Nang buksan ni Sonia ang pinto ng banyo ay agad na bumungad sa kanya si Tora. He was leaning against the armrest of the sofa while looking at something from his cellphone. Magtatanong sana siya kung anong ginagawa nito roon nang maalalang inimbitahan nga pala ito ni Camilla na sumama sa kanilang after-concert celebration bilang pasasalamat sa ginawa nitong pag-sub sa kanilang gitarista.
“Is that our tour shirt you’re wearing?” she asked when she noticed the shirt he’s currently wearing.
Nakangiting tumango ito. “Ibinigay nila sa akin kanina matapos kong makipagpalit sa sub-guitarist ninyo. Tamang-tama kasi naiinitan na ako sa suot ko. Binigyan din nila ako ng towel, CD ng The Whole Sky, and this.” Iniangat nito ang hawak na photobook nila. “Pa-pirma ako nito mamaya ha?”
“Papirmahan mo na muna kina Keene at Sofia. Papirmahin mo na rin si Camilla. Speaking of which,” Luminga-linga siya sa paligid. “nasaan na ‘yung mga nabanggit ko?”
“Nauna na silang lumabas kasama ng iba pa ninyong staff. Doon nalang daw nila tayo hihintayin.”
Lumapit siya sa kinaroroonan ng kanyang bag at binuksan iyon. “Ugali talaga ng mga iyon. Gutom na gutom na ba talaga sila kaya ganoon nalang sila ka-excited na pumunta sa venue? Sinabi ko nang magsi-CR lang ako sandali eh.”
“Well, according to Keene, hindi lang daw basta-basta ang sandali mo.”
Saglit na tumigil si Sonia sa ginagawa at saka bumaling sa lalaki. Huling-huli niya ito ng nakangiti na tila may nakakatawang bagay na naalala. “May sinabi sila sa iyo ano?”
“Meron. Pero huwag kang mag-alala. Hindi ako naniniwalang inaabot ng thirty minutes ang sandali mo, Sonia. Simula nang pumasok ka kanina sa banyo,” Sinulyapan nito ang wall clock na nakasabit sa dingding. “twenty-five minutes lang ang itinagal mo sa loob bago ka lumabas.”
“Wow. At talagang inorasan mo ako ha?” sarkastikong wika niya.
“I have to. Para magawa kitang ipagtanggol sa mga kasama mo.”
“Thanks, Tora. Kaibigan talaga kita.” Napailing nalang siya nang malakas itong tumawa. “Pasalamat ka at naging sub guitarist ka namin ngayon kung hindi ay sinakal na kita. By the way, maraming salamat ulit sa ginawa mong iyon. Sa kabila nang aksidente ay successful na natapos ang concert namin sa tulong mo.”
“You’re welcome. Sinabi ko naman sa iyo hindi ba? I’ll be fine.”
Isinara niya ang zipper ng bag at saka muling humarap sa kausap. “Yeah right. Kaya pala sa intro palang ng second song ay nagkamali ka na ng chord.” Hindi niya maiwasang mapangisi matapos mag-switch ang expression ni Tora from teasing to shock. “Yes, Tora. Narinig ko iyon kanina.”
Tumikhim ito. “That… It was an accident. Seriously, I’m really sorry about that one,” sinserong wika nito.
“I know. Ito naman, ang seryoso agad. Huwag kang mag-alala. Napaka-minor lang na pagkakamali iyong nagawa mo. Hindi ka naman ginisa ni Camilla hindi ba? At saka, bukod sa kanya, sa tingin ko nga ako lang ang nakapansin. Pero nagtataka talaga ako sa iyo kanina.” Isinara niya ang bag at muling humarap sa kausap. “Anong nangyari sa iyo at nagkamali ka? Sabi mo sa akin hindi naman kumplikado iyong mga kanta namin. Knowing you, hindi ikaw ang tipo nang magkakamali sa intro ng kanta.”
Nagtaka siya nang biglang mag-iwas ito ng tingin sa kanya. She heard him said something, ngunit dahil napakahina ng boses nito ay hindi niya iyon naintindihan. “Ha? Ano yung sinabi mo?”
“Wala.”
“Hoy, Tora. Alam kong may sinabi ka. Bilis na at—“
“I said blame it on your legs.”
Blame my what? “H-Ha?”
Tora once again turned towards her then tsked. “Anong iniisip ng stylist ninyo at ginawan niya kayo ng ganoong klase ng damit? I mean, maganda na iyong costume ninyo eh. Tapos… Tapos… Argh! I really don’t get it.”
Ah, I think I know what he’s babbling about. Tora was talking about what they did before singing their second song. The moment their band played the upbeat intro of their second song ay sabay-sabay nilang tinanggal nina Keene at Sofia ang mahabang palda ng kanilang costume, revealing a shorter one. Everyone inside the concert hall roar in excitement.
Well, maliban lang kay Tora.
Pigil ni Sonia ang sarili na huwag mapangiti habang patuloy na pinagmamasdan si Tora. He’s pouting while flipping through the pages of their photobook. Halatang hindi talaga nito gusto ang mga nangyari. Hindi niya akalain na ganoon ang magiging epekto ng ginawa nilang iyon.
“Ano bang mali sa costume namin?”kunwa ay inosenteng tanong niya.
“Hindi mo alam kung anong mali?” balik-tanong nito. He was now looking at her like she said something outrageous. “Sonia, your second skirt is too short!”
“Hindi kaya! Ang haba pa nga nun eh. Ang init tuloy sa pakiramdam habang suot pa namin iyong una. Tapos ang taas pa nung suot kong boots. Tsk… Next time nga magbibilin ako na magkaparehas nalang kami ni Keene ng sapatos.”
“It is too short! Kitang-kita ng mga fans ninyong nasa unahan ng stage ang mga hita mo.”
“Natural na makikita nila iyon. Iyon nga ang purpose nung damit ko eh.” Nagsisimula nang mamuo ang inis niya dito. “Teka nga sandali. Ano ba talaga ang issue dito? Yung palda ko o yung hita ko?”
“Pareho. I don’t like you wearing skirts that are too short and show off your legs.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Ganun? Are you saying that you don’t like my legs?”
“What?! No! Of course I love your legs! Hindi ako madi-distract sa performance ko kung hindi ko nakita ang mga hita mo.”
Kapwa sila natigilan matapos ang sagutan nilang iyon. Ah… Okay. Tumikhim siya. “So… uhm… you like my legs, huh?” she asked.
Mabilis na nag-iwas ng tingin si Tora sa kanya at saka tumikhim. “Yeah. So?”
“Wala lang.” Kumawala na sa mga labi niya ang ngiting kanina pa niya sinusupil. “Hindi ko akalain na iyong fanservice pala namin ang dahilan ng pagkakamali mo kanina.”
“Sige lang, Sonia. Ulit-ulitin mo pa.” Bumuntong hininga si Tora. “Seriously, Sonia. Next time na magko-concert kayo, pwede bang ibahin ninyo ang fanservice ninyo? Do something else na hindi makakapag-trigger na kung ano man sa mga fans.”
“Says the guy who does kisses on stage with his fellow bandmates while performing.” She just sighed when Tora looked back questionably at her. “Napanood ko iyong isang concert ninyo online, Tora,” aniya. Sagot na rin niya iyon sa silent question nito.
“Correction. Hindi ako nanghahalik ng mga kabanda ko. It’s the other way around.” Muli itong bumuntong hininga. “Sonia, majority of our fans ay mga babae. Bukod sa pagsusulat ng mga tinatawag nilang fanfictions kung saan nagiging magkarelasyon kami ng kung sino mang kabanda ko, ang pagreregalo nila sa amin ng mga kakatwang bagay ang masasabi kong pinaka-extreme na nilang nagawa dahil sa mga fanservice namin.”
“So okay lang sa iyo na isipin ng mga fans niyo na kayo talaga ni Saga?” Mabilis niyang pinalo ang kamay nito ng kurutin siya nito sa kanyang pisngi. “Aray naman.”
“That’s not the point. Babae ka at majority ng fans ninyo ay mga lalaki. Hindi man lahat, may ilan sa kanila na iba ang itinatakbo ng utak after ng ginawa ninyo kanina. I’m a guy, too, so alam ko iyon.”
Nagdududang tinitigan niya ito. “Iniisip mo rin ang iniisip nila matapos mong makita ang legs ko?”
“Pass.” This time, pinitik naman siya nito sa kanyang noo. “I’m serious here. Hay naku, si Camilla na nga lang ang kakausapin ko tungkol dito.”
Tumawa siya. Nang makita niyang nakangiti na si Tora, batid ni Sonia na hindi na aburido ang lalaki. She really prefer seeing him smiling than acting like an old grumpy man.
“Halika na nga. Kanina pa sila naghihintay sa baba. Baka lalo ka nila tuksuhin kung gaano katagal ang sandali mo kapag nagtagal pa tayo lalo dito,” yaya nito sa kanya.
Matapos magpaalam sa ilan pang staff na naroroon pa ay magkasabay silang naglakad palabas ng studio. Nasa tapat na sila ng elevator nang may maalala.
“Ah! May itatanong pa nga pala ako sa iyo, Bakit nga pala hindi ka nakipagpalit agad kay Sir Sonny kanina?”
Tora pressed the down button first before answering. “Hindi ba sinabi sa iyo ni Camilla?”
Umiling siya. “Nope. Siya nga itong nagsabi na sa iyo ko itanong kung bakit.” Pumalatak siya. “Akala ko pa man din nakaupo ka na kasama ng mga audience kapag kinanta ko na ang solo song ko.”
“That’s exactly the reason why I decided to stay on the stage. So I can see your performance upclose. At hindi ako nagkamali. Seeing you sing that close is really breathtaking.”
Tora’s statement really caught her off guard. Sa sobrang gulat niya, hindi na niya nagawang mag-react nang humakbang ito palapit sa kanya.
“Hindi pa pala kita nababati,” he said, almost like a whisper. His gorgeous black eyes intently looking straight at hers. “Congratulations, Sonia. It was a very successful concert.”
“T-Thank you, Tora.”
Hindi na siya nakapag-react nang kumilos ito at yakapin siya. It was a tight embrace, not enough to crush her but enough for her to feel the warmth coming from his body. Ramdam niya ang mabilis na mabilis na pagtibok ng kanyang puso kaya naman napapaisip siya kung nararamdaman din ni Tora iyon. But despite that, she felt relaxed.
She hugged him back and she immediately felt his grip tightened around her, bringing her even more closer to him. So close that she can feel his breath fanned her cheek. And when he finally let her go and smiled at her, all she can do is bade her heart goodbye. Because once again, Tora had taken her heart from her.