Isang tawag ang nag pagising sa tatlong masayang nag-aakapan. Phone ni Akiesha ang tumunog, dinampot nito ang telepono at pinahid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisnge.
“Helloo?” suminghot-singhot pang turan ni Akiesha.
“Akiesha! Where are you? We’ve been waiting here for almost an hour!” aning sa kabilang linya.
“Paul Andrie?” tila gulat na saad naman ni Akiesha.
“Who else could it be?” tila natawa namang sabi ng nasa kabilang linya. "O baka naman may iba kang inaantay na darating, kaya di mo kami naalala ng junakis mo? hmmm?" pagbibirong dugtong nito.
“Ohhhh…Shhhiii…!” gulantang na sabi ni Akiesha na di natuloy ang sasabihen dahil nag warning word agad ang nasa kabilang linya.
“Watch your word Lady! Your son is hearing it! ito nga at di na mapakali sa kakakulit sa akin kung nasaan na nga ba ang mommy nya, if nakalimutan na ba daw sya nito.” si Paul Andrie na natawa na sa ngayon. Ng biglang sumingit ang malambing at boses ng isang batang lalaki.
“Mommy? moooooommmmmyyy…Mommy…I miss you… pleaseeeeee fetch me uppppp....” aning batang umagaw sa atensyon ni Akiesha
“Dallltooonnn! Babyyy! I miss you more darling!” may pananabik sa boses na usal ni Akiesha sa bata. “Wait for me in a bit baby! I'll be there, with your tita mommie ok? See you soon sweetie, I love you!” dugtong pa ni Akiesha.
“I love you more mommy! See you! pleaseeee....pleeeasssseee ......” sagot naman ng paslit. “make it fast, cause I’m missing you so much and I’m hungry!” pahabol pa nito.
Marinig naman ang pagsabi ni Paul Andrie na pakainin na muna nya ito habang inaantay ang pag dating nila Akiesha.
Napalingon naman si Akiesha hinahanap nya ang kaibigan na tila kidlat nanawalang bigla sa tabi nya maya-maya lang ay nakita nyang nag madali na din ito sa pag-ayos. Sumigaw pa ito sa katulong na kunin ang bag nya. Nahinto lang ang mga ito ng mapansin si Adrian na naka tayo lang animo may inaantay. hinde nito alam ang gagawin, tila nahihiya itong sumabay sa dalawang babae.
“Honey? hoyyyy....Okey ka lang ba?” tanong ni Chelsea sa nobyo, habang may hinahalungkat sa bag nya.
“yaaaaaah! I am ok hon!” balik sagot naman ni Adrian dito.
“Then? Bat naka tayo ka pa dyan? Ayaw mo bang ma meet ang inaanak/maging anak-anakan mo? naka tayo ka lang dyan aba'y kilos-kilos kung ayaw mong masermonan din ng inaanak mo!” si Akiesha. Na gets nya agad na nag aantay lang si Adrian na ayain ng dalawa na isama sa pag sundo sa batang mag uugnay sa mga ito.
Matamis na ngiting naman ang nakapaskil sa labi ni Adrian. Di mapawi ang tuwang nadarama ni Adrian ng masiguro nitong isasama sya sa pagkaon sa bata, at higit sa lahat ang pag tanggap ng dalawa na maging ama sa anak ng matalik na kaibigan ng maging kabiyak nya. Kaya naman dali-dali nitong kinuha ang kotse para sunduin na ang bata. medyo teary eyed pa nga sya, at dagli lang syang napatawad ni Akiesha sa kasalanan nya dito. palihim nyang pinahid ang namumuong luha sa kanyang mga mata. sinusumpa nyang wala nang sino man ang mananakit dito. kahit na sino man, kahit ang matalik pa nyang kaibigan. maliban nalang kung kakitaan nya ito ng lubos na pagsisisi at bukal sa kaluoban.
NAIA 3 ang binaybay nila kung saan naroon ang anak ni Akiesha. Kalahating oras din ang tinakbo ng sasakyan nila bago makarating sa airport. Dinayal ni Alyssa ang telepono para tawagan si Paul Andrie para ipaalam na nasa waiting area na sila. Sinabe naman nitong palabas na din sila at katatapos lang din nilang kumain. Nasa CR lang daw sila ni Dalton at nag huhugas ng kamay at nag jingle ang bata. mga ilang minutes lang daw at nasa labas na sila.
ilang minuto nga naman ang lumipas ng pag-aantay nila ay tanaw ni Akiesha sa may di kalayuan ng EXIT ang isang lalaking nasa 6’2” ang tangkad, matipuno ang pangangatawan, halatang alaga ng gym. Naka shade ng black na lalong nag bigay daan sa kagwapohang taglay nito. Maputi din ang lalaki, bumagay dito ang suot na black and white na polo shirt at tinernohan ng itim na pantalon. habang tangan naman nito sa kabilang kamay ang isang 5 year old na batang lalaki, maputi, may tsinitong mga mata, mapupulang labi na binagayan ng makakapal na kilay na animo hinulma ng maayos, naka polo shirt na black din ito with dark blue fitted jeans at mike jordan shoes na halatang mamahalin. Napaka gwapo nitong pagmasdan sa suot nito, animo ito ang batang modelo na nakapaskil sa mga billboard. Mapagkamalan mo pa itong may lahi at mag-ama ang dalawa.
Umani ng mga papuri ang dalawa sa twing mapadaan sa mga kadalagahan at mga kababaihan. Napagkamalan nga ang mga ito na mag-ama sa ayos at porma na walang kinabig-sabihen na magkapareho nga ang mga ito. may narinig pa nga si Paul Andrei na nag "SANA ALL" na ganon daw sana itsura nito kung di lang daw ito napasma. napangiti lang ng lihim si Paul Andrei. Proud syang tawaging ama ng batang ito, sino ba naman ang hinde? sa itsura at taleno palang ng batang ito ay palakado na sa panalo. ngingiti-ngiting inapuhap ni Paul Andrie ang ulo ng bata at tuloyan nang tinalunton ang lugar kung saan nag aantay na sa kanila si Akiesha.
Kinawayan ni Akiesha ang kinaroroonan nila Paul Andrie at Dalton. palinga-linga pa nga ang mga ito, ng makita naman sya ay gumanti ng kaway si Paul Andrie at napatalon naman sa tuwa ang bata nang makita ang ina at patakbong sinalubong na niya ito.
“Mommmmmyyyyy!” sigaw at kumaripas na ng takbong saad ng bata sa ina, Na agad namang sinalubong ni Akiesha, inakap nya ito ng mahigpit at pinupog ng halik sa subrang kasabikan. Naka buntot naman si Paul Andrie na hila-hila ang mga bagahe ng mga ito.
“Finally! You’re here!” naka ngiting bungad ni Paul Andrie kay Akiesha.
“Paul Andrie!" si Alyssa na naka ngiting umaakap dito. Animo nag lalambing pang nakayapos sa lalaki. at tila ngumunguso naman ito na nag tatampo sa tagal na pagdating ng dalaga.
“Babe! sorry na! Babawi nalang kami sa inyo!” may paglalambing pa ding turan ni Akiesha sa lalaki. Na ikinangiti naman nito ng todo.
“okey! Okey! Ano pa nga ba? Kilan ba ako nanalo sayo babe? di ba sa ating dalawa ikaw tong laging panalo at ayaw magpatalo?” anitong niyapos na din si Akiesha at hinalikan ito sa nuo. Napatigil ito ng makita si Chelsea.
“Chelsea? is that you? Oh my! You look amazing sweetie!” ani Paul Andrie sa dalaga sabay lahad ng mga bisig hudyat ng paanyaya ng yakap para dito, na masaya namang tinanggap ito ni Chelsea.
“Paul Andrie......! At long last nag kita din tayo in person! and if I don't know about you? pag-iisipan kita ng kakaiba.” si Chelsea na gumanti ng akap dito at tumatawa. "Baka ibinuyo ko na tong kaibigan kong totohanin mo na" dugtong biro naman nito.
“Ayyyyy.......sa asta nyang kaibigan mo? matagal na akong minomolestya nyan......yah! At long last nagkatagpo din tayo!” ani Paul Andrie na umakap ng mahigpit kay Chelsea. “By the way Congratulation sweetie!” dugtong ng huli.
"Hooooyyyyy! grabe ka sa word na pang momolestya.......if I know mas bet mo kagandahan ko!" pagbibirong ika naman ni Akiesha na umakap sa kaibigan.
kinutosan naman ito ng lalaki ng marahan at tumawa.
“Oh, thank you Andrie......! By the way this is Adrian! My soon to be husband!” pakilala ni Chelsea sa katabing lalaki.
“Adrian.....? As in Adrian?” medyo na gulomihanang tanong ni Paul Andrie na napatingin sa katabing si Akiesha.
“uhhhmmmmmm!” si Akiesha na tango ang sinagot pabalik sa lalaki.
“Oooohhh! H--Hii!” ani Paul Andrie na inilahad pa ang mga palad para makilala si Adrian. “Nice, Meeting you dude!” dugtong nito ng tinanggap ni Adrian ang pakipag kamay dito.
“Same here bro....!” aning naka ngiting Adrian.
“I hope it would never be a hindrance sa paging maging pagkakaibigan din natin soon” dugtong pa ni Adrian na medyo alanganin kung tatanggapin din ba nito tulad ng pagtanggap nila Akiesha sa kanya.
“Oh! No problem dude! As long as masaya si Akiesha and Chelsea…doon tayo”. matamis ang ngiting ipinagkaluob ni Paul Andrie sa kaharap sabay akbay kay Akiesha at halik sa noo nito.
“that was so sweet Paul Andrie.....! And thank you for being there sa sisteret ko!” si Chelsea na overwhelm sa ginawa ni Paul Andrie.
”Its my pleasure and my duty Chelsea! And you don’t have to thank me! You don’t know how much they mean to me!” sagot naman ni Paul Andrie sa kaibigan. Sabay sulyap kay Akiesha na noo’y ngiting-ngiti. At palihim na kinukurot ito sa tagiliran.
“okey! Tama na yan at may bata nang naka simangot satin!” pagpuputol ni Akiesha sa mga kaibigang napasarap ang kwentohan.
Ikinalingon naman ng lahat sa poging bata na bahagyang naka simangot dahil walang naiintindihan sa pinag-uusapan nila. nakahalukipkip ang dalawang braso nito sa may dib-dib at matangang nakamasid sa mga ito.
“Ha.Ha.Ha you’re so cute Dalton!” ani Chelsea na umupo pa nga para lang mag pantay sila ng bata.“Are you tired honey?” dugtong tanong pa ni Chelsea dito.
“Nope TitaNinang Mommy! I just can’t understand what you’ll talking about.” Ani DAlton na pinag salubong na nga ang makakapal na kilay.
Bahagya namang napahinto at nagulat ni Adrian sa sa nakitang anyo ng bata. Nakikita nya kasi dito ang itsura ng ama sa twing nabubugnot o naaasar na ito. Ganyang ganya ang itsura ni Ethan. Manang mana talaga ito sa ama lahat ng features ng kaibigan ay nakaukit sa mukha ng batang kaharap. Di nga maipagkailang anak nga ito ng kaibigan. Lalo na ng makita nya itong ngumiti sa sinabe ng kasama nitong lalaki.
Napalatak si Adrian, little Ethan Eziekel Vergara yon talaga agad ang iisipin ng mga nakakilala sa kaibigan. di maikailang tila pinagbiyak na bunga ang dalawa pag tinambal mo.
“Hon? Are you okey? bakit parang nakakita ka ng multo sa asta mong yan.” si Chelsea na pumukaw sa saglit nyang pananahimik.
“Huh? Ahh…yah! I'm ok, hon!.....Naisip ko lang na….” sagot ni Adrian sa soon to be bride nya. "Hawig na hawig nya si......." dugtong nito na di matuloy-tuloy ang sasabihen. napatingen din ito kay Akiesha.
“ I know what you’re thinking Honey! But just keep it for your self!....walang alam ang bata, kaya keep quite pleaseeee.....” ani Chelsea na ngumiti ng matamis sa nobyo. Na ikinatango naman ng huli para sa pag sang-ayon sa gusto nitong mangyari.
Di naman nakalagpas kay Alyssa ang taimtim na titig ni Adrian sa anak nya. Wala namang dudang parang pinagbiyak na bunga ang dalawa pag pinag tabi mo. But thankful pa din sya at walang binanggit ang huli na pwedeng maka trigger at maaring makapagpagulo sa isipan ng anak nya.
Ngayon palang ramdam na nyang ilang araw nalang ay mangyayari na ang kinatatakotan nyang mangyari. Handa na nga ba sya? Handa na ba syang humarap sa mga Vergara? handa na ba talaga syang kayanin ang posibilidad na malalaman na ng anak nya ang matagal nang inilihim nya dito?
Isang mahigpit na pisil sa balikat ang naramdaman ni Akiesha mula kay Paul Andrie, hudyat ito na e relax nya lang ang sarile at magtiwala lang sa sarile na makayanan nya ang lahat. at andyan lang sila na aagapay at susuporta sa mga desisyon nyang gagawin. ngumiti sya dito at humilig sa kaibigan.
“Akiesha! Kaya mo to! And You have to! 5 years is long enough to overcome such fears! Bare in mind hinde ikaw ang may kasalanan dito, and you have to face the consequences, this time be brave and fight for your son! fight for your self and for your honor! You’re a different women now, strong, firm and determined! Ipakita mo kung ano nag pinakawalan ng lalaking minahal mo, here you are more braver than he think! and more powerful than ever! andyan sila, mga kaibigan mong susuporta sa lahat ng gagawin mo, just be brave at lumaban nang ayon sa pagkakaalam mo!” pang aalo ni Akiesha sa sarile.