Tahimik na nakaupo si Sonia habang hinihintay na magsimula ang recording ng TV program kung saan bisita ang kanilang grupo nang maramdaman ang pagdampi ng kung anong malamig at basag bagay sa kanyang pisngi. Awtomatiko siyang ngumiti nang malingunan si Tora.
“You’re here,” wika niya. Bakas ang saya sa kanyang boses. “Anong ginagawa mo rito?”
“May recording kami sa kabilang studio,” sagot nito. Umupo ito sa kanyang tabi at saka iniabot sa kanya ang isang soda bottle. Iyon ang malamig na bagay na dumampi sa pisngi niya. “Bumibili ako sa vendo machine nang matanaw kita dito. Bakit ikaw lang mag-isa? Nasaan sina Sofia at Keene?”
“Inaayusan pa ni Heart si Keene. Si Sofia naman kasama ni Camilla at nag-uusap tungkol sa susunod naming schedule.” Binuksan niya ang hawak na bote at saka uminom doon. “Nagpaalam ka ba kay Saga na lalabas ng studio para bumili?”
Kumunot ang noo ni Tora. “Kay Saga? Hindi. Sa manager namin ako nagpaalam. Teka, bakit naman ako magpapaalam sa isang yun?”
“Baka kasi hanapin ka na naman niya.” Pumalatak siya. “Ikaw, hindi ka na naawa sa wifey mo. Palagi mo nalang siyang binibigyan ng sakit ng ulo dahil sa kakahanap sa iyo.”
Nanatiling nakakunot ang noo nito habang nananatiling nakatingin sa kanya. Maya-maya ay unti-unting nanlaki ang mga mata nito. Lumapad ang pagkakangiti niya dahil alam niyang na-gets na nito ang sinasabi niya.
“You! You’re reading them!”
Hindi na niya napigil ang sarili na bumulanghit ng tawa. Sa sobrang lakas niyon ay napatingin sa gawi nila ni Tora ang ilang mga crews na naroon. Karamihan sa mga ito ay nailing o di kaya ay matatawa lang at saka muling babalik sa kani-kaniyang ginagawa.
“Ang lupit mo, Tora,” wika niya sa pagitan ng pagtawa. “Imagine, lahat ng mga kabanda mo naging wifey mo? Hindi lang iyon. Pati iyong mga miyembro sa ibang banda ipinareha ng mga fans niyo sa iyo! Grabe, ang gwapo natin!”
“Hindi siya nakakatawa.” Tora groaned as he slumped on his seat. “Man, I can’t believe you read those fanfictions!”
Muli siyang bumulanghit ng tawa. Wala siyang kaide-ideya kung ano ang fanfictions na nabanggit nito noong una. Kaya naman nang minsang wala siyang magawa habang naghihintay sa dalawang kasama ay sinubukan niyang hanapin ito sa internet. Noon niya nalaman na mga kwento pala iyon na likha ng mga fans at ang mga miyembro ng banda ang mga bida. Ganoon nalang ang pagkabigla niya nang unang beses siyang makabasa niyon. Hindi kasi niya akalain na may mga istoryang rated R-18 ang tema.
Ngunit sa kabila nang nakakatawang ideya na into a relationship ang mga miyembro ng Wonderland sa isa’t-isa sa bawat fanfic, hangang-hanga si Sonia sa mga manunulat ng mga iyon. Magaganda kasi ang konsepto ng bawat istoryang nabasa niya. Sa sobrang ganda ng ilan sa mga iyon ay napilitan siyang gumawa ng sariling account sa isang writing community para lang masubaybayan ang ilan sa mga iyon.
“Okay sa akin iyong ToCio pairing pero mas ramdam ko ang intensity kapag ToSa,” wika niya habang pinapahid ang mata. Naluha na siya dahil sa ginawang pagtawa.
“To— what?”
“ToCio. Abbreviation iyon ng pangalan ninyo ni Cio. Kapag iyon ang nakalagay sa fanfic, ibig sabihin kayo ang magka-partner sa istorya. ToSa naman kapag kayo ni Saga. Speaking of ToSa, gandang-ganda ako dun sa isang fanfiction kung saan fallen angel ka at fallen devil naman si Saga.”
“Mas mukha talaga akong anghel kaysa kay Saga,” tila hindi interesadong kumento ni Tora.
“Ikaw, ang hard mo talaga kay Saga. Pero mind you, ang love ni Saga ang nagligtas sa iyo sa story na iyon. Ang dakila niya dun, sobra. Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak habang binabasa ko iyong last chapter.” Humarap siya kay Tora. “Simula ngayon, favorite ko na rin si Saga. Kayo na ang OTP ko kaya huwag ka nang makikipaglandian sa iba mo pang kabanda okay? Lalong-lalo na kay Cio.”
“Teka, OTP? Ano na naman iyon?”
“It means One True Pairing. Kayo ang paborito naming magkapareha.”
“Eww.” Natawa siya sa naging reaksiyon nito. “Tigilan mo na ang pagbabasa ng mga iyon. Seriously, hindi ka ba kinikilabutan?”
“Hindi. Nakakakilig nga eh. Ang sweet-sweet mo kay Saga dun sa mga stories. Well… Sweet ka naman sa lahat ng nagiging ka-partner mo eh. Pero dahil ToSa supporter ako, mas loyal ako sa pairing ninyong dalawa ni Saga. Sabi ko nga, mas dama ko ang intensity lalo na sa mga part kung saan kayo—“
“Enough.” Mabilis na tinakpan ni Tora ang bibig niya gamit ang isang kamay. Nagreklamo siya dito habang sinusubukang alisin ang kamay nito ngunit mas lalo lang iyong dumiin. Her eyes grew wide and her breath hitched slightly when she felt Tora’s solid body pressed on her as he pinned her unintentionally down the sofa. And then Tora noticed her reactions.
Sonia could feel her face heating up, and she was sure she was as red as a tomato when she realized how close they were. Naramdaman niya ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib habang nakatingin sa mga mata ni Tora. And when those beautiful orbs shifted its gaze into her lips, she felt her heart rate skyrocketed.
“Sonia.” Shiver rushed throughout her whole body when he called her name. Saglit na pumikit si Tora. Huminga ito nang malalim na tila pinakakalma ang sarili bago muling nagmulat ng mga mata. He seemed calm, but she can still see the same burning emotion in his eyes. “I’m going to remove my hand but promise me na hindi na natin pag-uusapan ang tungkol sa mga fanfictions na iyon. Okay?” wika pa ni Tora.
Nang bahagyang lumuwag ang pagkakatakip nito sa bibig niya ay sinamantala niya iyon. Mabilis niyang hinawi ang kamay nito palayo. “Oo na! Hindi na, promise,” nakasimangot niyang sabi rito. Pinilit niyang pasiglahin ang boses upang agad na mawala ang awkwardness sa pagitan nila. “Makatakip ka naman ng bibig, wagas. Isusumbong kita kay Heart kapag nasira ang make-up ko dahil sa ginawa mo.”
“Ang lakas mo kasing man-trip.”
“Anong gagawin ko? Eh sa totoong kinikilig ako sa inyo ni Saga dun sa mga nabasa ko.” Mabilis siyang umusog palayo nang muling tangkain ni Tora na takpan ang bibig niya. “Hindi na! Titigil na talaga ako!” Natatawang sigaw niya.
Kapwa sila natigilan sa pagkukulitan dahil sa liwanag mula sa flash ng isang camera. Magkasabay pa silang napalingon ni Tora sa pinanggalingan niyon. Standing not far away from them is a female holding a camera. At base sa suot nitong I.D., agad niyang nabatid na miyembro ito ng media.
“Ang cute niyo namang tignan,” nakangiting kumento nito habang naglalakad palapit sa kanila.
The woman’s greeting somewhat makes her feel uncomfortable. Mas lalo siyang naasiwa nang itinuon ng babae ang tingin sa kanya. Wala sa loob na napausog siya palapit ulit kay Tora, na agad hinawakan ang isa niyang kamay sa likuran nila.
Napatingin siya dito. Tora smiled at her, and she immediately felt her heart calming down. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig ano, Sonia? Isang ngiti lang ng lalaking mahal mo, okay ka na. Nailing nalang si Sonia sa naisip bago umayos ng upo paharap sa bagong dating.
“By the way, congratulations Sonia sa success ng nakaraang concert ninyo ng Serenade. I was there together with my co-workers. Sulit na sulit ang ibinayad namin. We really enjoyed it a lot.”
“Thank you,” sagot niya.
“Among the three, ikaw ang pinakagusto ko ang boses. Your deep voice was really impressive even though you mostly sing as second voice. Mas damang-dama ko ang emosyon ng mga kanta ninyo pero lalo akong na-hook nang kinanta mo iyong solo song mo. Jewels, right?” Tumango siya bilang sagot. “You really nailed your solo song that night, Sonia. Nag-uumapaw ang emosyon habang kumakanta ka. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung totoo nga bang in-love ka.”
Napisil niya ang kamay ni Tora dahil sa gulat sa sinabi ng babae. Gosh. And here I thought I’m only portraying the song’s feelings. She was always singing their songs with full of emotions. Hindi niya akalain na lumilitaw nang bongga sa kanta niya ang nararamdaman niya kay Tora. Kimi siyang ngumiti. “Well… Lahat naman ng tao in love hindi ba?”
Tumawa ang reporter. “I know. But what I mean is that you have that special someone in your life now. Nitong mga nakaraang araw kasi usap-usapan na may boyfriend ka na. At ayon din sa kumakalat na balitang iyon, miyembro ng Wonderland itong napapabalita mong boyfriend. Anong masasabi mo tungkol doon, Sonia?”
Muli niyang napisil ang kamay ni Tora. Oh my God! Hindi pa pala namamatay ang issue na iyon hanggang ngayon? As much as she wanted to confirm na in-love nga siya, hindi niya iyon pwedeng gawin nang basta-basta. Hindi lang naman siya ang maaapektuhan kung saka-sakali. Isa pa, hindi sa ganitong paraan niya gustong malaman ni Tora ang tungkol sa nararamdaman.
“W-Wala pa akong boyfriend.” Nice answer, Sonia.
She felt Tora’s hand tightened its grip on her hand. Bahagya siyang sumulyap sa magkahawak nilang kamay. It’s okay, Tora. Everything’s going to be fine. Hindi ko hahayaang masira ulit ang friendship natin dahil sa ganitong issue, aniya sa sarili at saka bahagyang pinisil ang kamay nito.
“Eh? Hindi nga?” Tumango siya. “Akala ko pa man din totoo iyong balita. Lalo na nung nakita ko kayo ni Tora ngayon. Both of you looked like a real couple, to be honest. Kaya nga hindi ko napigilan ang sarili ko na kuhanan kayo ng picture.”
Mukha daw kaming couple! Pigil ni Sonia ang sarili na huwag magpahalata na kinikilig siya sa sinabi nito ngunit bigla rin siyang natigilan. Unti-unting humigpit ang pagkakakapit niya sa kamay ni Tora habang nagsi-sink in sa utak niya ang mga sinabi ng babae. Sira ka talaga, Sonia. Hindi ka dapat basta-bastang nakikipagbiruan kay Tora kapag nasa public kayo, sermon niya sa sarili. Hindi lahat may alam na magkababata kayo ni Tora. Hindi na kayo katulad ng dati. Pareho na kayong kabilang sa mga sikat na personalidad ng bansa. Bawat kilos ninyo, tinitignan ng media!
Bigla siyang kinabahan nang makitang nakatingin na ang babae kay Tora. Huminga siya nang malalim. Kailangan niyang makaisip ng isasagot agad upang hindi na ito makagawa pa—
“Sonia’s not my girlfriend.”
Ramdam ni Sonia ang biglaang paggapang ng lamig sa buo niyang katawan nang marinig iyon. That voice… Minsan na niyang narinig ang tonong iyon ng boses ni Tora.
“Totoo ba iyang sinasabi mo, Tora?” tanong ng reporter dito. Tuluyan nang nalipat dito ang atensiyon nito.
“Yes. Ang totoo niyan, magkaibigan at magkababata kami ni Sonia.”
“I see. But friends can be lovers naman hindi ba?”
“Sometimes. Pero sa aming dalawa ni Sonia, hindi siguro applicable ang kasabihang iyan.”
Bakit hindi? Unti-unting bumigat ang pakiramdam ni Sonia habang patuloy na nakikinig sa dalawa. Ibig niyang salagin ang mga sinasabi nito ngunit hindi niya alam kung paano gagawin iyon nang hindi sila magkakaroon ng issue.
“Pero iba kasi ang nakita ko sa inyong dalawa kanina,” may pagdududa sa boses na tanong ulit nito sa lalaki.
Tumawa si Tora. “Dahil ba sa nakita mo kanina? We’ve been friends for the past two decades. Normal na para sa aming dalawa ang mga ganoong klase ng biruan. Wala nang halong malisya. Hindi ba, Sonia?”
Dahil sa tanong na iyon ay napatingin siya kay Tora, bagay na gusto niyang pagsisihan. Because the moment she turned her face to him, Sonia felt her heart slowly shattering inside her chest. Habang pinagmamasdan niya ang nakangiting mukha nito ay iisa lamang ang tumatakbo sa kanyang utak. Tora had that smile again. The same sad smile he gave her on the night of his birthday two years ago. No… Not that smile, Tora. Please…
Naramdaman niya ang ginawa nitong pagpisil sa kanyang kamay bago may kung anong umagaw ng atensiyon nito. Itinaas nito ang isang kamay at kumaway sa kung sino mula sa kanilang likuran. “Heart!”
True enough, biglang lumitaw sa tabi nila ang kanilang make-up artist. “Hi, Tora! Hindi ko alam na nandito ka,” bati nito sa lalaki.
“May recording kami sa kabilang studio,” simpleng sagot nito kay Heart.
“I see,” wika nito at saka bumaling ito sa kanya. “Sonia, kanina ka pa namin hinahanap. Malapit nang magsimula ang recording ninyo.”
Dahil okupado pa siya ng kaguluhang meron sa kanyang dibdib ay hindi siya agad nakasagot. Muli siyang tumingin kay Tora. Ibinuka niya ang bibig ngunit bago pa siya makapagsalita ay inunahan na siya nito.
“Pasensiya ka na, Heart. Napasarap kasi ang kwentuhan namin nina Sonia kaya hindi siya agad nakabalik. Please give my apologies to Camilla as well as to Sofia and Keene.”
Ngumiti si Heart dito. “No worries. Sasabihin ko ang message mo sa kanila.”
Wala sa sariling napasunod si Sonia nang igaya siya ni Tora na tumayo. “Pasensiya ka na, Sonia. Hindi na kita masasamahan na mag-sorry sa mga kasama mo. Kailangan ko na rin kasing bumalik sa mga kasama ko. Baka hinahanap na rin nila ako,” nakangiti pa ring wika nito.
Muli niyang ibinuka ang bibig ngunit walang salitang lumabas mula roon. Darn it, Sonia! Magsalita ka! Naikuyom niya ang mga kamay. At lalo pang dumiin iyon nang umangat ang isang kamay ni Tora at haplusin siya sa kanyang ulo.
“Everything’s going to be fine, Sonia. Wala ka nang dapat na alalahanin pa,” wika nito bago bawiin ang kamay at tumalikod sa kanya. Magalang itong nagpaalam sa babaeng reporter bago naglakad pabalik sa studio kung saan naroon ang mga kasama nito.
Pigil niya ang sarili na huwag maiyak habang pinagmamasdan ang papalayong pigura nito. That familiar pain was back in her heart. Ang masaklap, mas matindi ang sakit niyon ngayon.