshang nagkakandarapa at baliw na baliw sa kanya. Those painful days thought me so hard, it thought me to be stronger and stand for what I should have done long time ago.” Tiim bagang turan ni Akiesha sa kaibigan, kababanaagan ito ng kaseryosohan. “What about Dalton? Have you thought about it too? what if mag cross ang landas ng dalawa? napaghandaan mo na rin ba ito?” may pag alalang turan ni Chelsea. “He has nothing to do about my son! Alam mo yan Chelsea!” dumilim ang mukhang turan ni Akiesha. “He has no right calling my son His! NEVER!” tiim bagang na dugtong ng huli. “But you know how eager they are di ba? matagal din nila kayong hinahanap, lalong-lalo na si Dalton.” may pangamba paring sambit ni Chelsea dito. “And besides, its in our law! naka indicate sa constitution natin yan. Nakasaad doon: No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws. At alam mong handa silang isulong yon pag nagkataon. And it worried me much! Lalo na ngayon, you came out in the open” dugtong paalala ni Chelsea sa kaibigan ng nag-alala. “alam ko! At handa ako dyan! may panlaban ako dyan, at by any cost lalabanan ko sila. Matagal ko nang pinaghahandaan yan! Don’t worry kung nakaya ko ng matagal na panahon mas kakayanin ko ngayon!” determinadong sambit ni Akiesha sa kaibigan. “And hey! Wag mo ng alalahin yon! Its your big day and I don’t want to ruin the biggest event of your life! Hmmm? Pwede ba yon?” naka ngiting wika ni Akiesha sa kaibigan upang pawiin ang pangangamba nito. Alam nyang nag alala ito ng lubosan sa pag lantad nya ngayon. Kaya bilang regalo na din para dito ay nais nyang mapayapa ang kaluoban nito, lalo na sa mahalagang araw ng buhay na ipagdidiwang nilang may kasamang ngiti at walang bahid na pag-alinlangan. “You truly love me that much?” nangingilid ang mata sa luha ng sambit ni Chelsea sa kaibigan. “And Dalton will be imposed to them? That’s a huge sacrifice Akiesha and it made me so special while doing such bravery!” napahikbi na ngang dugtong ng huli. “kulang pa yan sa mga itinulong nyo samin ng anak ko Chelsea! You and Aunt Belle will always be our family to keep. And everything that’s special to you would be the same to us, come what may!” pag aasurang sambit ni Akiesha sa kaibigan na naging emosyonal na ngayon. “Hey! Bat napaka grumpy mo and then so emosyonal? Ha.ha.ha. Yan ba yong nararamdaman ng mga ikinakasal ha?" pabirong dugtong usal nya para pawiin ang pag alinlangan ng matalik na kaibigan. “Maybe?” pa ingos na impit naman ni Chelsea habang pinapahiran ang mga luhang nag uunahang pumapatak, di parin mapawi ang pangamba at takot na posibleng mangyari na ang kinatatakotan nila. Sinarile na lamang nya ang ibang inisiip dahil alam nyang ayaw na ni Akiesha na mag iisip pa sya mas gustohin na nitong maging masaya nalamang sya sa na lalapit na pagiisang dibdib nila ng nobyong si Adrian. Nginitian nya ang kaibigan sabay akap ng mahigpit dito. Kung ano’t ano man ang mangyayari sisiguraduhin nyang nasa tabi sya ng kaibigan pag kinakailangan, kahit pa hahadlang ang asawa sa maaring mangyari. Malakas ang kutob ni Chelsea na ang Ethan na matalik na kaibigan ng asawa ay ang Ethan na nanakit sa kaibigan at ang dati nyang boss! di nya pa kasi nakikita ito ng personal, kahit noon ay lagi itong wala pag pinapakilala na sya sa tropa ng asawa. Busy daw kasi ito lagi. Malakas na katok sa may pinto ang nag pamulat kay Akiesha mula sa mahimbing na pagkatulog. Pupungas-pungas syang bumangon mula sa malambot na kama. Nasa bahay na titirhan ng kaibigan at maging asawa nito naka tuloy si Akiesha ngayon. Isang linggo nalang ang aantayin at ikakasal na nga ito sa nobyo. Tinungo nya ang pintoan para pag buksan ang kumakatok at pagsinohin na din. Pagkabukas nya’y bumungad sa harap nya ang katulong ng kaibigan. “Good morning po mam Kiesha, pinapagising na po kayo ni mam Chelsea! Mag 9:am na po at baka daw mahuli kayo sa pagsundo kay Senyorito Dalton!” aning katulong. “OMG! Ngayon nga pala susunduin si Dalton! Sige, pasabing maliligo lang ako saglit!” nakangiting sambit ni Akiesha sa katulong. Humayo naman ito para sabihen sa amo ang sinabe ng kaibigan. Nang biglang lumingon uli ito. “Ay mam! Sa may garden daw po kayo mag breakfast kasi dumating po si sir Adrian!” dugtong na sabi ng katulong. Sabay alis. Tila napako sa may pintoan si Akiesha sa pagkarinig ng pangalang binanggit ng katulong, kinakabahan syang di mawari ang mararamdaman. Animo balisa ang isip nya. “Adrian? Si Adrian kaya na nakilala ko ay ang Adrian na maging asawa ni Chelsea?” may pag alinlangan sa isip na sabi ni Akiesha. “How stupid am I! bat di ko kasi natanong noon yong apelyido ng Adrian na yon.” bulong na ika nya. Napailing nalang si Akiesha at mariing pumikit para ewaksi sa isipan ang paghihinalang nabuo sa isip. At mabilis na kumilos ng masagi sa isip ang mukha ng anak. Mag tatatlong linggo na ding di nya nakasama ang anak, kaya may pananabik syang mayakap at mahagkan ito. Namiss nyang subra ang katabilan at pagka mausisa nito. Pahablot nyang kinuha ang tuawalya at tinungo na ang shower room. Isang bestidang aquamarine ang isinuot ni Alyssa na bumagay ng husto sa balingkinitang katawan. Lalong tumingkad ang maputi at makinis nyang balat. Sa sinusuot na bisteda. Mula ng manganak sya kay Dalton ay natoto na syang pangalagaan din ang sarile. Kung di rin dahil sa kaibigang si Paul Andrie di sya matoto na magayos nang pananamit at mga ka ik-ikan sa katawan. Sabik na din syang makita at mayakap ito. Kasabay nito si Dalton na darating sa araw ding yon. Nang matapos maka pag lagay ng lip balm ay sinipat sa huling pagkakataon ang simpleng ayos pero sopistikada ang dating na ootd nya kumbaga. Ng makuntento ay tinungo na nya ang pintuan para samahan na ang kaibigan at nobyo nito ng breakfast sa may garden. Tumatambol sa kaba ang naramdaman nya habang binabaybay ang pathway ng garden. Bat bigla syang nakaramdam ng kaba at takot? Pano nga kung tama yong hinala nya noon pa man? Nang sa di kalayuan ay natanaw na nya ang kaibigang kumakaway na sa kanya habang sa harapan nito na nakatalikod sa kanya ay isang lalaking sa hinala nyay nasa 6” feet ang tangkad dahil na din sa taas nito habang naka upo. Clean cut ang buhok na nakikita nya habang naka talikod. Palapit na sya ng palapit ay kumakaba pa din ang kanyang dibdib. Ng biglang lumingon ang lalaking naka upo habang naka ngiti. Tila parang pinako naman ang mga paa nya sa pagkahinto ng makita ang mukha at makilala ang lalaking nobyo ng kaibigan. Parang pinagbagsakan ng madilim na ulap ang mukha ni Akiesha sa pagkakataong iyon. Napatayo naman si Adrian at nawala ang mga ngiti sa labi ng mapagsino ang babaing matalik na kaibigan ng mapapangasawa. “Oh my God! Don’t tell me...?” si Chelseaa na napatayo na din at napahawak sa may dibdib. “A…Aaaa...Akieshaaa? Is that you?” di maka paniwalang usal ni Adrian na animo di narinig ang nobya sa usal nito. “A..Adrian?” balik tanong ni Akiesha dito. “Oh my God! It’s you!” may galak na sa mukhang turan ni Adrian kaya naman di nito maiwasang di Akapin si Akiesha na animo itinulos na kandila sa kabiglaan. “Oh my…...we we’re searching for you! Kaso di ka namin makita! Look at you! you look so great and charming!” dugtong pa nito. Sabay kalas sa pagka akap at sinipat uli si Akiesha para makasigurong ito nga ang hinahanap nya noon pa. “Akiesha?” si Chelseaa na may lungkot na ngayon sa mga mata at naiiyak, mababanaagan na din ang takot sa mukha nito. Na syang ikinabahala naman ni Adrian at Akiesha. mabilis lumapit si Akiesha sa kaibigan at inakap ito, alam nyang mula nang nag uusap sila ay di parin maalis dito ang isiping kinatatakutan din nitong mangyari. att ito na nga. heto na nga at nangyayare na! “Shhhh…Shhh…! its okey! Di ba sabi ko naman sayo?” amo ni Akiesha sa kaibigan para pawiin ang pangangamba at takot nito. “You don’t have to worry! Napag usapan na natin to di ba?” dugtong nyang sabi. “Honey! Please be calm!” si Adrian na nabahala sa inaksyon ng nobya. “let’s talk about this okey? Don’t be upset! Si baby? Remember? baka mapaano yong baby natin.” dugtong alo pa nito. Sabay alalay sa nobya para umupo. “and so this is it! Its really happening now! Yo....yoonng kutob mo at kutob ko Akiesha, yong kutob nating dalawa ay ito na nga! makatotohanan na!” Ani Chelsea na nanlilipospos. “Adrian, honey! You don’t know how much it takes us to keep them safe! Keep them away from the Vergara! ” may diin sa boses na sambit ni Chelsea sa nobyo. “how am I so blind and so naïve about this? Bakit kasi di ko sinunod yong intuation ko” dugtong nito na tuliro na din. “honey, you don’t know kung panong kahihiyan at hinarap ang pinagdaanan ng kaibigan ko dahil sa nagawa ng kaibigan mo. Wala syang karapatang saktan ang kaibigan ko pati na ang inaanak ko. Napaka hayop nya para talikuran yong kasalanang nagawa nya kay Akiesha. A...aat mas wala syang karapatang hanapin ang mga ito, tinakwil na nya at tinalikuran ang kaibigan ko, taposs.....tapoosss hahanapin nya, gugulohin nya kung kilan ok na ang kaibigan at inaanak ko! galit ang maaninag sa mata at boses ni Chelsea na animo si Adrian ay si Ethan. Habang naka masid lang si Akiesha sa dalawa. Napa upo sya sa upoan dahil any moment ay pakiramdam nyang babagsak sya sa kinatatayuan. Biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod nya para suportahan sya sa pagkatayo. Mariin naman nyang naikapit ang mga kamay sa upoan tanda ng bugso ng nararamdaman sa pagkakataong yon. Five long years! At ito na nga mangyayari na ang kinatakutan nya. Handa na nga ba syang talaga? O kinakaya nya lang at nag sisinungaling lang sya all this time. “Honey, I know! Kaya naman hinanap ko din si Akiesha noon! isa din ako sa nais makitang muli si Akiesha” si Adrian mababanaag sa pagmumukha nito na may mabigat ding dinadala. Lumingon ito kay Akiesha at panikluhod na nakayuko ang ulong huminge ng tawad. “Akiesha! I’m so sorry! So sorry dahil sa katangahan naming mag babarkada napahamak ka pa! kung alam ko lang na mapapahamak ka ay di na ako pumayag pa.” maaninag sa mukha nito ang subrang pagsisisi. “alam kong di mo kami mapatawad sa nagawa naming kasalanan sayo. at alam kong walang kapatawaran ito, Pero sana hayaan mo akong mabayaran ang pagkakasala ko sayo!” ani Adrian na nag sumamo sa dalaga. Nagulohan namang naka tingen sa kaharap si Akiesha. Ikinagulat nya ang pag panikluhod nito habang humihinge ng kapatawaran. Si Ethan ang may kasalanan sa kanya pero bakit si Adrian ay umastang parang napakalaki kasalanan din nito. Napa tanga din si Chelsea sa ginawa ng nobyo. Nagulohang pinag palit palitan ang tingen sa nobyo at sa kaibigang nagugulomihan din. Naintindihan naman ni Adrian ang kalitohang nakikita nya sa pagmumukha ng dalawa kaya kusa syang humayo at hinila ang upuan palapit sa dalawa. “I know it would sounds so unfair and hurtful! But I want you both to listen. I know it would be too much to bare pagmalaman nyo ang katotohanan sa likod ng pagkakamali naming ito. Kaya ngayon palang nagsusumamo ako ng kapatawaran sa inyong dalawa!” hirap ng kaluobang wika ni Adrian. Ikinuwento nya ang lahat lahat sa dalawang babaing maging parte na ng kanyang buhay kung papalarin sa ngayon. Dahil alam nyang napaka laki ng pagkakamaling nagawa niya dahil nahuhulog na kasabwat sya sa nangyari noon kay Akiesha. Gulat na gulat naman si Chelsea sa narinig, napatotop ang mga palad nito sa bibig na animo pinipigil ang paglabas ng mga salita na gustong sumambulat. di nya akalaing may parte ang nobyo nya sa nangyare sa kaibigan. napahagulhol na si Chelsea dahil sa subrang awa sa kaibigan. lalo nyang naramdaman ang sakit na dulot nito dito. Napapikit naman si Akiesha. Kung masakit man ang naramdaman nya noon mas triple pa ngayon. Ang inaakala nyang kahit kunti ay may pagtingen sa kanya si Ethan na kahit papano ay naging espesyal din sya para dito ay maling mali pala. Lahat ng inaakala nya ay parang bulang hinipan ng masamang hangin. Dahil lang sa pustahan kaya sya pinansin, pinatolan at naangkin ng lalaking minahal nya ng higit pa sa buhay nya. Isa sa inaakala nyang dahilan ay si Cassandra, kaya mas pinili ito ni Ethan, iyon pala ay talagang hinding-hinde sya pipiliin kahit ang anak nya dahil pinagpupustahan lang pala talga sya. May pait naman sa mukha ang maaaninag kay Adrian habang nakatingen kay Akiesha na nahihirapan, at alam nyang mas lalo pang nasasaktan ito dahil sa pagbubunyag nya ng katotohanan. Kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan ginawa na nya. Kaya naman sya napapayag noon sa kadahilanang si Akiesha ang tipo ng babaing di madaling bumigay kahit gano pa ka gwapo yong iharap mo. Nakita nya ito noon. Noong pilit itong kilalanin ni Henrich. Nakita nya na pasuplada at pagsupalpal nito sa kaibigan. ang bawat pang pepresko ng kaibigan kay Akiesha ay walang lagpas dito. Na kahit anong gawin nito ay di ito natinag sa estado ng kaibigan. Si Henrich ay sunod kay Ethan na matinik sa tsik sa kanilang mag babarkada kaya naman na surpresa sya sa inasta noon ni Akiesha dito. Tumaya sya dahil malaki ang tiwala nya sa dalaga. Kaya laking gulat nya ng ibalita sa kanya ng tropa na talo na nga sila at naging fling na nga raw si Akiesha ni Ethan. at na close na ang tayaan. Nasa Australia sya noon nang ipalam sa kanya ang balita. Kaya naman nong umuwi sya’y nalaman nya ang lahat lahat mula din kay Ethan, lalo na nong nasambit nitong nag dadalantao si Akiesha. Mula noon parang nakonsensya din sya sa ginawa dahil may isang inosenteng bata na ang madadamay. Isa din sya sa nag hire ng detective para lang malaman ang kinaroroonan ni Alyssa sa mga panahong yaon. Pero ilang taon na ang lumipas ay di pa din matonton si Akiesha at ang anak nito. Kaya naman laking gulat nyang kung kilan ikakasal sya ay saka nya makita itong muli. at ito pala ang Akiesha talagang kaibigan ng mapapangasawa. “I never meant any harm at that time Akiesha.” Ani Adrian na lumong lumo. “God knows how I felt so bad sa nangyari sayo. Kaya ako pumayag dahil alam kong di ikaw ang tipong ganong klase ng babae. At pinatunay mo yon don kay Henrich! Tumaya ako sayo Alyssa. dahil alam kong naiiba ka, dahil naniwala ako sayo!” Dugtong pa nitong sabi at Bukal sa luob na saad ni Adrian. Di naman maka sagot si Akiesha. Ramdam pa din nya ang sakit na dulot ng nalalaman. Tumikhim si Chelsea. Na ikinalingon ni Adrian. “Di ko alam kung may kasalan pang mangyayare!” tiim bagang na sabi ni Chelsea na ikinagitla ni Akiesha at ikinapanlulumo ni Adrian. “alam mo kung sino si Akiesha sa buhay ko. Sya nalang ang meron ako ngayon! Kaya di ko matanggap na isa ka sa dahilan kung bakit nasira ang buhay nya noon! at di ko rin kakayanin makasama ka na iisipin kong isa ka sa naging dahilan ng kasawian ng kaibigan ko!” dugtong nito na may lungkot sa boses na mababanaag. “Honey! Pleaseee…. wag naman! huwag naman sa ganitong paraan. Honey alam mong hinde ko kakayaning mawalay sa inyo ni baby!” nagsumamong nanikluhod na usal ni Adrian. “Akiesha please! Gagawin ko lahat! Alam kong di ko maibalik ang nakaraan…pero sabihen mo lang gagawin ko lahat lahat! pakiusapan mo si Chelsea na wag namang gawin sa akin to! promise Akiesha lahat-lahat ay gagawin ko makabawi man lang ako kahit papano.” malungkot na mutawi ni Adrian na puno ng pag-samo ang boses. habang buong pakumbabang huminge ng tawad sa dalaga. nanikluhod ito sa dalaga at nagsusumamo. Ngilid na ang luha sa mga mata ni Akiesha. Nag hahalo na ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Di nya alam kung pano umasta. Ayaw nyang masira ang kaligayahan ng kaibigan na handa naman nitong gawin lahat para sa kanya. Napatingen sya sa kaibigan na desidido na din sa naging desisyon nito. Nanlumo naman ang pakiramdam nya. Tinimbang nyang maigi ang naramdaman. May kasalanan si Adrian OO pero may rason naman ito, kung tutuosin sya pa nga ang nagsira sa paniniwala nitong iba sya sa mga babaing nakilala nito. Na naiiba sya sa mga babaing nadadala sa anyo at may panindigan. siya ang nagkamali ng pagkakilala nito sa kanya. Adrian lay his card dahil naniniwala ito sa kanya. but she totally failed him. “alam mo ba kung bat ako pumayag non kay Ethan Adrian?” garagal ang boses habang sinasabi ito ni Akiesha. “Kasi mahal ko sya noon pa man. Subrang mahal na mahal ko sya na kahit isang tingen nya lang ay masaya na ako. Na masilayan ko lang ang mga ngiti nya’y iniisip kong nasa langit na ako ng mga panahong yon. Minahal ko sya kahit hinde nya alam. Minahal ko sya ng subra subra, sya yong ginawa kong mundo, kaya subrang ligaya ko nang pinagtuonan nya ako ng pansin. naging bulag ako sa sarile kong emosyon, masyado akong nagpapadala sa nararamdaman ko.” dugtong nito sabay punas ng mga luha. “Kaya subrang tuwa ko nang binigyan nya ko ng pansin. Inakala ko kahit papano ay may naramdaman sya para sakin. Nong gabing ipinagkaluob ko sa kanya ang sarile ko ay yon din ang gabing sinambit nya ang pangalan ko at ramdam ko ang pag sabi nya ng I LOVE YOU!” mapait na ngiti ang masisilayan sa maamong mukha ni Akiesha. “kahit alam kong mali. Binigay ko pa din ang lahat lahat sa kanya dahil sa isip at puso ko, wala na akong nanaisin pang iba, na wala nang papalit pa sa kanya dito(sabay turo sa dibdib) sya lang! Tanging sya lang ang nag mamay-ari nito. pero ang sakit pala, ang sakit-sakit na malaman mong hinde ka kayang panindigan ng taong minamahal mo ng subra-subra!” ani Akiesha at paimpit na iyak ang namutawi sa kanyang mga labi. “pero mali pala! Lahat ng iniisip ko ay ilusyon lang palang talaga, kasi isa lang akong LARUAN sa paningin nya. pero nagpapasalamat pa din ako sa kanya kahit papaano.” nanlulumong dugtong ni Alyssa, ngunit kabakasan ng poo’t galit ang bawat katagang binibitawan. "Dahil binigyan nya ako ng dahilan para mabuhayng muli, na mabuo muli ang pagkatao ko na mas matatag at mas malakas para lumaban sa hamon ng buhay." dugtong nyang saad. Mabanaag naman ang panghihinayang si Adrian. Paghihinayang na kung sana sa mga panahong iyon ay prinotektahan na lang sana nya ang dalaga. Nagsisisi sya kung bakit pa nya hinayaan ang pustahang yon. Tumayo at inakap ni Chelsea ang kaibigan. Ramdam nya ang sakit at pait na namutawi sa mga labi ng nito. Napaiyak ito habang akap-akap ito sa may likuran. Alam nyang hanggang ngayon ay mahal pa din nito si Ethan kahit tinatago lang nito ang katotohanan, dahil saksi sya kung gano ito ka baliw at nagpakabaliw dito. Di nya alam kung ano ba talaga ang meron sa lalaking yon at ganon na lamang ang pagkaluko ng kaibigan dito. Testigo sya sa mga panahong iyon. Kung pano naging mesirable ang buhay ng kaibigan. Andon sya at dinig na dinig din nya ang mga salitang binitiwan ni Ethan dito, Na kahit sinong babae ay di kakayaning tanggapin ang mga mapapait na salitang binitawan noon ng binata. Nag flash back kay Chelsea ang lahat. “Akiesha! Kaya mo to! Kakayanin natin to ha!” ani Chelsea na inaakap ang kaibigan sa gitna ng malakas na ulan. Ramdam nya ang sakit at hapdi na dinaramdam ng kaibigan sa pagkakataong iyon. “andito lang kami ni mama para sayo! Kahit kilan ay di namin kayo papabayaan! Ssshhhhh…...shhhh… tahan naaaa…!” napaiyak na ding usal nya. Awang awa sya kaibigan. “Aaaaaahhhhhhhh……Eeeeeettthhhaaaaaannnnn…...napakaaa walang hiyaaaaa mooo……...sinusumpa kooooooo…... di mo na ako muling masasaktan! isinusumpaaaa kooooo!!!!” sigaw ni Akiesa habang dumadaloy ang luha sa mga mata. “sinusumpa kong kahit kilan may di mo makikita ang anak ko! Sinusumpaaaaaa koooo yaaannnnn…napaka hayooooopppp moooooo!”dugtong na sambit ni Akiesha. "Pagsisisihan mo ang lahat ng itooo...isinisummmmpaaaa kooo yaaannnn.... hayyyoooopppp kaaaa!" “shhhhhh…shhhh…. tahan na!” pang aalo ni Chelsea. "Tahan na Akiesha....kakayanin natin to! andito lang kami ni mama para sayo!" dugtong nito na sinabayan na ang pag-iyak ng kaibigan. “Ano bang kasalanan ko Chelsea? Bakit napaka ilap sakin ang maging masaya? Lahat nalang kinuha nya sakin! lahat nalang pinaparanas nya sa akin......” mababakas ang pait at siphayo sa mukha ni Akiesha. “kasalanan ko bang mahalin sya ng subra ha? Mali ba akong mahalin sya? mali bang mag mahal? Chelseaaaaa, bakit ganoooonnnn? Bakit ayaw nya akong maging masaya? Bakit ako ang pinaparusahan nya? Anong kasalanan ko? At winasak nya ng husto ang buhay ko? ganoon ba ako kasama para iparanas nya sa akin itooooo?” hilam sa luhang usal ni Akiesha. Kabanaagan ito ng pag suko sa tinamong siphayo. “wala kang kasalanan! Shhhh…shhhh…!” si Chelsea na damang dama ang sakit na naramdaman ng kaibigan. “Lahat ng ito’y may dahilan Alyssa. Maging matatag ka at manalig, para sa sarili mo at lalong lalo na sa maging anak mo” dugtong na ika ni Chelsea sa kaibigang nawawalan na ng pag-asa. "Ayuuuukkkoooo na Chelseaaaa....pagod na akooooo!" nanlulumong ika ni Akiesha.....na tila hirap na hirap na...... Tanging malakas na ulan lamang ang naging saksi sa kalungkutang lumulukob sa pagkatao ni Alyssa. Pagka awa naman ang naramdaman ni Gia para sa kaibigan. Na mula din noon ay isinumpa nya ang lalaki sa isipan. “Gia! Thankful ako kasi andyan ka lagi sakin, samin ng anak ko! Kaya I can’t take kung pati kaligayahan mo’y mawala!” si Akiesha na bumasag sa pagbabalik tanaw ni Chelsea sa nakaraan. “You deserve to be happy! And Adrian is here to pursue that happiness.!” naka ngiti ngunit mabanaag pa din sa maamong mukha nito ang sakit ng nadarama. “Akiesha!” medyo nagulat naman si Adrian sa sinabe ng dalaga. at tila may namuong pag-asa sa puso nya. “Yes Adrian! You both deserve to be happy!” ani Akiesha. “I just want you to promise me one thing!” dugtong pa nya. “ano yon Akiesha?” balik tanong ni Adrian dito. “Promise me that you will never turn your back on her, that you will love her with all your heart! Don’t let your love be faded just because you’ve seen her in weaker days. Pag nagawa mo yan, isipin mong napatawad na kita ng husto” pilit man ang ngiting namutawi sa labi ni Akiesha ay mabanaagan naman ito ng kaseryosohan sa bawat salitang binibigkas. Lubha namang na touch si Chelsea sa tinuran ng kaibigan. Subrang appreciated nya ang ginawa nito. Na kahit subrang sakit para dito nang malaman ang tunay na dahilan ng kanyang kalungkutan at pasakit ay nakaya pa din nitong magparaya para sa kaligayahan ng nya. “I promise! And please Akiesha, ituring mo din sana akong hinde na iba sayo. Hayaan mong punan ko sa paraang nais ko ang mga kasalanang nagawa ko.” nagsumamong usal ni Adrian. “You don’t have to!” ani Akiesha na ngayo’y unti-unti nang na e compose ang sarili. “kasi kahit di mo sabihen, you are warmly welcome sa family namin ni Chelsea” dugtong niya sabay abot ng kamay ng kaibigan. “Salamat! But I insist! Hayaan mo sanang maiparamdam ko sa anak mo na pwede nya akong maging ama! Yon ay kung papahintulotan mo ako, at sayo din Honey!” ani Adrian, sabay tingala sa nobyang na naka akap sa likuran ng kaibigan nito. Naka ngiti naman si Chelsea kahit hilam na ang mga mata sa luha. This time may naramdaman itong saya sa tinuran nang nobyo. Alam nyang maging mabuting ama ito sa anak nila at kay Dalton. Ngiti naman at tango ang tugon ni Akiesha ng makitang masaya ang kaibigan sa gustong mangyari ni Adrian. Di naman maipinta sa kagalakan ang mukha ng binata ng makuha ang pagsang-ayon ng dalawang babaing mula sa araw na ito ay maging parte na ng buhay nya. Kaya naman humayo ito at sabay na niyakap ang dalawa at kinitlan ng halik sa nuo si Akiesha bilang tanda ng respeto at pagmamahal nito bilang kapatid. At sa labi naman ng babaing maging ilaw ng kanilang tahanan at ina ng kanyang mga anak. Kahit ganon pa man ang nangyari, masaya na rin ang dalawa alam nilang mula sa araw na yon, maging kakampi na nila si Adrian sa pagharap ng kinabukasan. Hilam na naman sa luha ang mga mata, pero ngayon kasiyahan na ang dahilan, ramdam yon ni Akiesha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD